Regine Velasquez-Alcasid has yet to confirm report she is five weeks pregnant

IMAGE 0


Last Sunday, April 3, news about Regine Velasquez-Alcasid's supposed pregnancy leaked to the media. But the singer-actress and her husband Ogie Alcasid have yet to confirm this report.


Mabilis ang pagkalat ng balitang buntis na diumano ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Una itong inilabas ni Nitz Miralles sa kanyang column sa People's Tonight noong Linggo, April 3. Sinegundahan naman ito ni Jun Lalin sa pamamagitan ng pagbabalita nito sa showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi kinahapunan ng Linggo.

Lahat ay naghahanap ng kumpirmasyon kung totoo ngang limang linggo—o isang buwan at isang linggo—nang buntis ang singer-actress.

Habang isinusulat ito, hindi pa nakakapagbigay ng direktang kumpirmasyon si Regine tungkol sa nababalitang pagdadalantao niya.

Hindi kasi nakapag-taping ang Asia's Songbird kahapon para sa kanyang primetime series sa GMA-7 na I ♥ You Pare dahil inaatake raw ito ng kanyang migraine.

Ang nasabing karamdaman ang isa sa rason kung bakit kahit nasa loob na ng studio si Regine para sa Party Pilipinas noong Linggo ay minabuti nitong umuwi at magpahinga na lang.

REGINE'S MIGRAINE. Malaki ang posibilidad na buntis nga ang Asia's Songbird dahil ayon sa kuwentong nasagap namin, hindi na raw umiinom ng matinding pain killer ang Songbird para sa kanyang migraine. Nagkakasya na lang daw ito sa isang mild pain reliever.

Buti na lang at may tatlong linggo na mula nang itinigil ni Regine ang pag-inom ng steroids para sa kanyang lalamunan nang magkasakit naman siya ng bronchitis.

Noong Lunes, April 4, hindi na makabangon sa higaan si Regine dahil sa kanyang migraine.

Last week pa raw inaatake ng migraine si Regine.

Saksi kami sa nararamdaman ng aktres dahil nang bisitahin namin siya sa taping ng I ♥ You Pare ay may nakapatong na bulsa de yelo sa kanyang ulo.

Paliwanag niya, ngayon lang siya uli inatake ng kanyang migraine after two years.

Noong mahilo siya at isugod sa ospital sa kalagitnaan ng taping ng Diva last year, yun ay dahil daw sa init at sobrang pagod. Pero wala siyang migraine no'ng mga panahong 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dapat ay may taping si Regine kinabukasan, pero kinansela na dahil sa kanyang out-of-town appearance.

Bumalik siya ng Manila ng Huwebes, March 31. Ramdam pa rin niya ang ang kanyang migraine kaya naman nag-decide raw itong magpa-check up sa doctor noong Biyernes, April 1.

Hindi na niresetahan ng matinding pain killer si Regine ng kanyang doctor dahil sa kanyang kalagayan—o ang nababalita ngang pagdadalantao nito.

IS REGINE REALLY PREGNANT? Sa mga kuwento ng aming mga nakakausap, hindi man nila diretsahang tukuyin, masasabing buntis nga ang Songbird.

Salaysay naman ang isang staff ng I ♥ You Pare, dapat daw ay may taping noong nakaraang Biyernes, April 1, si Regine matapos ang kanyang check-up. Pero hindi raw iyon natuloy dahil may mga eksenang hindi na nito puwedeng gawin, gaya ng matatapilok ito o kaya ay may mga physical struggle scenes.

Ang mga ganitong restrictions ay isang indikasyon lang na buntis ang isang babae, lalo't maselan ang pagbubuntis nito.

Sa kaso naman ni Regine, ikinukunsidera ang kanyang edad kaya kailangan nito ng matinding pag-iingat. Regine will turn 41 on April 22.

Suspetsa ng aming kausap, siguradong last Friday nag-leak ang balitang buntis si Regine. Matapos kasing sabihin ng singer-actress sa production na hindi na siya puwede sa mga physical scenes at aminin daw nito ang kanyang pagbubuntis, maaaring naitimbre na ito sa media at nailabas na ito ng Linggo.

Isa naman sa mga malalapit kay Regine ang nagsasabing hindi raw puwedeng manggaling ang balita sa kanilang kampo dahil respeto na lang sa pagsasama ng Songbird at ng mister nitong si Ogie Alcasid.

Sinisigurado ng aming kausap na hindi matatapos ang linggong ito ay magkakaroon ng official statement o announcement sina Regine o Ogie kaugnay sa napapabalitang pagbubuntis ng Asia's Songbird.

Yun nga lang, tiniyak naman nito na magkakaroon ng adjustment sa working condition ni Regine at sa flow ng story ng I ♥ You Pare.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailangang paghandaan daw nila ang posibilidad na puwedeng hindi makapag-taping ang kanilang bida dahil sa kalagayan nito ngayon.

Asahang magkakaroon ng meeting ang production at ang management ng GMA-7 para gawan ng paraan kung paano itatawid ang mga nalalabi pang episodes ng programa.

Pero kung si Regine lang daw ang masusunod, gusto niyang magtrabaho pa rin para matupad niya ang commitment.

Kahit nga raw noong matindi ang migraine nito last week, kuwento pa rin ng staff, masiglang-masigla pa rin ito. Pero lagi nitong sinasabi na nahihirapan siyang mag-memorize ng linya dahil sa kanyang karamdaman.

Ipinagdarasal na lang ng staff na mawala na ang migraine ng kanilang bida para makapagtrabaho na ito. Iingatan daw nila ang singer-actress para masiguradong walang masamang mangyayari sa kanyang bagong blessing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN