Angelica Panganiban on her best actress award for a comedy role: "Ipinapangako ko po sa inyo na lalo kong pagbubutihan itong kalokohang pinasok ko."

IMAGE 0


Angelica Panganiban receives her second best actress trophy for a comedy role from the Golden Screen Awards. Angelica first won as Best Comedy Actress in Star Awards for Television for the gag show Banana Split.


Labis ang kagalakan ni Angelica Panganiban nang tanggapin ang kanyang tropeyo para sa Best Performance by an Actress in a Leading Role (Musical or Comedy) mula sa pelikulangHere Comes The Bride sa 8th Golden Screen Awards noong Sabado, April 2. Kaya naman nagpapasalamat siya sa Entertainment Press Society, Inc. (Enpress) bilang bukod-tanging award-giving body na mayroong ganitong kategorya.

"Sobra talaga akong natutuwa dahil binibigyan ng pansin ng Golden Screen Awards ang comedy," pahayag ni Angelica sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Teatrino, Greenhills na pinagdausan ng naturang okasyon.

Nauna rito, nanginginig at halos maluha sa isang bahagi ng kanyang acceptance speech si Angelica.

"Grabe! Thank you, thank you, Lord, thank you, Enpress. Maraming-maraming salamat po!" sambit niya.

"Hindi po ako makapaniwala na nasa isang kategorya ako, kasama ko si Ate Uge [Eugene Domingo] na nanalo last year, si Ms. Ai-Ai delas Alas, si Toni [Gonzaga] at Tuesday [Vargas], at ako pa po yung nanalo. Kaya sobra po akong thankful at napakasaya ko.

"Matagal-tagal na rin po akong artista at hindi ko in-imagine, hindi ko inisip na magkakaroon ako ng trophy bilang nakakatawang nilalang. Ipinapangako ko po sa inyo na lalo kong pagbubutihan itong kalokohang pinasok ko..."

Dahil sa sinabing ito ni Angelica, inusisa namin ang aktres kung ang panalo niyang ito ay magiging daan para mas mag-concentrate na siya sa mga comedy projects, lalo't may gag show siyang Banana Split sa ABS-CBN.

"Hindi naman," sagot niya. "Siyempre, may mga offers pa rin ako na...may ginagawa akong drama at may ginagawa akong comedy. So, nakakatuwa lang na may mga taong nagbibigay parangal sa akin sa mga ganitong klase ng role na ginagampanan ko."

Ano ang mas mahirap—drama, magpa-sexy, o mag-comedy?

Tumawa muna siya bago sumagot: "Mas mahirap ang mag-comedy."

PART 2. Mahusay na nagampanan ni Angelica ang karakter na Stefanie sa Here Comes The Bride, mula sa pagiging inosente at sopistikadang virginal bride na naging maharot na bading, at sa bandang huli ay nalipat-lipat pa sa ibang persona ang kanyang karakter sa sobrang nakakaaliw at nakakabaliw na paraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumpirma ni Angelica na may sequel ang Here Comes The Bride. Ano naman kaya ang bagong ipakikita niya sa Part 2 ng naturang pelikula?

"Mayroon itong Part 2, pero inaayos pa namin, kaya dapat na abangan nila ito. Siyempre, mas lalo kong pagbubutihan ang acting ko dito," saad niya.

Mas may pressure ba o mas matsa-challenge siya sa Part 2 para mas malagpasan ang matinding performance niya sa Part 1 ng Here Comes The Bride?

"Hindi ko naman iisipin 'yon, basta happy lang ako. Pero sa ngayon, masayang-masaya lang talaga ako," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN