Joey de Leon and Pokwang make peace three years after Joey called her "mukhang aswang" on national television

IMAGE 0


Joey de Leon and Pokwang meet on the set of Pak! Pak! My Dr. Kwak!, smile, embrace.


Matapos ang tatlong taon, personal na nagkabati sina Pokwang at Joey de Leon matapos ang kontrobersiya na kinasangkutan nila.

Matatandaan na noong taong 2008, sa kasagsagan ng pagtatapat ng noontime show nina Pokwang at Joey de Leon, ay nakatikim ng ilang patutsada si Pokwang mula kay Joey de Leon.

Sa isang kantang ginawa ni Joey para sa show ng Eat Bulaga! sa Los Angeles, tinawag ni Joey ang former co-host ng Wowowee na "mukhang aswang."

Nasaktan nang husto si Pokwang sa pagpaparinig na ito ni Joey at maging ang kanyang anak ay naapektuhan sa patutsadang ito. (CLICK HERE to read related article.)

ANG PAGKIKITA. Sa April 2 episode ng Entertainment Live, kinuwento ni Pokwang kung paano sila nagkita ni Joey sa set ng pelikulang Pak! Pak! My Dr. Kwak!, na co-produced ng Star Cinema at M-Zet Productions.

Ang pelikulang ito ay pinagbibidahan nina Vic Sotto at Bea Alonzo. Inimbitahan ni Vic si Joey para gumanap ng isang cameo role.

Sa set daw naganap ang emosyonal na pagbabati ng dalawa.

Sa isang taped interview, heto ang kuwento ni Vic tungkol sa pagbabati nina Joey at Pokwang:

"Si Pokie, nakakatuwa 'yan, e. Nung una kaming nagkita sa shooting, medyo me drama at ilangan pa nang kaunti dahil nga sa nangyari sa kanila ni Joey.

"Tapos, nung nagkita rin sila ni Joey may drama na namang nangyari.

"Si Pareng Joey pa naman, medyo matampuhin din yun, e.

"Nung inimbitahan ko nga siyang mag-guest sa pelikula, di naman ako nagdalawang salita sa kanya, kahit alam n'yang magkikita sila ni Pokwang sa set."

Live namang nag-guest si Pokwang sa E-Live noong Sabado upang ikuwento ang pangyayari.

Inusisa nina Ogie Diaz at Luis Manzano ang komedyana kung ano ang naramdaman niya sa panahon na 'yon. Tanong ni Ogie, "Totoo bang medyo naging emosyonal ang pagbabati nyo ni Joey de Leon sa set ng inyong pelikula?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Pokwang, "Actually, noong araw na yun kasi, 5 p.m. pa ang call time ko, pero alam naman ng mga kasamahan ko na lagi akong maaga bago pa yung call time ko. So dumating ako ng 4 p.m. that time.

"Si Joey pala, e, may cameo role sa aming pelikula dahil naimbitahan siya ni Vic. Matapos pala nung Eat Bulaga noong araw na yun, etong si Joey ay dumiretso na sa set namin, tapos ako daw agad ang hinanap.

"Sabi niya daw, 'Nasaan na si Pokie?' Sabi naman ng staff, 'Ay, parating na po yun.'

"Tapos, noong dumating ako, hinila na 'ko ng mga staff at sinabing 'Halika, halika dali me bisita ka.' Pagkakita ko, nandun na sya."

ANG PAGBABATI. Kung tutuusin, lumabas ang likas na bait ni Pokwang.

"Ang reaksyon ko, siyempre noon, ay napangiti ako.

"Aminin naman nating lahat na lumaki tayong lahat na me Tito, Vic and Joey, so bilang isang tagahanga din sabi ko sa sarili ko, 'Ay, ayan na siya.' Di ako yung parang natakot o kung ano pa man.

"Natuwa ako noong nandun siya!"

Pagbibiro ni Ogie Diaz, "Ano naman reaksyon ni Joey nang nakita ka? Sabi n'ya ba, 'Ay! Aswang!'" Sabay tawanan ang lahat.


Pabiro din naman sumagot si Pokwang ng, "Hindi! Me dala siyang bawang!" Sabay tawa ng komedyante.

"Hindi, seriously speaking, niyakap niya 'ko agad. Tapos, yung yakap n'ya, talagang mahigpit that time.

"Tapos, yun na, medyo naging emosyonal na ko."

Tanong ni Luis kay Pokwang, "Ano yung unang lumabas sa bibig ni Joey nung nakita ka niya?"

"O! Ayan na pala si Pokie! Tapos, sabay yakap n'ya sa 'kin.

"Naging emosyonal na yung moment na yun, tapos, ayun, medyo naiyak na ko.

"Kasi, finally, di ba? Kung ano man yung mga nangyari noon, wala na yun. Parang ang gaang-gaan na sa loob ko matapos naming magbati."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong ni Ogie, "So medyo nawala na yung tampo mo kay Joey after ng pagbabati nyo? Ano naman yung rumihistro sa 'yo na si Joey pala ay..."

Sagot ni Pokwang, "Na si Joey pala ay isang taong hindi mahirap mahalin na tao, na di pala siya mahirap pakisamahan. At saka napakatalino niya."

Sinabi rin ng komedyana, "Kinamusta niya yung anak. Sabi ko, 'Ayun po, dalaginding na.'

"Sabi niya naman, 'Naku, di magbo-boyfriend na 'yan!' Sabi ko naman, 'Naku! Sana huwag naman po muna!'"

Tanong ni Luis kay Pokwang, "How was it like working with Joey, Vic, and Bea dito sa movie?"

"Actually, dumagdag yata ang timbang dun sa shooting namin, dahil sa dami ng pagkain! Grabe kasi sila magpakain, in fairness naman kay Bossing [Vic], masyado siyang maalaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN