Daiana Menezes excited about having a new manager; denies rumor linking her to Ryan Agoncillo

IMAGE 0


"They keep on linking me with Vic [Sotto], Ryan. Basta single ako, people can't accept it! I respect married people because I came from a broken family and I know how it hurts to see a mother or wife cheated," says Daiana Menezes about rumors of an affair with Ryan Agoncillo.


Excited si Daiana Menezes sa mga puwedeng mangyari ngayon sa kanyang showbiz career under the management of Noel Ferrer.

Si Noel Ferrer ang manager ng mga artistang lalaki na tulad nina Ryan Agoncillo, Paolo Bediones, Kim Atienza, Bayani Agbayani, Luis Alandy, Marco Alcaraz, the Sakto Boys (Rodjun Cruz, Edgar Allan Guzman, and Lucky Mercado), Rainier Castillo, Dingdong Avanzado, at DJ Myke.

Si Daiana ang pangalawang babaeng talent ni Noel, matapos na lumipat din noong nakaraang taon sa kanyang pangangalaga ang Kapuso actress na si Iza Calzado.

Si Noel ay tumatayo ring TV5 Creative Consultant.

"Parang there's a lot to look forward to," sabi ng 23-year-old Brazilian sa pakikipag-usap nito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, April 5, sa pamamagitan ng BlackBerry Messenger.

"Especially, with the Kapatid network... But that doesn't mean I'm contracted by TV5, ha," paalala ni Daiana.

Mas identified nga kasi ang kanyang present manager sa TV5, lalo na't creative consultant ito ng Kapatid station at may mga show rito ang mga prime talents nito na sina Ryan at Paolo.

Nagsimula sa modeling si Daiana nang madiskubre ng Star Models modeling agent na si Diane Zoleta.

"After modeling around the world for six years, and have been given the chance of going into show business three years ago, my focus isn't in modeling anymore. So, I'm taking a new step in my life," banggit ni Daiana.

Nagpapasalamat daw siya kay Diane at sa mga naitulong nito, hindi lang sa modeling kundi maging sa showbiz career niya.

Labis din daw ang pasasalamat niya sa TAPE, Inc. lady boss at Eat Bulaga! producer na si Malou Choa-Fagar, sa pagtulong nito sa kanya sa mga karagdagang mga trabaho pa sa showbiz.

"Now I guess it's time to go further and more aggressive with Noel Ferrer.

"It was a friendly decision with the concern of Diane Zoleta, who totally understood," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DAIANA HAS ARRIVED. Sa pakikipag-usap naman ng PEP kay Noel Ferrer, sinabi nito na sa kasalukuyan ay bahagi ng radio program na Todo Bigay si Daiana.

Kasama rito ng Brazilian sina Shalala, Bayani Agbayani, Manny Castañeda at X Arnaiz.

Broadcast over TV5's radio station 92.3 FM ang programa at aired naman sa Aksyon TV ng Singko tuwing 12 midnight hanggang 4 a.m.

Dadalhin na rin daw ng SkyCable ang Aksyon TV sa May 4.

Patuloy pa ni Noel, regular din si Daiana sa Paparazzi segment na "Paparazzabeh," kunsaan kasama niya si Mr. Fu at Mo Twister.

"Daiana is also open to doing a teleserye, drama, and comedy gag shows. Guestings on TV are open, too.

"And, hopefully, a good movie and a novelty dance album offer to complete the cake.

"Daiana's time has arrived!" bida pa ng talent manager tungkol sa bago niyang alaga.

DAIANA'S MOVIES. Nabanggit na rin lang ang paggawa ng pelikula ni Daiana, ang huling local movie na ginawa niya ay ang Yaya and Angelina with Ogie Alcasid and Michael V. two years ago.

Itong taon namang ito, nakatakdang gawin ni Daiana ang isang pelikula na sa labas ng bansa isu-shoot.

"My movie, Prince Vaali, is being taken care of and [we] might be shooting anytime soon in Canada," balita ni Daiana.

Ang Prince Vaali ay gagawin sa ilalim ng isang Indian production.

Ayon sa Wikipedia entry nito, ito raw ang unang Indian film na may pinakamalaking budget— mga 65 million dollars daw—at gagamitan daw ng Hollywood style CGI (computer generated imaging) effects.

Pero aniya, aalis lamang siya kung masisigurado niyang matutupad niya at walang makakaistorbo sa mga commitment niya rito sa Pilipinas.

LINKED TO RYAN. Subalit sa kabila ng mga tinatamasa niyang blessings, hindi pa rin tinitigilan ng intriga si Daiana.

Heto nga't kamakailan ay nadamay si Daiana sa isang intrigang nagsimula muna bilang isang blind item.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iniintrigang nakita raw sila ng bagong ama na si Ryan Agoncillo na magkahawak ng kamay matapos manood ng isang movie.

Pinasinungalingan ito agad ni Daiana. Hindi raw totoo ang tsismis sa kanila ng asawa ni Judy Ann Santos.

"Even Juday spoke for me about it. Naaawa na siya," banggit ni Daiana.

"They keep on linking me with Vic [Sotto], Ryan. Basta single ako, people can't accept it!

"I respect married people because I came from a broken family and I know how it hurts to see a mother or wife cheated," sabi pa ni Daiana.

PARTY FOR FANS. Samantala, kamakailan ay nagbigay ng get-together party si Daiana para sa kanyang mga fans at Twitter followers.

"People can follow me on Twitter: www.twitter/dmadeinbrazil and Daiana Menezes in Facebook.

"That's how I get in touch with those who admire me, and throw them a party once in a while, and also open them doors to watch TV shows as the audience."

Ibinalita rin ni Daiana ang magiging partisipasyon niya sa April-10 birthday presentation for Ryan Agoncillo ng Talentadong Pinoy.

"It's Ryan's birthday celebration, and I'm a family friend and one of the surprise celebrity contestants."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN