Alden Richards bent on formally courting Louise delos Reyes when she turns 18

IMAGE 0


"Kami ni Louise, alam na namin ang isa't isa. Alam namin yung plano namin as loveteam. Kasi si Louise, bata pa. Seventeen pa lang siya at hindi pa nagde-debut. Bawal pa siyang ligawan... Eighteen years old na po ako. Pero I'm planning to court Louise... soon!" declares Alden Richards.


Magkasama sa endorsement ng Urban Behavior gimmick outfitter ang stars ng GMA-7 afternoon series na Alakdana na sina Louise de los Reyes at Alden Richards.

Kasama nila sa grupo ang mga baguhan ding sina John Uy na produkto ng Star Factor ng TV5, Aki Torio na member ng grupong XLR8, at isa sa co-hosts ni Kuya Germs sa Master Showman, at mga baguhang commercial models gaya nina Jazz Ocampo, Akina Shimuzu, at Joi Galang.

Nagpahayag ng excitement si Alden sa pagsama ni Louise sa kanilang endorsement.

"I feel blessed po dahil nagsimula nang dumating ang mga blessing na nagsimula sa Alakdana, at tapos, heto na nga po. So, very proud po kami," sabi ni Alden, na binago na ang style ng buhok para mas magmukhang bata.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment portal) si Alden sa launching nila bilang image models kaninang tanghali, April 6, sa roof deck ng Urban Clothing Bldg. sa Rizal Avenue, Manila.

ENZO PINEDA. Inusisa rin namin si Alden tungkol sa pagbisita ng kapwa nila Kapuso star na si Enzo Pineda sa taping ng Alakdana.

Nililigawan daw kasi ng StarStruck V First Prince si Louise. (CLICK HERE to read related story.)

"Sa akin naman po, walang problema yung pagpunta ni Enzo dahil ang sabi sa akin ni Louise, magkaibigan lang naman sila.

"Sa akin naman po, si Louise, espesyal siya sa akin," pag-amin ng young actor.

So, nasaktan siya sa pagdalaw ni Enzo?

"Hindi naman po sa nasaktan. Kasi friends lang naman po kaya hindi ko po pinag-iisipan ng kahit anong malisya doon, pero..." bitin niyang tugon.

Parang nababastos ba ang feeling niya sa ginawa ni Enzo?

"Hindi naman po, kasi wala pa naman po ako sa lugar para pagbawalan si Louise, o pagbawalan si Enzo na bumisita sa set.

"Magkaibigan naman po kami nun [Enzo], e, sa StarStruck. Sabay kaming nagsimula sa StarStruck, kaso siya lang po ang nagtuluy-tuloy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I have nothing against Enzo po. Libre naman po siyang pumunta sa set. Magkakaibigan po kami sa Artist Center. Kumbaga, isang family kami kaya nirerespeto namin ang isa't isa," saad ni Alden.

Pero kahit paano, hindi ba siya nasaktan gayong sila ni Louise ang magkapareha sa Alakdana?

"Yun po ba yung sa PEP?" balik-tanong ng binata.

"Hindi po yun ang exactly na sinabi ko. Pero baka yun lang ang interpretation ng press na nag-interview sa akin.

"Ang eksaktong sinabi ko, 'Walang problema sa akin kung pumunta si Enzo sa set. Hindi po ako against at hindi big deal.'"

Dagdag niya, "Kami ni Louise, alam na namin ang isa't isa. Alam namin yung plano namin as loveteam. Kasi si Louise, bata pa. Seventeen pa lang siya at hindi pa nagde-debut. Bawal pa siyang ligawan...

"Eighteen years old na po ako. Pero I'm planning to court Louise... soon!" deklara ni Alden.

ALL ABOUT LOUISE. Ano ba ang nagustuhan niya kay Louise para ligawan ang dalaga?

"Si Louise po, nung mag-start kaming magkasama sa commercial bago ang Alakdana, mga isang taon na po, napansin kong may certain kaming similarity.

"Pareho kaming OC [obsessive-compulsive]. Na tipong lahat, gusto, in order. Parehas kaming ganoon, kaya nagkakaintindihan kami.

"Saka mabait, sweet, at laging naka-smile. Parang hindi mo siya makikitang malungkot sa isang tabi.

"Na pag nakita mo siya, gaganda ang araw mo!" paglalarawan ni Alden sa kapareha.

Isa pa raw sa nagustuhan ni Alden kay Louise ay ang pagtulong nito sa kanya sa mga eksena nila sa programa.

"Siyempre, bilang baguhan, may kaba ako at ilang nung simula. Pero si Louise, ginawa niyang comfortable upang maibigay namin ang the best sa mga eksena namin," sabi niya.

So, kapag 18 na si Louise, liligawan na niya?

"Hopefully po. Sana po," sambit ni Alden.

May pag-asa ba naman siyang nararamdaman na sasagutin siya ng kapareha?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo naman," mabilis na sagot ng binata. "Si Louise naman, pag magkasama kami, very comfortable, walang ilangan. Halos lahat sinasabi sa akin."

Nagsasabihan na sila ng secret?

"Opo," tugon niya.

MUTUAL UNDERSTANDING. Inamin ni Alden na may "mutual understanding" o "MU" na sila ni Louise.

"Opo!" bulalas niya. "MU stage na po. Pero since 17 pa lang siya, ang dating sa akin, hintay-hintay muna. Wala pa po sa legal age.

"Hindi naman po niya sinabi sa akin. Advice po sa akin ng dad ko 'yon nang tinanong ko kung puwede ko nang ligawan.

"Sabi, hintayin kong maging eighteen at saka ko subukan kung puwedeng ligawan."

Ano sa palagay niya ang edge niya kay Enzo?

"Kami kasi ni Louise, pag taping, lagi kaming magkasama. Kumbaga, may tiwala ako at meron akong advantage dahil halos lahat ng time, nasa amin," sagot ni Alden.

Pag dumarating nga lang si Enzo sa set, aminado si Alden na dumidistansiya siya.

"Ayoko naman pong parang binabakuran si Louise. Although pag nasa set siya [Enzo], binabati naman niyang lahat," aniya.

So, pag sinagot siya ni Louise, siya na ang pinakamaligayang tao?

"Oo naman po! Happiest day po 'yon!" sambit ni Alden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN