Kris Bernal and Jay Perillo are now more open about their special relationship

IMAGE 0


"Gusto ko yung feeling na para akong princess, para akong spoiled brat sa kanya, tapos wala siyang hinihingi in return. Alam niyang busy ako, hindi siya nagrereklamo," says Kris Bernal (right) about Jay Perillo (left).


Kapansin-pansin na open na sa kanilang relasyon ang young actress na si Kris Bernal at ang lead vocalist ng bandang Six Feet Long na si Jay Perillo.

Sa technical rehearsal ng Party Pilipinas noong nakaraang Sabado, April 2, sa GMA Network Studios ay nakikita silang naglalakad na magka-holding hands.

Kinabukasan, April 3, sa mismong araw ng show ay nasaksihan namin mismo ang closeness nila at magka-holding hands pa rin sila.

Pero sa mga interview nila ay "close friends" lang daw ang turingan nila sa isa't isa.

Sa pagkakaalam namin, hindi pa puwedeng mag-open si Kris tungkol sa kanyang lovelife dahil sa loveteam nila ni Aljur Abrenica.

At meron pa siyang Koreana noon, kung saan ka-triangle naman niya sina Rocco Nacino at Steven Silva.

Pero ngayon ay tila naiiba na ang pananaw ni Kris pagdating sa isyung maaaring nakaapekto ang kanyang lovelife sa kanyang career.

"Yun din ang akala ko nung una, e. Kasi may mga isyu na pag nag-lovelife ka, maaapektuhan ang career mo.

"Pero napatunayan ko naman na basta ibalanse mo lang, basta i-handle mo lang nang mabuti, kaya naman," sabi ni Kris sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

UNDERSTANDING SUITOR. Si Jay naman ay nagdeklarang nanliligaw pa lang daw siya kay Kris.

At matagal-tagal din daw ang ligawang iyan, dahil mahigit isang taon na raw ang kanilang relasyon as "friends."

Pahayag ni Jay, "This time, medyo nagkaroon ng lakas ng loob sa pagsabing nanliligaw na talaga ako sa kanya. Medyo matagal din, pero willing ako maghintay kasi medyo conservative din talaga si Kris, e."

Nagpapasalamat naman si Kris kay Jay dahil napaka-supportive daw nito sa kanyang trabaho. Never din daw nagseselos ang singer kahit kanino nali-link si Kris, lalo na kay Aljur.

"Si Jay, suportado sa akin 'yan. Pag nakikita niyang sweet kami ni Aljur, biglang nagyakap kami ni Aljur, naintindihan naman niya 'yan. Wala yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang understanding si Jay, lahat ng loveteams ko suportado niya. Naiintindihan niya ang trabaho ko," sabi ni Kris sa PEP.

At ang isa pa raw na nagustuhan niya kay Jay: "Gusto ko yung feeling na para akong princess, para akong spoiled brat sa kanya, tapos wala siyang hinihingi in return. Alam niyang busy ako, hindi siya nagrereklamo."

SONGS FOR KRIS. Medyo kinikilig pa si Kris sa pagkuwento sa PEP na may dalawang kanta raw na nilikha si Jay para sa kanya.

"Sabi niya may ginawa siyang kanta para sa isang special someone. E, nung time naman nun, parang ako lang naman ang special sa kanya," nakangiting kuwento ng dalaga.

Dagdag ni Kris, "Masarap, kasi ako, mahilig ako sa ganyan na ginagawan ako ng kanta. Parang ang liit na bagay, tapos alam mong pinaghirapan, pinagpuyatan. Di ba, parang nakaka-touch?

"First time kong nagawan ako ng kanta. Maganda kasi yung lyrics. Swak talaga sa amin. Kung paano kami nagkakilala, kung paano kami nagkita."

Tinanong naman ng PEP si Jay tungkol sa dalawang kantang ginawa niya para kay Kris.

Marami raw siyang nagawang kanta na inspired kay Kris, pero ang dalawang kantang yun na may pamagat na "Nakatanim" at "When I Saw You" ang napili ng Viva Records na isama sa album niyang malapit nang i-release.

"Ang 'When I Saw You,' typical na love story ng dalawang nag-iibigan.

"'Nakatanim' naman is para siyang vow ng feelings ng isang nagmamahal sa isang minamahal," paliwang ni Jay sa dalawang kantang ginawa niya para kay Kris.

Ang isang linya mula sa kantang "Nakatanim," na para raw talaga kay Kris ay: "Nakatanim ang larawan mo sa isipan ko, lahat ay iaalay ko sa 'yo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN