Cesar Montano gives full support to son Diego's showbiz career

IMAGE 0


"Ayokong maging kontrabida sa buhay niya. Mas gusto ko ng maging father na magsu-support sa kanya. Kung ano yung gusto niya at sa tingin ko ay hindi naman makakasama sa kanya, like itong pag-aartista, go, go ahead. I will support him all the way," says Cesar Montano about son Diego Loyzaga (inset).


Supportive dad.

Iyan si Cesar Montano sa kanyang anak na si Diego Loyzaga ngayong pumasok na rin ito sa showbiz.

Si Diego ay anak ni Cesar sa dating aktres na si Teresa Loyzaga bago pa ikinasal ang aktor kay Sunshine Cruz noong 2000. Sa Australia lumaki ang 15-year-old na ngayong si Diego, kasama ni Teresa.

Napapanood ang baguhang aktor bilang dagdag na tauhan sa top-rating teleserye ng ABS-CBN, ang Mara Clara.

Ani Cesar, "Nandito lang ako as a father, as an acting coach kasi pumasok na rin siya sa pag-arte. Wala na akong choice kundi maging acting coach. Nadagdagan tuloy ang career ko, sa kanya.

"Dati kasi nagdi-discuss lang kami about acting. Now, open yung telepono ko basta tumawag siya at may itatanong siya regarding acting. Kailangang i-guide ko siya. Nandito lang ako always para suportahan at i-guide siya."

Na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Cesar sa launching ng bago niyang self-titled solo album under Sony Music Entertainment na ginanap kanina, April 6, sa Bellissimo restaurant na pag-aari ng actor-singer sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

Kung si Cesar ang masusunod, ayaw muna niyang pag-artistahin si Diego dahil gusto niyang pagtuunan ng pansin ng anak ang pag-aaral.

"Well, ayoko, kasi mahirap yung papasukin niya, which is to study in Ateneo, and it's not easy to take... Kahit sino ang tanungin natin, hindi po madaling kumuha ng entrance exam sa Ateneo. And I want him to prepare for that sana.

"Ngayong pumasok siya sa pag-aartista, well, full support na ako sa kanya. Sabi ko, sige, sa college tingnan natin. Tutal meron namang review center for entrance exam. Yun na lang ang gagawin niya.

"He promised me naman na pagbubutihan niya naman ang pag-aaral niya in spite of heavy schedule sa pag-aartista. 'Sige,' sabi ko, 'pagbutihan mo lang,'" saad ni Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon ba sila ng conflict ni Teresa tungkol sa isyu na ito?

"No, hindi naman conflict, as in pag-aaway. But majority sila, e. Ako, ayoko, e. Silang dalawa, gusto nila, e. Wala tayong magawa, su-support na lang ako diyan.

"Pero kung ako ang papipiliin, huwag muna sana because, as far as I know, any time puwede siyang pumasok sa pag-aartista."

DISCIPLINING DIEGO. Nilinaw rin ni Cesar ang isyu na diumano'y nahihirapan siyang disiplinahin si Diego.

"I accept kasi na 15 years old na siya nung dumating sa akin.

"I remember when I was 15, talagang mahirap akong alagaan, mahirap akong kontrolin bilang 15 years old.

"And now, nakikita ko sa kanya yun. Kaya ako, puro guidance lang ako as a father.

"Ayokong maging kontrabida sa buhay niya. Mas gusto ko ng maging father na magsu-support sa kanya.

"Kung ano yung gusto niya at sa tingin ko ay hindi naman makakasama sa kanya, like itong pag-aartista, go, go ahead. I will support him all the way."

May kaba ba siya sa kahihinatnan ng showbiz career ni Diego?

"Kabado, in the sense na gusto ko kasi siyang maging successful," sabi ni Cesar.

"Gusto ko lahat ng mga tao sabihin sa kanya, 'Naku, mas magaling ka pa umarte sa erpat mo.' Yun ang gusto kong marinig.

"Ako, ganun ang pangarap ko sa kanya. Sana ganun. That's why open ang phone ko.

"Sabi ko sa kanya, 'Any time na tanungin mo ako sa work mo, how to act, anything about acting, about your craft, nandito lang ako.'"

PROUD DADDY. Ngayon pa lang daw ay feeling proud daddy na si Cesar kay Diego dahil maraming nagsasabi na ang lakas ng dating at guwapo ang anak niya.

"Ako ang pinaka-natutuwa sa lakas ng dating ni Diego. Tuwang-tuwa ako doon," sambit niya.

"But of course, yung looks niya, yun ang una, e. Yung first impression yung kaguwapuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang susunod na hihilingin ng Filipino viewers diyan, ano naman ang susunod na ipapakita mo? Dapat ready ka dun. Dapat pag-usapan namin 'yan," sabi ng isa sa pinakamahusay na aktor at direktor ng bansa.

Maski raw ang tatlong babaeng anak ni Cesar kay Sunshine Cruz na sina Angeline Isabelle, Samantha Angeline, at Angel Francheska ay natutuwa sa pagpasok sa showbiz ng Kuya Diego nila.

"Yung tatlong girls, naku, sila yung excited! Tuwang-tuwa, inaabangan yung paglabas ni Diego. Ako, pinanood ko rin siya."

Pinagsasabihan na rin ba niya ang daughters niya tungkol sa pagpasok sa showbiz?

"Hindi pa naman," sagot ni Cesar. "They're too young pa naman.

"Ako naman, I believe in freedom. Kung ano yung magugustuhan nila paglaki nila, I will support."

Masasabi ba niyang disciplinarian siya o cool dad?

"I'm a combination of both. Disciplinarian ako at the same time cool dad din, na gusto kong maging kaibigan din nila," sabi ni Cesar.

MOVIE WITH DIEGO. Pangarap niya rin bang makasama sa isang pelikula si Diego?

"Ako, I look forward to that. Gusto ko siyang makasama sa pelikula.

"Actually, nung nagkausap kami sa Australia nung first time naming magkasama doon, sabi niya, 'Daddy, is it possible na magkasama tayo sa isang action film?'

"Wow, sabi ko, 'Aba, oo!'

"Pero sabi ko sa kanya, 'Kailangan matuto ka munang mag-Tagalog. That's the first step that you're going to do.' Nag-aaral naman siya and he's learning."

Posible na bang makasama si Diego sa susunod niyang gagawing pelikula na Sa Ngalan ng Pag-ibig?

"Hindi ko pa alam. Hindi pa namin napag-uusapan," sabi ni Cesar.

Sa ngayon daw ay sa telebisyon muna nagko-concentrate sa acting si Diego. Hindi naman nag-aalala si Cesar na magkakatapat ang TV shows nila.

Kung si Diego kasi ay napapanood sa ABS-CBN mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa Mara Clara, si Cesar naman ay mapapanood sa GMA-7 sa Mayo tuwing Sabado sa upcoming sitcom ng GMA-7, ang Andres de Saya, kung saan leading lady niya si Iza Calzado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN