Mommy Dionisia loses diamond ring given to her by Jinkee Pacquiao

IMAGE 0


"Malakas ang ulan dito, naglabas ako, merong nagpa-picture, di ko matandaan kung dun ba nalaglag o saan man. Dahil madaming nagpa-picture doon, pagbaba ko sa sasakyan, ginanun-ganun ko yung kamay ko, baka natapon," relates Mommy Dionisia Pacquiao about losing the diamond ring, reportedly worth P180,000, given to her by daughter-in-law Jinkee Pacquiao.


Nawala ang mamahaling singsing na iniregalo kay Mommy Dionisia Pacquiao ng kanyang manugang na si Jinkee Pacquiao.

Ayon sa report ng Showbiz Central kahapon, April 10, aksidenteng nahulog daw ang suot-suot na singsing ni Mommy Dionisia habang naglalakad sa kanilang kalye sa General Santos City.

Ang diamanteng singsing, na bigay sa kanya ni Jinkee, ay tinatayang nagkakahalaga ng P180,000.

Sa panayam ng Showbiz Central kay Mommy Dionisia via phone patch, kinumpirma niya ang pagkawala ng pang-araw-araw niyang alahas matapos mapagkaguluhan siya ng mga tao noong April 1, Biyernes, ng gabi.

"Oo, araw-araw walang tanggal sa kamay ko. Kaya lang nilipat ko sa kaliwa. Maliit pala talaga ang daliri ko sa kaliwa, masikip sa kanan, nilipat ko, maluwag pala.

"Malakas ang ulan dito, naglabas ako, merong nagpa-picture, di ko matandaan kung dun ba nalaglag o saan man. Dahil madaming nagpa-picture doon, pagbaba ko sa sasakyan, ginanun-ganun ko yung kamay ko, baka natapon," kuwento ng ina ng Pambansang Kamao na si Rep. Manny Pacquiao.

Hindi man makumpirma ang eksakto nitong halaga, ikinalulungkot ni Mommy Dionisia ang pagkawala ng singsing na meron nang sentimental value sa kanya. May kapares pa nga raw itong mga hikaw nang iregalo sa kanya ni Jinkee noon.

Hindi pa raw naibabalita ni Mommy Dionisia sa manugang ang insidente.

"Wala pa, pagbalik na si Jinkee dito, mag-uwi na siya ngayong ewan ba kung Monday o Tuesday ba siya mag-uwi, pag-uwi na siya sabihin ko na sa kanya," sabi niya.

Sa halip na humiling ng kapalit, si Mommy Dionisia na raw mismo ang gumawa ng paraan para makabawi sa nawalang alahas.

"Meron naman akong hinihintay. Nagpapagawa ako ng bagong singsing at pendant, nagpagawa ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN