Bea Alonzo on working with Vic Sotto and dabarkads: "What I didn't expect was magiging attached ako sa kanila."

IMAGE 0


"Ini-expect ko na magiging masaya. I knew, I'm gonna have fun. Kasi, nakikita ko sila sa mga shows nila. Pero parang nag-exceed pa sa expectation ko yung saya. What I didn't expect was magiging attached ako sa kanila. Yun ang hindi ko ini-expect," says Bea Alonzo about working with Vic Sotto and dabarkads Jose Manalo and Wally Bayola.


Very vocal si Bea Alonzo sa pagsasabi kung gaano ka-memorable sa kanya ang maging leading lady at makasama sa isang pelikula ang Box-Office King na si Vic Sotto, gayundin ang ibang dabarkads na sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Bilang magkaiba sila ng pinagtatrabahuang networks—si Bea ay talent ng ABS-CBN, samantalang sina Vic, Jose, at Wally ay napapanood sa GMA-7 at TV5—hindi nga naman araw-araw ang pagkakataon na makatrabho nila ang stars mula sa ibang channels.

Magkasama sina Bea at Vic sa comedy film na Pak! Pak! My Dr. Kwak! na ipalalabas na simula sa April 23, Black Saturday. Kasama rin sa cast ng pelikula sina Jose, Wally, Pokwang, Xyriel Manabat, at Zaijian Jaranilla. Mula ito sa Star Cinema at M-Zet Productions.

Ayon kay Bea, "Ito na siguro yung mga moment na hindi ko makakalimutan. I really had fun. Ibang klaseng experience para sa akin kasi first time kong gumawa ng ganitong klaseng comedy. And I'm very, very lucky na nabigyan ako ng opportunity in a Vic Sotto movie."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Bea sa presscon ng Pak! Paky! My Dr. Kwak! kagabi, April 7, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Bago si Bea, may ibang aktres na unang kinonsider for the role of Vic's leading lady. Pero okay lang naman daw kay Bea kung hindi man siya ang first choice. Ayaw naman daw niyang isipin na mas okay siya kumpara sa aktres na siyang original choice.

"Hindi naman pumasok sa isip ko na ikumpara ang sarili ko kahit na kanino. Feeling ko naman, the mere fact na natuloy na kasama ako, it's bound to happen. Talagang nakaplano na yun na mapupunta sa akin. And I don't want to compare myself to others," sabi ng young actress.

BOX-OFFICE KING & QUEEN. Kung si Vic ay ilang beses nang itinanghal na Box-Office King, si Bea ay minsan na ring kinoronahang Box-Office Queen. Kaya ine-expect ng lahat na siguradong maghi-hit sa takilya ang unang pagsasama nila sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pressure bang nararamdaman si Bea sa magiging resulta ng pelikula nila ni Vic?

"Si Bossing naman na 'yan!" natawa niyang sabi.

"I try not to think about the pressure. Mas iniisip ko nga yun, yung excitement at joy and happiness na nararamdaman ko na nakatrabaho ko talaga sila. And until now, kapag nagkikita-kita kami ng ganito, imbes na iisipin mo ang gagawin mo for the rest of the day, excited ka na makikita mo silang lahat.

"Ini-expect ko na magiging masaya. I knew, I'm gonna have fun. Kasi, nakikita ko sila sa mga shows nila. Pero parang nag-exceed pa sa expectation ko yung saya. What I didn't expect was magiging attached ako sa kanila. Yun ang hindi ko ini-expect."

BOSSING & ZANJOE. Bagamat hindi pa diretsahang umaamin sina Bea at Zanjoe Marudo sa kanilang relasyon, it's quite obvious na may something special sa pagitan nila.

Ano ang mga katangian ni Vic na gusto niyang makita rin kay Zanjoe?

Ayon kay Bea, pareho naman daw gentleman ang dalawa. "At saka, gusto ko lang as he matures, parang si Bossing," dagdag niya.

Alam ng lahat na maraming babae ang madaling magkagusto o ma-in love kay Vic. Kung nagkataong walang Zanjoe sa buhay ni Bea, posible kayang mahulog din ang loob niya sa Eat Bulaga! host?

"Parang kahit naman sinong babae, kay Bossing naman talaga...lahat ng mga qualities na hahanapin mo, nasa kanya," nakangiting sagot ni Bea.

Pagkatapos niya bang makatrabaho at makilala si Bossing ay nasabi niya sa kanyang sarili na "kaya naman pala" marami ang nai-in love dito?

"Oo! Kaya naman pala. Na-confirm!" natatawa niyang sabi.

Wala bang selos kay Zanjoe?

"Wala namang ganoon!" tawa pa rin ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN