Carmina Villaroel says she and Zoren Legaspi are still together because they give each other space; has no news on Rustom Padilla a.k.a. BB Gandanghari

IMAGE 0


Will Carmina Villaroel be surprised if ex-husband Rustom Padilla a.k.a. BB Gandanghari decides to get married? "Hindi na yata ako magugulat pa kasi parang feeling ko todo na ito, man! ... E kasi kung iyon naman ang feeling niya hindi na rin ako magugulat. Kasi kung iyon naman ang wish niya, hindi na ako magugulat," she says.


Gusto ni Carmina Villaroel ang idea na magkaroon ng Celebrity Edition ang Amazing Cooking Kids na mga anak nila nina Aiko Melendez at Ruffa Gutierrez ang mga contestants.

Sila noon ang tatlo sa prized possessions ng Regal Films at binansagang Underage Girls 2, na sumunod sa mga yapak ng original Underage Girls na sina Maricel Soriano, Dina Bonnevie and Snooky Serna.

"Gusto ko yan! May Channel 5 [Ruffa] may Channel 7 [Carmina]. gusto ko yan. Diyos ko, baka wala kaming suwelduhin," ang tawa nang tawang pahayag ni Carmina na host ng Amazing Cooking Kids na mapapanood na sa Sabado, April 16, 11:15 a.m. sa GMA-7.

Samantala, PEP (Philippine Entertainment Portal) found out na tuloy ang communication ni Carmina kina Aiko at Ruffa.

"Oo naman, palagi, lalo na dahil sa Blackberry, di ba, especially kami ni Aiko halos every day. Kasi gumawa ako ng grupo naming apat; ako, si Gelli [de Belen], si Candy [Pangilinan], si Aiko. So every day nag-uusap kami. Si Ruffa din madalas din, dahil nga sa Blackberry tsaka sa Twitter.

"Tsaka pag may nabasa ako, i-BBM ko siya. Tsaka si Ruffa naman, ever since kahit nung nasa Turkey pa siya hilig nun yung nagsusulat nagte-text, yung talagang napaka-ano niyan, nagre-reach out talaga siya sa mga kaibigan niya.

"So what more yung nandidito siya? In fact siya yung 'O tara, mag-ano naman tayo, let's go out!'"

Nalungkot si Carmina sa hiwalayan nina Aiko at Bulacan Mayor Patrick Meneses.

"Siyempre nakakalungkot kasi matagal din sila pero hindi pa kami nakakalabas para pag-usapan iyon ng bonggang-bongga so hanggang dun lang. Sinabihan lang kami, hindi pa masyadong ma-detalye kasi napapagod daw siya [pagpindot] sa fone kasi ang haba."

Hindi pa dumating sa point na humingi sa kanya ng advice si Aiko.

"Wala naman, kasi nung sinabi niya sa akin hiwalay na sila e, so siyempre kaming mga kaibigan niya mga words of encouragement na lang na 'O kaya mo yan', siyempre di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL TOGETHER. Sila ni Zoren Legaspi, nananatiling matibay ang relasyon. Ano ang sekreto?

"Wala e, siguro... ano nga ba? Siguro swak lang kami. We give each other space. Natuwa lang ako sa sinabi ni Zoren na he knows that he's taken but I don't make him feel that he's taken.

"Walang sakalan. Ako pa nga ang nagsasabi sa kanya na 'Labas ka naman!'

"Siguro kasi nga dahil rin naman sa kanya kaya may trust ako sa kanya.

"Ano ba naman yung lumalabas siya minsan, bakit naman pipigilan ko pa? E, hindi naman kami nagsu-swak ng schedule and as much as gusto namin na lagi kaming magkasama e hindi naman pupuwede, so hinahayaan ko siya.

"Hinahayaan ko siya na lumabas, meron silang Wednesday group, e. Magsasabi yun na 'Hon, I'm going out, ha?'

"Ako pa yung 'Ay sa wakas!' Ako pa yung 'Sige labas.'

"Siguro alam naman kasi namin where we stand, alam naman namin ang sitwasyon pero hindi na para 'O hindi puwede ang ganito, ha?'

"Wala nang paalam-paalam, sasabihin mo lang na 'Hon, I'm going out, ha?'

"Sasabihin mo lang kung saan ka pupunta, sino kasama mo, walang ganun na 'Anong oras ka uuwi?' Kaya ikaw pa ang mahihiya na 'Anong oras na, uuwi na ako.'"

Wala rin daw selosan sa pagitan nila...

"Never, wala, deadma lang kami pareho."

Exclusive contract artist ng Kapuso network si Carmina...

"Oo two years, pero one year na lang."

May offer ba ang ibang TV stations?

"Hindi ko alam. Siguro nagtanung-tanong lang, wala lang, nagtanung-tanong lang sa paligid, pero happy naman ako."

Malabong lumipat siya sa ibang network?

"Ako ayoko naman mag... parang ako e palaging open, palagi naman akong open. Ayoko kasing sabihin na... ayokong magsalita nang tapos, but if you ask me if I am happy now, of course I will say yes! I am very thankful sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But after this year, hindi ko kasi masabi kung ano ang mangyayari, kasi maraming puwedeng mangyari but sa ngayon, ang ano ko is I'm okay, I'm happy, I'm very thankful sa GMA."

NEWS OF BB GANDANGHARI. May latest ba siyang balita tungkol kay Rustom Padilla a.k.a. BB Gandanghari?

"Wala e, kayo ba meron? Wala talaga, hindi ko alam."

Last communication nila ay...

"Before pa ng PBB, tagal na nun, di ba?"

Never pa rin silang nagkita since nag-come-out si BB bilang isang gay.

"Hindi pa nga, hindi pa kami nagkikita, hindi pa niya ako nami-meet, hindi pa niya ako nakikilala."

May tsikang nasa ibang bansa si BB at diumano ay nagpa-sex change?

"Ang tagal! Ganun ba katagal yun? Matagal ba yun? Bakit?"

Matagal daw ang healing process ng mga ganung operasyon...

"Ang tagal ko nang naririnig... ano ba, six months ba ang healing nun? Di ba parang ang tagal na," reaksyon pa ni Carmina.

Magge-guest sana noon si BB sa show nila ni Zoren Legaspi na Love Ni Mister, Love Ni Misis.

"Oo akala ko nga din, e."

Open si Carmina to communicate and to work with BB.

"Oo naman, oo naman! Wala namang problema. E di ba nung Love ni Mister, nanawagan pa kami, na nasaan na ba siya, 'Halika na, mag-guest ka na', di ba?"

Kapag nagpakasal si BB, magugulat siya?

"Hindi na yata ako magugulat pa kasi parang feeling ko todo na ito, man!

"Hindi naman todo na, pero feeling ko parang simula ng mga ganun, parang wala... kayo ba magugulat pa? Hindi na rin naman 'ata. Yung parang feeling ko, parang since alam na natin yung character niya na ..."

Ultimate na iyon pag nagpakasal si BB sa lalaki.

"E kasi kung iyon naman ang feeling niya hindi na rin ako magugulat. Kasi kung iyon naman ang wish niya, hindi na ako magugulat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A-attend siya pag inimbitahan siya?

"I-invite niya ako, halimbawa?"

Abay ba siya?

"Ayyyyyy! My God, sasabihin ko, hellerrr! Parang dun yata ako magugulat. Parang Diyos ko naman, 'Yung mga kapatid mo na lang,' ang dami nun," tawa nang tawang reaksyon ni Carmina.

Kung guest lang siya sa wedding, pupunta siya?

"Teka muna, close ba kami, close na ba kami nung mga panahon na yun o ganito na hindi kami nagkikita?"

Hindi sila nagkikita pa, halimbawa, parang move lang ni BB na maging close sila?

"Hindi, feeling ko kakausapin niya muna ako, feeling ko gagawa muna siya ng way para you know, mag-usap-usap muna kaming dalawa kasi siyempre special day iyon ng buhay niya tapos biglang, 'Sino ba itong abay mo, hindi naman kami close!'

"Feeling ko gagawa muna siya ng way, feeling ko lang, ha?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN