Jessy Mendiola prefers doing action roles rather than drama: " Parang Angel Locsin ang gusto ko."

IMAGE 0


"Actually, matagal ko na talaga gustong mag-action. Mas gusto ko ngang mag-action kaysa mag-drama. Simula bata pa lang ako, boyish na akong kumilos," says Jessy Mendiola.


Pagkatapos ng launching vehicle niyang Sabel noong March 2011, wala pang nababalitang follow-up project sa ABS-CBN si Jessy Mendiola. Kaya marami tuloy sa kanyang mga tagasubaybay ang nag-aalala kung kailan masusundan ang nauna niyang proyekto.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jessy sa ASAP XV kahapon, April 10, ay tinanong namin siya kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon at kung kailan siya ulit magkakaroon ng serye.

Aniya, "Ang daming nagtatanong kung ano nga raw ba ang susunod na gagawin ko after Sabel. Sabi naman sa amin ng management, mayroon daw, nag-meeting na kami.

"Hindi ko pa puwedeng sabihin ang mga tao na makakasama ko. But this April, may gagawin ako na weekly special. Para siyang once a week lang.

"Yung teleserye, in the works pa lang. Hindi ko alam kung tuloy na tuloy na kasi hindi mo naman sure talaga hanggang di pa nae-air, di ba?

"Saka after kong mag-Sabel, after nung last taping day namin, sumalang agad ako sa MMK [Maalaala Mo Kaya]. Mag-e-air siya after Holy Week, kasama ko sina Mark Gil and Ejay Falcon. Bale anak ako ni Mark Gil at asawa ko si Ejay."

THE NEXT ACTION PRINCESS? Sinabi ni Jessy na kakaiba ang mga role na gagampanan niya sa kanyang weekly special. But given the choice, gusto niya talagang mag-action, na taliwas sa image niya ngayon.

"Drama-action. Ayaw nila na ma-typecast ako sa drama lang, gusto rin ng management na iba-iba ang gagawin ko. Magta-try ako ng action, comedy, pero siyempre hindi pa rin mawawala ang drama.

"Actually, matagal ko na talaga gustong mag-action. Mas gusto ko ngang mag-action kaysa mag-drama. Simula bata pa lang ako, boyish na akong kumilos. Parang Angel Locsin ang gusto ko."

Hindi kaya kung saka-sakaling makitaan ng potential sa action ay maisyu naman na lesbiyana si Jessie?

"Boyish lang ako, pero hindi ako tibo," nakangiti niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ROBI DOMINGO. Sa isang interview kay Robi Domingo ay inamin nito na nanligaw siya kay Jessy, pero binasted siya ng young actress. Pero nilinaw ng young actress na wala namang pambabasted na nangyari dahil pinag-usapan nila pareho ng young actor ang desisyon niya.

"Inamin ba niya? Hindi naman sa binasted... Mayroon kasi siyang interview na tinanong ako kung binasted ko raw ba si Robi. Hindi totoong may nangyaring ganun na hindi kami nagkaintindihan.

"It was a mutual decision na ako, bata pa ako nun, kasisimula pa lang namin. Boystown time nun, two years ago pa, 16 pa lang ako nun. Nag-usap kami na huwawag na lang muna."

Aminado si Jessy na hindi mahirap magustuhan ang isang tulad ni Robi. Pero sa sitwasyon niya raw ngayon, kung manliligaw uli sa kanya si Robi, ay mas malabong maging bukas siya sa pakikipagrealsyon.

"Kung sa gusto, oo naman. He's very nice, very smart, very talented, hindi siya mahirap magustuhan. Kung manliligaw siya uli, naku, huwag na. Lalo na kasi ngayon, di talaga ako magbo-boyfriend," sabi ng dalaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN