Dingdong Dantes on Regine Velasquez-Alcasid's rumored pregnancy: "Maganda na sa kanya na siguro manggaling."

IMAGE 0


"Siyempre, naninibago sa umpisa. Pero ang suwabe lang ng ginawa nilang transition. Si Tonette kasi, si Regine, yung character niya, iba-iba palagi ang atake niya. So, tinitingnan ko siya in such a way na parang isa lang 'yan sa mga atake ni Regine. Pati makeup, paiba-iba palagi si Regine, 'O, ano naman 'yang makeup mo?'" says Dingdong Dantes about Iza Calzado's entry into I You Pare


Walang sumasagot at tila walang alam ang cast ng primetime series ng GMA-7 na I ♥ You Pare sa balitang buntis na si Regine Velasquez-Alcasid, at ito raw ang tunay na dahilan kung bakit bigla itong umalis sa show. Pinalitan ni Iza Calzado si Regine sa role nito bilang Tonette/Tonya.

Maging ang leading man ni Regine na si Dingdong Dantes ay tikom din ang bibig nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito.

"Maganda na sa kanya na siguro manggaling," nakangiting sagot ng aktor sa taping ng I You Pare noong Sabado, April 9, sa Boiler Room sa may Riverbanks Marikina.

Totoo bang dahil sa "severe migraine attacks" kaya umalis si Regine?

"Noong nandito siya, meron talaga," sagot ni Dingdong. "Mas lumala siguro kaya siguro mas pinili na lang niyang mag-rest. But I'm sure, may mas ibang dahilan 'yan at mas maganda na sa kanya na manggaling kung anuman yun."

WORKING WITH IZA. Bilang lead actor sa I You Pare, hindi itinanggi ni Dingdong na isa siya sa unang sinabihan sa magiging pagbabago sa show nila, partikular na ang pagpasok ni Iza sa role ni Regine.

"Sinabi nila sa akin noong tapos na, si Iza na. Pero sinabi rin nila sa akin na magkakaroon nga ng malaking move.

"Siyempre, bilang mga artista rito sa show, wala naman tayong magagawa na. What we can do is really make the most of out the situation. And talagang kung ano ang natitira sa istorya," saad niya.

Kung noon ay nailang si Dingdong na kailangan niyang batukan at itulak-tulak si Regine, kay Iza naman daw ay nagawa niya ang mga ganoong eksena sa first scene pa lang nila together.

"Kanina nga, e, nagano'n ko si Iza. Baka nabigla siya. Nakalimutan ko siyang i-warn na medyo may mga ganoon pala. E, medyo napalakas. Sabi ko, 'Sorry, may mga ganoon nga!'" natatawa niyang kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya naninibago kay Iza?

"Siyempre, naninibago sa umpisa. Pero ang suwabe lang ng ginawa nilang transition. Si Tonette kasi, si Regine, yung character niya, iba-iba palagi ang atake niya. So, tinitingnan ko siya in such a way na parang isa lang 'yan sa mga atake ni Regine. Pati makeup, paiba-iba palagi si Regine, 'O, ano naman 'yang makeup mo?'"

Hindi na raw ie-explain pa sa kuwento kung bakit nag-iba na ang hitsura ni Tonette.

Katuwiran ni Dingdong, "Para na lang siyang nag-iba ng makeup. The story will be the same. Wala kaming iibahin. Mas maganda na kasi yun.

"Siyempre, mature na rin ang audience natin. Ayaw rin naman naming gawin yun. Hindi porke't nagkaroon ng ganoong klaseng desisyon ay kailangan bibigyan namin sila ng ganoong klaseng palusot na naman sa istorya, na naaksidente, niretoke, which always happen, di ba?

"Ako, personally, ayoko rin. Mas maganda na ganito na lang."

Marami nang pinagsamahang serye at pelikula sina Dingdong at Iza bilang magkapareha. Na-miss din ba niyang katrabaho si Iza?

"Oo, grabe! Huli ko siyang nakasama, matagal na, One True Love," pagtukoy ni Dingdong sa 2008 movie nila ni Iza, kasama ang girlfriend ng aktor na si Marian Rivera.

Dugtong pa niya, "I always look forward to work with her."

A DIFFERENT WORLD. Dahil sa romantic-comedy series na I You Pare, mas na-expose pa lalo si Dingdong sa mundo ng mga bading. Ano ang naging realization niya sa mga ito?

"Siyempre, mas naa-appreciate ko yung third sex dahil siyempre, nakikita ko kung gaano talaga kagaling ang kanilang character, sobra ang talent nila, e. Feeling ko, it really takes so much talent para mapanindigan, magampanan, at maging way of life yung ganoon.

"Ang daming puwedeng gawin. So, nakakabilib lang. I admire them for their choice and saludo at nirerespeto ko sila," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON MARIAN RIVERA. Samantala, hindi pa raw alam ni Dingdong kung ano ang magiging plano nila ng kanyang girlfriend na si Marian Rivera sa darating na Holy Week.

"Ang alam ko kasi, may shooting sila ng Temptation Island sa Ilocos," banggit niya. "Depende...kung may taping kami rito ng Monday, baka hindi ako makapunta. Baka mag-Subic na lang ako.

"Pero kung sakaling hindi naman buong Holy Week ang shoot nila, may plano rin ako. Hindi ko lang maalagwa masyado dahil siyempre, priority nila yun. Alangan namang mag-isa ako. Although, matagal ko nang hindi nagagawa yun."

Bothered ba siya sa sinasabing pagta-topless diumano ni Marian sa upcoming primetime series nitong Amaya?

"Hindi, kasi alam ko naman na hindi magiging topless yun," sagot niya. "At saka, kung totoo man, nagawa na niya sa Dyesebel yun. Although, ito nga lang time na ito, wala ako.

"Pero noong time naman ng Dyesebel, hindi rin naman kami. Pero sa sobrang concerned ko sa kanya, ako pa rin ang tumatakip sa kanya, noong time na yun.

"At saka, ang sabi naman sa akin, hindi naman talaga magiging topless. Kasi, una, hindi naman siya ia-allow. Hindi mo naman masasabing matatakpan ng buhok kasi hindi naman under the water 'yan.

"But I'm sure, may magagawa silang paraan na magmumukhang topless, pero hindi. E, nagkataong maganda ang katawan niya, ganoon talaga."

Kung mangyari kaya kay Marian ang anumang meron si Regine ngayon, papahintuin din kaya niya ito sa pagtatrabaho?

"Mahirap kasing i-compare dahil, unang-una kasi, hindi pa naman kami kasal. Pangalawa, hindi ko pa naman naiisip ang ganoong sitwasyon. Hindi ko pa talaga masasagot yun," sabi niya.

Pilit namang inintriga at pinagre-react si Dingdong ng entertainment press dahil sa kanilang dalawa ay tila mas lamang daw ang pagmamahal ni Marian kesa sa kanya.

Sagot naman ni Dingdong dito, "Baka kasi ang mga babae, mas showy lang talaga. Pero para sa akin, pantay lang. Kung sakali man na ganoon, mas thankful pa ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN