Veteran actress Pilar Pilapil victim of stabbing by two suspected carjackers; female companion missing

IMAGE 0


Veteran actress and former beauty queen Pilar Pilapil was rushed to the hospital after being found in Antipolo City with multiple stab wounds. This photo was taken at the presscon of The Vagina Monologues a few hours before the incident.


Isinugod sa ospital ang beteranang aktres at dating beauty queen na si Pilar Pilapil matapos na magtamo ng maraming saksak sa katawan kaninang madaling-araw, Abril 15.

Ayon sa report ng www.gmanews.tv, hinihinalang biktima ng carjacking si Pilar.

Sa pangunang imbestigasyon ng Marikina police, puwersahan daw na inagaw, kay Pilar at sa kasama nitong babaeng nagngangalang Rosel Rosalem, ng dalawang armadong lalaki ang dala nilang kotseng Kia, bandang alas-9:30 ng gabi ng Huwebes, Abril 14, sa Riverbanks, Marikina City.

Dinala raw ng mga suspect ang Kia, kasama sina Pilar at Rosel, sa Antipolo City at iniwan sa Piedra Blanca Homes sa Antipolo ang aktres na tadtad ng saksak sa katawan.

Agad na tinulungan si Pilar ng mga residenteng nakatagpo sa kanya at dinala sa Antipolo Medical Center, bago inilipat sa Medical City sa Pasig City, kunsaan idineklara siyang stable at malayo na sa panganib.

Nang tawagan naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang admitting department ng Medical City, wala raw sa kanilang nakarehistrong pasyente na nagngangalang Pilar Pilapil.

Ayon sa ABS-CBN News, "Medical City refused to confirm or deny" kung nasa kanila nga ang aktres.

"It is our policy to respect all patients' right to privacy," sabi pa ni Ann de la Cruz ng Medical City Corporate Communications office sa ABS-CBN News.

Kasalukuyang iniimbestigahan na ng Marikina police ang kasong ito.

Sa pakikipag-usap ng PEP sa in-charge sa kaso, na si PO3 Fidel Draculan ng Marikina Police CID (Criminal Investigation Division), ngayong hapon, April 15, wala pa silang lead sa kaso dahil hindi pa makausap si Pilar.

Wala pa rin daw silang alam kung saan dinala o kung ano na ang nangyari sa kasama ni Pilar na si Rosel.

Ilang oras bago maganap ang insidente ay nakausap pa ng PEP si Pilar sa presscon ng kinabibilangan niyang stage play, The Vagina Monologues, sa Cercio restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Ironically, ang isa sa mga naging topic ng usapan ay tungkol sa battered women.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Pilar Pilapil ay unang nakilala nang manalong Bb. Pilipinas-Universe noong 1967 at nakagawa na ng mahigit sa 61 pelikula at TV shows.

Nagkamit na rin siya ng maraming nominasyon bilang aktres at nanalo na rin ng Gawad Urian Best Actress noong 1986 para sa pagganap niya sa pelikulang Napakasakit Kuya Eddie.

Ang huling seryeng ginawa ni Pilar ay ang Agua Bendita ng ABS-CBN noong nakaraang taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN