Pilar Pilapil finally gives statement to police; suspects identified

by Erwin Santiago
Apr 17, 2011
Two days after the carjacking and stabbing incident, Pilar Pilapil was finally able to give her statement to the police from her hospital bed in Medical City.

Kinilala na ng veteran actress at dating beauty queen na si Pilar Pilapil ang dalawang suspects sa carjacking incident na naganap noong Huwebes ng gabi, April 14. (CLICK HERE to read related story.)

Kaugnay nito, inilabas na ng mga awtoridad ang computerized illustration ng isa sa mga suspek: "Lalaki, 25 to 30 years old, 5 feet and 8 inches, malaki ang katawan, dark complexion at nakasuot ng white shirt and dark pants. Tagalog ang salita."

Ayon sa mga pulis na humahawak ng kaso, bagamat stable na ang kundisyon ng 60-year-old actress ay naging emosyunal daw ito habang ikinukuwento ang nangyari sa kanya.

Naka-confine si Pilar sa Medical City.

Sa panayam ng GMA News kay Senior Superintendent Joel Coronel, head ng Special Investigation Task Force Pilar, sinabi nitong nawawala pa rin ang kasama ni Pilar noong gabing 'yon na si Rossel Rosalem Peñas, na pamangkin ng asawa ng aktres.

Si Rossel din daw ang may-ari ng kotseng sinasakyan nila at ito rin daw ang nagmamaneho nang harangin sila ng dalawang lalaki.

Continue reading below ↓

Nilinaw rin ni Pilar sa mga imbestigador na hindi pa sila nakakarating sa Marikina Riverbanks nang mangyari ang krimen. Binabaybay raw nila ang SBR Road malapit sa Riverbanks nang bigla silang tambangan.

Ayon kay Sr. Supt. Coronel, isa raw sa mga suspek ang humila kay Pilar sa likuran ng kotse. Tinakot at sinigawan din daw ng mga suspek ang aktres at ang pamangkin nito.

Personal namang binisita ni Vice President Jejomar Binay si Pilar sa ospital kahapon, April 16. Tiniyak nito na gagawin ng pulisya ang lahat para maresolba ang kaso.

Read Next
Read More Stories About
Pilar Pilapil
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two days after the carjacking and stabbing incident, Pilar Pilapil was finally able to give her statement to the police from her hospital bed in Medical City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results