Pilar Pilapil's female companion during stabbing and carjacking incident is now a suspect

Jul 29, 2011
"Her failure to surface after the incident and the fictitious circumstances surrounding her personality have convinced authorities that she is a suspect and not a victim," says CIDG chief Samuel Pagdilao Jr., explaining the inclusion of Rossel Rosalem Peñas as one of the carjacking suspects. Actress Pilar Pilapil (in photo) was repeatedly stabbed during the incident.

Isinama na rin bilang isa sa mga suspek ang kinilalang pamangkin ng asawa ng beteranang aktres na si Pilar Pilapil sa carjacking incident, na nagresulta ng multiple stabbing sa aktres kamakailan. (CLICK HERE to read related article.)

Ayon sa ulat ng GMA News ngayong araw, Abril 25, sinabi ni Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG) chief Samuel Pagdilao Jr. na kasama na si Rossel Rosalem Peñas sa kanilang manhunt operation, kasama ang dalawang lalaking suspek na nauna nang inilarawan ni Pilar sa statement na nakuha ng awtoridad sa kanya. (CLICK HERE to read related article.)

"Her failure to surface after the incident and the fictitious circumstances surrounding her personality have convinced authorities that she is a suspect and not a victim," saad ng CIDG chief sa isang statement.

Matatandaan na noong nakaraang Abril 17, dalawang araw matapos maganap ang insidente, inihayag ni Pilar na kasama niya noong gabing iyon si Rossel Rosalem Peñas.

Continue reading below ↓

Si Peñas ay naisama bilang suspek matapos makita umano siya sa Metro Manila na minamaneho ang gold Kia Carens, na may plakang CIZ-888, isang araw matapos ang insidente. Sa naturang sasakyan naganap ang pag-atake kay Pilar.

Sinabi rin ni CIDG chief Pagdilao na nagsinungaling si Peñas sa pagsabing nasa Australia siya bago mangyari ang krimen. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), walang record na umalis siya ng bansa ilang araw bago ang insidente ng pananaksak kay Pilar.

Samantala, hindi naman isinama ng pulisya ang motibo ng carjacking sa nasabing insidente dahil wala namang nag-report ng insidente sa Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group.

Kaya naman ayon kay Senior Superintendent Joel Napoleon Coronel ng Task Force Pilapil, maaaring magsampa sila ng kaso ng robbery with serious physical injuries laban kay Peñas at sa dalawa pang di nakikilalang lalaking suspek.

Read Next
Read More Stories About
Pilar Pilapil
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Her failure to surface after the incident and the fictitious circumstances surrounding her personality have convinced authorities that she is a suspect and not a victim," says CIDG chief Samuel Pagdilao Jr., explaining the inclusion of Rossel Rosalem Peñas as one of the carjacking suspects. Actress Pilar Pilapil (in photo) was repeatedly stabbed during the incident.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results