Luis Manzano becomes emotional as he answers questions from his mother Vilma Santos

IMAGE 0


When Vilma Santos (center) asked her son Luis Manzano (far left) about his love life, Luis replied, "Mommy, kaya kong sabihin diretsahan na I'm single. Definitely, I can wait for love. Whether its an old love or new love, I can wait for that love." His younger brother Ryan Christian (right) joined Governor Vi for the birthday celebration of Luis on Entertainment Live.


Sa simula pa lang ng pagse-celebrate ni Luis ng kanyang birthday sa Entertainment Live noong Sabado, April 16, naging emosyonal na ang host.

Ipinakita ng E-Live ang kanyang VTR na naglalaman ng mga pagbati at papuri mula sa kanyang mga mahal sa buhay at sa mga kaibigan tulad nina Toni Gonzaga at Bianca Gonzales.

Maging ang mga kasama niya sa Pilipinas Got Talent na sina Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas, Billy Crawford, at former ABS-CBN President Freddie M. Garcia (na mas kilala bilang FMG) ay bumati rin sa birthday boy.

Kaya naman naluha si Luis.

Sabi pa ni Kris Aquino, gusto raw niya tularan ang pagiging business-minded ni Luis. Gusto niya na raw ding magtayo ng sariling taxi business. (CLICK HERE to read more about Luis's taxi business)

Ibinuko naman ni Billy Crawford ang pagiging makatao at makatarungan ni Luis sa mga tauhan at mga driver ng kanyang taxi business. Sinisigurado raw nito na mayroong mga benepisyo ang kanyang mga tauhan.

Pagkatapos ipakita ang VTR, biglang lumabas sa studio ang kanyang ina na si Batangas Governor Vilma Santos. Anak ng tinatawag na Star for All Seasons si Luis sa actor/host/occasional politician na si Edu Manzano.

Personal, ika nga, na ibinigay ni Governor Vi ang mensahe nito sa eldest son:

"I'm so proud being a mother of Luis... Hindi niya po kami ginamit ng Daddy niya para maging successful in showbizness.

"Lahat ng bagay na meron siya ngayon ay pinaghirapan nya. Lalo na noong nagsisimula palang siya as VJ.

"Kaya nararapat lang na sabihin ko how proud I am as your mother, Anak, sa lahat ng mga achievements mo."

Ang surprise visit ni Ate Vi sa set ng E-Live ang nagsilbing regalo niya para kay Luis na nagdiriwang na kanyang kaarawan ngayong Abril 21.

Hindi akalain ni Luis na sa kabila nang pagiging abala ng ina bilang governor ng Batangas ay magkakaroon ito ng panahon na dumalo sa kanyang birthday celebration.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kadalasan, si Luis ang nag-i-interview sa mga panauhin nila sa E-Live. This time, siya ang nalagay sa hot seat dahil si Governor Vi ang nag-interview sa host-actor.

Eto ang mga tanong ni Governor Vi kay Luis:

Q: "Anak, maliban sa very rare na occasion nung bata ka pa, hindi ka namin pinapayagan ng Daddy mo na lumabas sa telebisyon at pelikula. Nung bata ka pa...pinangarap mo bang pumasok sa showbizness?"

"Siguro, pinangarap kong magpasaya ng mga tao. Kahit hindi sa harap ng camera ay mahilig akong magpatawa sa harap ng mga barkada ko. Maituturing kong misyon ng buhay kong magpasaya ng mga tao."

Q: "May time ba na, na-pressure ka? Na kaming dalawa ng Daddy mo ay parehong taga-showbizness?

"Siguro yung pressure na yun ay sa akin na mismo nanggaling.

"So, I can say na in my 29 years in this world, soon to be 30, wala akong naramdamang pressure na artista mga magulang ko.

"Di ko rin naramdaman na na-pressure ako ng mga magulang ko na dapat kong maabot ang kasikatan nila or maabot ang natamo nila.

"Never nilang pinaramdam sa akin na dapat kong gawin yung gusto nila. Ang sa kanila lang ay yung hanggang saan ang kaya ko.

"Ang importante ay ginawa ko ang lahat ng makakaya ko, so walang pressure galing sa inyo, Mommy.

"Ang sa akin lang, e, nakita ko yung impluwensyang meron kayo sa mga tao.

"So, kahit papano, yung ang gusto kong maabot—kahit kalahati lang nang impluwensyang iyon. Pag naabot ko yun, siguro masayang-masaya na 'ko."

Q: "Sa takbo ng career mo ngayon, meron ka pa bang masasabi na palagay mo ay matsa-challenge ka pa?"

"Alam n'yo naman, Mom, na sa business na ito ay very blessed ako.

"Kahit papano ay nakakatsamba ako ng award sa hosting.

"Sa pag-arte naman, nakakatsamba ako ng Best Supporting Actor Award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I want naman kahit isang beses lang na magkaroon ako ng Best Actor Award para naman maitabi ko sa Best Actress at Best Actor award niyo ni Daddy." Sabay tawa ni Luis.

Q: "Ano pa yung mga gusto mong patunayan sa buhay mo na you're turning so and so..." Ayaw banggitin ni Ate Vi ang edad ni Luis.


"Basta ako, ayaw kong magbigay ng effort sa isang bagay para me patunayan.

"Basta me nagagawa ako para sa inyo, whether napapaiyak ko kayo sa acting or napapatawa ko kayo sa hosting ko, sa akin patunay na yun na may kwenta ako sa mga ginagawa ko."

Dugtong naman ni Governor Vi: "Alam n'yo po, sa tuwing mapapanood ko si Luis sa mga news o kung may mga isyu sa anak ko na hindi maganda, siyempre, as a mother malungkot ako. Kasi concerned ako sa kanya.

"Pero alam ni Luis yun, na hindi ako nakikialam.

"Pagtawag ko sa kanya, ang palaging tanong ko sa kanya, 'Anak, are you okey?'

"Pag sinabi nya sa akin na 'I'm okay Mom,' hindi na nangungulit si Mommy.

"Pero, minsan pag sinabi niya sa akin na 'Medyo, Mom,' ang lagi ko sinasabi sa kanya, 'Anak, count your blessings, because you are blessed and you have a long way to go to enjoy life.'

"Kasi bakit ba laging love life ang isyu sa 'yo anak, e. O, dahil ganyan ang lagi mong isyu, yun naman ang isusunod kong itatanong sa 'yo."

Q: "Kamusta na nga ba yung lovelife mo?"

"Mommy, kaya kong sabihin diretsahan na I'm single.

"Definitely, I can wait for love. Whether its an old love or new love, I can wait for that love.

"Sabi n'yo nga, Mommy, count my blessings, di ba?

"Love life lang yun. I know I'm very blessed sa ibang bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung love na yun pwedeng mag-back seat muna.

"But I'm in love with love."

Sabi ni Ate Vi, "Anak, hindi naman kita minamadali ,and it doesn't mean na ayaw ko na rin makita yung magiging apo ko, ha. I'm prepared for anything."

Biro naman ni Luis, 'Sure ka ha, Mommy, ha?'"

Sagot naman ni Ate Vi, "Ang hinihintay ko lang naman ay yung meron ka na namang iuuwi sa bahay."

Sabi ni Luis, na kilala sa kanyang wit, "Ang pangit naman nun, Mommy. Para namang lagi akong me iniuuwi sa bahay."

Bawi ng mother ni Luis, "Hindi, ah! What I mean is yung me bago ka ipapakilala sa pamilya."

Q: "Anak, meron ka pa bang gustong sabihin sa 'kin na sa palagay mo ay di mo pa nasasabi sa 'kin?

Dito medyo maluha-luha si Luis. Inalala niya ang isang insidente na tumatak sa kanya noong bata pa siya:

"Konting kwento lang po. Nung bata pa ako, Mommy is trying her best na to give me a normal life as a child.

"Kahit nung kasikatan pa niya that time, e, ibang klase. Pumunta kami sa South Supermarket sa Magallanes para ibili ako ng isang cone na ice cream.

"Pagpasok na pagpasok namin sa pintuan ng supermarket ay pinagkaguluhan na si Mommy. So, hindi na kami nakabili ng ice cream.

"Pero mula noon, nakita ko yung effort ni Mommy na bigyan ako ng normal na buhay, na gagawin niya ang lahat para iparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal.

"So, kung meron pa akong sasabihin sa iyo, Mom, siguro wala na! Ang pwede ko pang sabihin sa iyo... 'I'm sorry sa lahat ng shortcomings ko.'"

Medyo maluha-luha rin si Governor Vilma sa message na yun ni Luis, kaya ang nasagot na lang niya ay, "Wala akong masabi!"

Matapos ay dagdag niya, "Palagay ko po, na alam n'yo namang lahat na ang buhay namin ay di ordinary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi sa totoo lang, hindi rin po madali ang buhay na ang nanay mo ay artista. At bukod sa showbusiness ay nasa politics pa!

"Would you imagine na dapat yung mga responsibilidad mo sa anak mo, minsan di mo na nagagawa?

"Pero ang importante ay naibibigay mo yung bagay na alam mong sa ikakabubuti nila."

Q: "Last na question ko para sa 'yo, Anak. Sa mga magagandang nangyayari sa buhay mo ngayon, meron ka ng sariling business...pati bahay mo ang ganda-ganda na. Anak, ano pa yung inaasam-asam mo five years from now?"


"Siguro, once and for all, five years from now, magse-settle down na ko.

"Kasi sabi ko nga and sabi mo nga, Mommy, na I'm blessed!

"Nagpapasalamat ako sa lahat ng biyaya ng Panginoon.

"Di kung ibibigay din sa kin ng Diyos yun, di lalo akong magiging masaya."

Sa dakong huli, makikita talaga ang kagalakan ni Luis Manzano sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Lalo pa siyang naging masaya nang dumating ang kanyang half-brother na si Ryan Christian para personal na bumati sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN