Katya Santos enjoys slimmer body and single life

IMAGE 0


"Siguro part of kung bakit din siguro ako pumayat and everything, dahil gusto ko rin na munang bigyan ng time ang sarili ko ngayon," says Katya Santos about losing weight.


Kapansin-pansin ang pagbabago sa pangangatawan ng sexy actress na si Katya Santos sa press conference ng Maria la del Barrio kamakailan.

Ayon kay Katya, talagang naging istrikto siya sa sarili pagdating sa pagbabawas ng timbang.

"I had before, for one month, banana and oatmeal," saad ni Katya.

Pagkatapos nito, nagbiro pa siya, "Banana and oatmeal lang during the taping of Juanita Banana kasi maraming mga saging do'n.

"Pero totoo. It's true, 'yon ang naging diet ko.

"Samahan na rin natin ng konting stress, depression. Hindi, joke."

STAYING SINGLE AND HAPPY. Naging seryoso naman ang dating teen star nang tanungin siya tungkol sa kanyang lovelife.

Ayon kay Katya, marahil isa itong dahilan ng kanyang pagpayat.

"Siguro part of kung bakit din siguro ako pumayat and everything, dahil gusto ko rin na munang bigyan ng time ang sarili ko ngayon," pahayag niya.

Dagdag pa ni Katya, "Siguro for the longest time, ngayon lang ako naging single ng mahabang panahon. I wanna take my time alone and be happy."

Matatandaan na noong nakaraang taon, may lumabas na balita na balak na sana ni Katya na pakasalan ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Subalit sa naging sagot ni Katya, obvious na hindi naging masaya ang ending ng kanilang relasyon.

Pero hindi naman ito naging hadlang para kay Katya, na gaganap bilang isa sa mga konrabida sa Maria la del Barrio, na ipagpatuloy ang kanyang karera bilang artista.

Sa katunayan, sinabi ni Katya na hindi na muna niya iisipin ang anuman tungkol sa pag-ibig. Bagkus, itutuon niya ang kanyang atensiyon sa trabaho.

Aniya, "Sa ngayon medyo sinuswerte tayo so unahin ko muna ang work.

"Medyo nauna sila noong mga naunang panahon, e. So, ako na lang muna ngayon.

"Tapos na 'yong pagiging sobrang focus ko sa love. This time, I think, it's time for myself."

Umaasa rin ang miyembro ng Viva Hot Babes na darating din ang panahon na magiging katulad siya ng kanyang mga kasamahan na ngayo'y may mga pamilya na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting sinabi ni Katya, "In time, darating din tayo doon, magkakaroon din tayo ng asawa't anak."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN