Daniel Matsunaga will not yet propose to Heart Evangelista in Brazil

IMAGE 0


"We love each other so much. Pero ngayon, gusto focus ang trabaho ko ng showbiz. New experience sa akin," replied Daniel Matsunaga when asked if he will propose to Heart Evangelista when they visit Brazil.


Larawan ng kaligayahan si Daniel Matsunaga dahil kabilang na siya sa stable of artists ng Regal Entertainment ni Mother Lily Monteverde.

Pumirma na siya ng movie contract sa naturang film outfit, kasabay ang co-artists niya sa Mercator Talent Agency na sina Fabio Ide, Ervic Vijandre, Ian Batherson, at JC Tiuseco. (CLICK HERE to read related story.)

Naganap ang contract signing sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City, kagabi, May 12.

"Sobrang masaya ako. Bagong opportunity. Sobrang excited. It's a very, very new thing in my life.

"Second time na po. Kasi I did D' Survivors the movie at kasama ko si Fabio...mga artista ni Jonas [Gaffud, his manager].

"Different experience in my life. Gusto ko lahat. I'll do my best!" pahayag ni Daniel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang contract signing at presscon.

Payag ba siyang gumawa ng movie kasama ang girlfriend na si Heart Evangelista?

"Of course, of course! That's one of our dreams—to do a movie together.

"Even my family, my mom...sobrang excited niya.

"After I told her that I have this good opportunity coming, she was very, very happy!" kuwento ng Brazilian-Japanese actor-model.

TRIP TO BRAZIL. Pagdating naman sa shows niya sa GMA-7, wala pang definite na masabi si Daniel dahil nga may plano sila ni Heart na pumunta sa Brazil.

"Siguro, pagtapos Brazil, when we come back here," sabi niya.

Kailan ang punta nila ni Heart sa Brazil?

"It will depend on her schedules, kasi sobrang busy siya [sa] Temptation Island.

"Siguro after na lang ng Temptation Island," sabi ni Daniel tungkol sa pelikulang kinabibilangan ng kanyang girlfriend.

Ayon pa kay Daniel, tatlong linggo ang plano nila ni Heart na manatili sa Brazil dahil matagal na ang biyahe, marami pang lugar na puwedeng pasyalan.

SETTLING DOWN. Hindi ba siya magpu-propose kay Heart ng kasal pagpunta nila sa Brazil?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, may plans kami. Pero hindi ngayon sa Brazil," sagot ng 22-year-old model-actor.

"Kasi gusto ko makita niya sa Brazil first. How is Brazil. Different lifestyle. Not shooting-shooting.

"I want her to see Brazil first. Kasi to set a life with a person, it really takes time.

"We love each other so much. Pero ngayon, gusto focus ang trabaho ko ng showbiz. New experience sa akin."

Nakikita ba niya ang sariling ikinakasal kay Heart?

"Yes, I love her," sagot ni Daniel.

"We have plans. Hindi ako sigurado kung kailan, pero we really focus on work first."

Gusto rin ni Daniel na mag-settle dito sa bansa dahil ang kapatid niyang si Vanessa Matsunaga ay may asawang Pinoy.

"She's 24. She's very happy and I'm sure, I'll be much, much more...

"You know, gusto ko talaga rito.

"December siya married, and all of us were happy for her—my brothers, my mom.

"I brought them to places in the Philippines.

"And my mom loves Heart. All my family loves Heart.

"They talk every day through Skype. When hindi sila magsalita and my mom will always say to me, 'O, where's Heart? I miss her!'

"E, si Heart, natututong magsalita ng Portuguese ngayon. Para in future..." kuwento ni Daniel.

HEART'S KISSING SCENES. Sa nakaraang interview ng PEP kay Heart, sinabi niyang Daniel is more of an angel than her. Ano ang reaksiyon dito ni Daniel?

"She's also super-angel for me. Kasi everything, may God ng life namin," sabi niya.

Kumusta naman ang relasyon nila ni Heart ngayon?

"Very, very strong. Happy always.

"Kasi, since the beginning po, we're very masaya," tugon niya.

Kinu-consult ba siya ni Heart sa sexy scenes nito sa Temptation Island?

"No," sagot ni Daniel.

"I know it's very professional for her. Like kissing scenes.

"I know her feelings para sa akin. Lahat, it's very professional for her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kissing scenes or whatever it is, it's very professional!

"It's okay, especially in the movie, may dalawang [kissing] scenes sila ni Aljur [Abrenica].

"Kasi Aljur is sobrang kaibigan ko."

Kahit may torrid kissing scene sina Heart at Ajur?

"Of course not," mabilis niyang sagot.

"Hindi ako ang manager niya. It's really up to her.

"I'm just a boyfriend," sabi niya.

But for the meantime, punumpuno ng pag-asa si Daniel dahil bahagi na siya ng Regal's Desirable Men.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN