Mayor Patrick Meneses on ex-girlfriend Aiko Melendez: "Kailangan siyang turuan ng lesson."

IMAGE 0


"Sa korte na lang kami mag-uusap ni Aiko! Hindi ko alam kung paano niya 'yan ide-deny. Patunayan niya sa korte. I-deny niya sa korte," says Mayor Patrick Meneses about his plan to sue ex-girlfriend Aiko Melendez.


"Kinilabutan talaga ako nung makita ko!"

Ito ang pahayag ni Mayor Patrick Meneses tungkol sa dokumentong ipinakita sa kanya ni Cristy Fermin sa live interview niya sa programang Paparazzi noong Linggo, April 24. (CLICK HERE to read related story.)

Ang nilalaman diumano ng dokumento ay ang kopya ng direct messages diumano ni Aiko at isang kaibigan nitong bading sa Twitter.

Nakasaad dito ang paggawa diumano nila ng script kung paano sisiraan si Mayor Meneses sa pamamagitan ng pagkakalat ng blind item at pagkukuwestiyon sa pagkalalaki nito.

"Sabi nga ng mga friends ko, nung nasa La Salle pa ako, ay babaero na ako, tapos matsitsismis ako ng ganyan," saad ng alkalde ng Bulacan, Bulacan sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng kanyang live interview.

Ayon kay Mayor Meneses, puro positive lang daw sana ang sasabihin niya sa hiwalayan nila ni Aiko. Pero nagulat daw siya nang ipakita sa kanya ni Cristy ang kopya diumano ng direct messages ni Aiko at ng kaibigan nito sa Twitter.

"Gulat na gulat ako," sambit niya.

"Nag-guest ako para sabihing okey kami. We respect each other dahil hindi rin naman siya nagsasalita kahit wala na kaming communication.

"Three and a half years kaming magkasama, e, di ba? Bakit ako maninira?

"Unprepared to see those things. Grabe...grabe! Nung ipinakita sa akin ni Nanay [tawag niya kay Cristy Fermin].

"No wonder kaya pala ako gustong i-guest. Sabi niya, 'Mayor, mag-guest ka lang, please.'"

Anong parte ng dokumento na ipinakita sa kanya ni Cristy ang nagpainit ng dugo niya?

"Actually, lahat ng nandun, e. Fabricated lahat, e. Lahat ng paninira.

"Pati plate number ng sasakyan ko, security reasons, delikado yun, e.

"Pulitiko ako. May pagkatao akong iniingatan. May bayan akong pinaglilingkuran.

"Atsaka mga nakalagay run na pangalan, mga pultiko rin, e. It's not easy, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Definitely, dadalhin ko ito sa korte.

"Sobrang imbento, e. Lalo na yung genital warts, nagpapahiran... May roomboy pa silang script, e.

"Sa korte na lang kami mag-uusap ni Aiko!" diin ni Mayor Meneses.

Dagdag pa niya, "Hindi ko alam kung paano niya 'yan ide-deny. Patunayan niya sa korte. I-deny niya sa korte."

Nangangahulugan ba ito na hindi pa rin niya kilala si Aiko nang lubusan dahil sa diumano'y ginawa nito kahit nagkarelasyon sila ng mahigit tatlong taon?


"Akala ko kilala ko na siya," sabi ng pulitiko.

May kasalanan ba siyang matindi dahilan para posibleng buweltahan siya ng ganito?

"Alam n'yo, just like any normal relationship, we are all hopefull na umabot ito sa altar. Unfortunately, hindi umabot sa maganda," sagot ni Mayor Meneses.

Ayaw sabihin ni Mayor Meneses ang tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni Aiko, pero wala raw third party involved.

Hindi rin daw ito magiging dahilan para hindi na siya umibig ulit ng taga-showbiz.

"Ang breakup namin ay sad. Pero yung bitterness, hindi ko alam.

"Lahat ng ex ko naging friends ko, ngayon lang nangyari sa akin ito," sabi niya.

Pinagsisihan ba niya na na-involve siya kay Aiko Melendez?

"Let's put it this way—everything happens for a reason.

"Kung ito ay para sa akin na mangyari at magsilbing aral sa akin, so be it. At ganun din sana sa kanya," saad niya.

Binanggit din ni Mayor Meneses na binantaan daw siya noon ni Aiko na sisirain siya nito sa Twitter nang maghiwalay sila.

Nag-break sina Aiko at Mayor Meneses noong February 14.

Kung totoo ngang may kinalaman si Aiko sa pagpapakalat ng blind item laban sa kanya, hindi ba niya mapapatawad ang dating kasintahan?

"Kailangan siyang turuan ng lesson. Kung ako ang katapat niya, so be it."

Kahit magbigay ng public apology si Aiko, kung sakali ngang may kasalanan siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko pa naiisip yung public apology," sagot niya.

"Maaaring sa akin, baka pumayag pa ako. Paano yung mga taong ini-involve niya? Hindi naman mga ordinaryong tao yun.

"Basta any time this week siguro, ipa-file yung demanda. Galit na galit ako!

"If they can do this to me, what more to other people? Kayang-kaya palang siraan nang wala kang kinalaman at hindi totoo. Grabe!"

Sa isyung ito, hindi lang daw si Mayor Patrick ang magdedemanda kundi kasama ang isa pang alkalde ng Bulacan na pamilyado, na isinasangkot din daw sa isyu.

"I'm sure sa korte rin hahantong 'yan. Dalawang pulitiko ang na-involve dun at siguradong papalag yun sa kanya," ani Mayor Meneses.

AIKO'S TWEETS. Gaya ng naunang ulat, hindi pa nagbibigay ng pormal na pahayag si Aiko tungkol sa paratang na ito sa kanya. Pero sa pamamagitan ng Twitter ay inihayag niya ang kanyang damdamin kaugnay ng isyung ito.

Narito ang ilang tweets ni Aiko sa kanyang followers (published as is):

"I'm reading all your tweets now:) let me say my piece in awhile :) this is hilarious:"

"I am in shock now... Its totally unexpected. Iam very much disappointed and hurt. Thanks for your support. Sorry can't comment any further...."

"I will issue a statement in the coming days and will definitely clear my name. Issue here is not invasion of privacy. I am still in pain now and shocked with the turn of events. Remember I kept my silence. Wala po kayong narinig na sinabi ko. Will prove something on this matter. And i will be vindicated on this. That I guarantee..."

"I'd like to take this chance to thank all my followers for your msg of Support:) iam deeply touched sa mga msgs nyo:) again, I hope you understand that for now that's the only thing that I can share.. When in time that iam ready will show evidences and proofs that would somehow put an end to all this.."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It is never my nature to resort to this kind of issues just to be talked about. When I'm at fault will admit it. But when I know that I did nothing will fight this till the end with dignity."

"Will prove them all wrong... You know me mdr [Ogie Diaz]. Nakinig ako when u said for me not to talk. And I did'nt at all."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN