Aljur Abrenica considers comparison to Robin Padilla a "compliment"

IMAGE 0


"Hindi pa po ako artista nun, minsan yung mga kaibigan ko, sinasabi sa akin na, 'Pare, para kang si Robin Padilla!' Ginaganun nila ako, niloloko nila ako. Hindi naman ako aware. 'Talaga?' sabi ko, 'Ayos, a!'" says Aljur Abrenica about being compared to Robin Padilla (inset).


Sinagot ng action star na si Robin Padilla ang naging pahayag ni Aljur Abrenica sa morning program ng GMA-7 na Starbox noong April 14.

Sa naturang programa ay hiningan si Aljur ng host na si Ali Sotto ng mensahe para kay Robin, ama ng nali-link kay Aljur ngayon na si Kylie Padilla.

Ani Aljur, "Para po kay Tito Robin, alam ko naman po na...alam ko po na mga bata pa po kami.

"Bilang isang kaibigan po ni Kylie, na espesyal po sa akin, naging parte na po siya ng buhay ko.

"Marami na po akong pinapangarap para sa kanya at gusto kong matupad ang lahat ng mga pangarap na iyon."

Sa panayam naman ng Showbiz Central kay Robin, ito ang naging maikling reaksiyon ng action star sa naging mensahe ni Aljur: "Lahat ng humahanga sa mga anak ko, nirerespeto natin."

LIKE HIS IDOL. Hindi na nga maikakaila ang tumitinding interes sa maaaring maging ugnayan ni Aljur kay Binoe.

Sa katunayan, may ilang nagsasabi na ang nagiging katapatan ni Aljur sa pagsagot nito sa mga isyu sa kanila ni Kylie ay tila hindi nalalayo sa pagkatao ni Binoe.

Nagbigay naman ng pahayag si Aljur tungkol sa pagkukumpara sa kanila ni Robin sa hiwalay na panayam.

Aniya, "Ang masasabi ko lang, nagpapakatotoo lang ako. Kung sino ako, iyon ang pinapakita ko. Kung sino talaga ako.

"And kung may nakakapansin man na parang medyo nahahawig ang salita ko kay Tito Robin, sabi ninyo nga, isang napakagandang compliment 'yon."

Inamin din ng Kapuso hunk na mula pagkabata ay paborito na niya ang action star.

"Hindi pa po ako artista nun, minsan yung mga kaibigan ko, sinasabi sa akin na, 'Pare, para kang si Robin Padilla!' Ginaganun nila ako, niloloko nila ako.

"Hindi naman ako aware. 'Talaga?' sabi ko, 'Ayos, a!'"

Maging ang naging imahe ni Robin sa pag-alaaga sa mga nagiging kaparehang babae sa pelikula at tunay na buhay ay nakuha rin daw ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung pagiging gentleman niya, mga naririnig ko, siyempre nasa showbiz na din po ako, kung paano siya mag-alaga ng leading ladies niya... Sobrang hanga talaga ako sa kanya, ang galing!" saad ng young actor.

Kaya naman hindi nalalayo ngayon sa isip ni Aljur na sana ay makasama ang idolo sa isang proyekto.

"Noon po, gusto ko na talagang makatrabaho si Tito Robin. Isang malaking karangalan yun na maidirek ka ni Tito Robin."

Ipinarating naman ng Showbiz Central kay Robin ang mga sinabi ni Aljur, at ito ang kanyang naging reaksiyon: "Aba, e, isang malaking karangalan!"

Dagdag niya, "Salamat kay Aljur at tayo ay magdadasal na sana mangyari iyon. Aba, e, artista 'yan, at ang pangarap ng lahat ng direktor, e, maidirek ang lahat ng artista.

"Kung magkakaroon ng pagkakataon na kukunin ako ng GMA o ano, e, bakit hindi? Oo, isang karangalan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN