Anne Curtis on singing: "It's actually part of my bucket list."

IMAGE 0


When asked by PEP (Philippine Entertainment Portal) if she's now comfortable singing before a big crowd, Anne Curtis said confidently, "Super cozy, as na-see ninyo kanina in my performance." Anne dished out her own version of the power ballad "Alone" during a weekend event at the TriNoma Mall in Quezon City.


Tuloy-tuloy na talaga ang pagsabak ni Anne Curtis sa larangan ng pagkanta bilang isang recording artist.

Noong nakaraang Sabado, April 16, sa American Idol Overload event ng Star World at Greenwich, na ginanap sa Activity Center ng TriNoma Mall, Quezon City, ay nagpaunlak ang magandang actress-host ng isang awitin, na ikinatuwa naman ng mga manonood.

Buong tapang na inawit ni Anne ang kantang "Alone"—ang power ballad na pinasikat ng Seattle-based band na Heart noong 1987, at kasama sa kanilang ninth studio album na pinamagatang Bad Animals.

Paboritong kantahin ang "Alone" sa mga singing contest dahil pambirit ang nasabing materyal at maganda itong sukatán ng taas at tayog ng boses ng isang mang-aawit.

Sinabi ni Anne sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na bagamat hindi siya talaga singer at performer ay labis niyang na-e-enjoy ang kanyang newfound role.

"Well, since birth na-bless na ako ni Lord ng amazing voice," natatawang biro ni Anne, habang katabi ang nakababatang kapatid na si Jasmine Curtis Smith.

"All in all, for the past fourteen years, I've been in the business.

"I'm so happy that there are still things that I can reveal, parang new things to explore in my career, di ba?

"Hindi lang siya nagiging one role lang na mestiza, balikbayan, or whatever. I was given the chance to host, to sing, to dance!"

ALBUM DUE THIS YEAR. Puspusan ang preparasyon ni Anne para sa kanyang upcoming debut album.

During her contract signing with Viva Entertainment last month ay nabanggit ni Anne sa PEP na si Moy Ortiz, na mula sa sikat na grupo na The Company, ang tumatayong vocal coach niya. (CLICK HERE to read related article.)

"I take voice lessons. Every time, every song, dapat may voice lessons ako ng specific song.

"So, I'm concentrating on each song muna, para siguro when I get to the recording studio, perfect ko na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na ako yung matagal sa recording."

Ngayong taon inaasahan na lalabas ang album ni Anne under Viva Records, at buong pagmamalaking ibinida ni Anne na siya mismo ang namili ng mga kanta na kabilang dito.

"I already chose my songs," sabi ni Anne.

"Na-approve ko na yung mix and yung coming together of the music. I want to see what I've done."

Bagama't seryoso si Anne na mapaganda ang kanyang album, nilinaw rin niya na wala siyang balak na tutukan ang pag-awit at talikuran ang pag-arte at paghu-host sa harap ng kamera.

"Nung una, it's really for fun. Parang I don't want to take it seriously na parang kina-career ko siya. It's more of a fun thing for me," saad ni Anne.

"I know I don't excel in that line of work, in the line of work of singing.

"It's more of simply because I enjoy it.

"It's actually part of my bucket list: that I have recorded an album or to be a recording artist."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN