Solenn Heussaff insists she did not get too drunk in Boracay; says she has no plans of suing reporter

IMAGE 0


Solenn Heussaff explained why she was in Boracay this past Holy Week. "It was my friends' first time in Boracay, I wanted to be their tour guide, I wanted to show them around. You go to Bora to party!"


"I know naman that I'm in the public eye, so I won't do anything [like that]."

Ito ang saad ng actress-TV host na si Solenn Heussaff nang tanungin tungkol sa isinulat ng entertainment columnist na si Gorgy Rula na nalasing diumano siya sa Boracay nung Holy Week. (CLICK HERE to read related story.)

"I'm 26 now. I used to do that when I was 16," sabi pa ni Solenn nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Ilocos Norte last week para sa shooting ng pelikulang Temptation Island.

"When you're young, you do that to show 'Look at me, I'm cool!'

"I've been there, done that...but not too many times.

"It happens to anyone."

Ipinaliwanag ni Solenn na may mga kaibigan pa siya mula sa ibang bansa nang panahong iyon.

"It was my friends' first time in Boracay, I wanted to be their tour guide, I wanted to show them around. You go to Bora to party!"

"I was with Bianca [King] at si Michelle [Madrigal] every day. We had fun. We would walk home mga 5 a.m."

Ayon pa sa ulat, diumano sa sobrang kalasingan niya ay kinailangan pa siyang buhatin ng apat na lalaki pauwi.

"If I had to be carried bakit apat? One is enough to carry me," sabi ng sexy celebrity.

May posibilidad kayang hindi lang niya matandaan ang insidente na ito?

"I remember everything," sagot naman ni Solenn.

"If it was true, I'll just laugh and say 'okay.'

"I didn't do anything wrong. I'm not like that anymore. I can drink."

Aminado naman si Solenn na nangyayari pa din ito "once in a while."

Pero aniya, "But I'm really not bobo, I know the public is watching.

"If I want to do something like that, I'll do it in my house na lang. My family, they don't want rumors like that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pang consideration ni Solenn ay ang mga endorsements niya, kung saan nakadepende ang advertisers sa kanyang reputasyon.

NO PLANS TO SUE REPORTER. Nasaktan ba siya nang nabasa niya ang report?

"I was not hurt, but I don't understand why you have to invent [such stories]," sabi niya.

"I didn't study to become a reporter, [but I think you have to] verify your facts. It's not just because you hear something...

"I love Anne [Curtis], I love Jasmine [Curtis], I love everyone! Wala nga akong enemies, e," mariing sabi ng Fashbook host.

Sa panig naman ni Gorgy, pinanindigan nitong "very reliable" ang kanyang source.

Dahil sa mga bali-balita, tinanong si Solenn kung magdedemanda ba siya.

"I don't want to. It's so small an issue. I just thought it was weird. I'm not a saint," sagot ng Filipino-French newbie sa industriya ng showbiz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN