Aga Muhlach says In the Name of Love will be his "last movie" for Star Cinema

IMAGE 0


"Gusto ko lang mangyari, makagawa ng magandang pelikula na kapag pinanood nila, magugustuhan talaga nila, hindi yung kukuwestyunin nila," says Aga Muhlach about his "last film" with Star Cinema—In the Name of Love last night, May 10, with his intimate scene with leading lady Angel Locsin.


Dinagsa at matiyagang nag-antay ang fans nina Aga Muhlach, Angel Locsin, at Jake Cuenca sa premiere ng kanilang pelikulang In the Name of Love sa SM Megamall kagabi, May 10.

Ang one-year-in-the-making film na ito para sa 18th anniversary ng Star Cinema ay mula sa direksiyon ni Olivia Lamasan.

DARING AGA. Sa premiere ng pelikula, hindi mapigilan ng mga manonood ang pumalakpak at mapasigaw sa ilang mga eksena rito.

May mga ginawa kasing eksena ang mga artista sa pelikula na hindi akalain ng mga manonood na magagawa nila.

Isa sa mga ikinagulat ng marami ay ang love scene ni Aga sa leading lady niya na si Angel. Kilala raw kasi ang aktor sa wholesome roles nito sa mga dati niyang pelikula.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Aga na hindi naman sobrang daring ang kanyang ginawa.

"I would do anything naman for the movies na ginagawa ko basta kasama talaga yun, kailangan yun, e," aniya.

Para kay Aga, ang pagganap sa role na ito ay isang paraan para mas makilala ang iba pa niyang kasama sa pelikula.

"Sinabihan ko sila na I want them to shine," sabi niya.

"You know, I'm not selfish with my co-actors. It's their time to shine, [and] then they should shine. "

Kahit ito ang unang pagtatambal nina Aga at Angel, naging maganda ang reaksiyon ng mga nakapanood na ng pelikula. Marami ang hindi napigilang humiyaw at kiligin sa ilang mga eksena nila.

Hindi naman daw in-expect ni Aga ang ganung pagtanggap ng mga tao, lalo pa't malaki ang agwat ng edad nila ni Angel. Si Aga ay 41 years old, samantalang si Angel ay 26.

Pero hindi naman daw iyon ang mahalaga sa kanya.

"Gusto ko lang mangyari, makagawa ng magandang pelikula na kapag pinanood nila, magugustuhan talaga nila, hindi yung kukuwestyunin nila," sabi ni Aga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At dahil nga sa daring scenes niya at magandang chemistry nila ni Angel, hindi naman kaya nagseselos ang misis ni Aga na si Charlene Gonzalez- Muhlach?

"Well, si Charlene, she's a good gauge, you know," sambit ng matinee idol.

"Pag umiyak 'yan, pag affected 'yan sa istorya, maganda yung pelikula."

Masaya ring ikinuwento ni Aga sa PEP kung ano ang naging reaksiyon ng kanyang asawa matapos mapanood ang kanyang pinaghirapang pelikula.

"Nung post-production pa lang, pinanood niya yung pelikula, umiyak na siya. And dito sa premiere, umiiyak pa din siya."

LAST MOVIE WITH STAR CINEMA. Habang nasa kalagitnaan ng masayang interview ay nagulat na lang kami nang banggitin ni Aga na, "Paalis na ako ng ABS, ito ang huling pelikula, trabaho ko sa kanila."

Matatandaang noong isang taon ay naglabasan ang iba't ibang blind items kung saan sinasabi na si Aga ay lilipat na raw sa TV5. At nakumprima nga ito nang pumirma na ng kontrata sa Kapatid network ang aktor noong March. (CLICK HERE for related article).

Pero iginiit ni Aga na hindi niya tuluyang iniwan ang ABS-CBN, lalo na ang Star Cinema.

"Gagawa pa din ako [sa ABS-CBN], sana.

"Pero in the meantime, you know, napakagandang regalo nito [In the Name of Love] para sa akin. Kaya we make sure na maganda talaga ito."

Pero bagamat ito ang itinuturing niyang huling trabaho sa ABS-CBN ngayon, sinabi niyang maayos ang relasyon niya sa network.

"Mahal ko naman kayong lahat. Mahal na mahal ko ang ABS [CBN], lahat 'yan mahal ko," aniya.

MOVIE WITH LEA. Dahil napag-usapan na lang din ang paggawa ng pelikula, hindi naiwasan tanungin ang tungkol sa naudlot na pelikula ni Aga kasama si Lea Salonga.

Dati kasi ay may nakaplanong pelikula ang dalawa ngunit hindi ito natuloy dahil naging abala si Aga sa paggawa ng kanilang pelikula ni Angel, na may working title noong Huling Sayaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At sa premiere night ng In the Name of Love, inimbitang manood ni Aga si Lea.

"Hindi ako nag-i-invite sa mga premieres ko. This time, nag-invite talaga ako ng friends," sabi ng aktor.

Nagkasama noon sina Aga at Lea sa mga pelikulang Bakit Labis Kitang Mahal (1992) at Sana Maulit Muli (1995).

Naisipan daw niyang imbitahin ang dating leading lady upang makita nito kung gaano kaganda ang kinalabasan ng pelikulang ito

Wala ba silang balak ituloy ang naudlot na pelikula?

"Kami ni Lea, I'm just waiting for that. Kaya nga sinama ko si Lea dito," biro ng aktor.

Pero tiniyak niya na, "Gagawa kami ng movie talaga."

At nang tanungin kung kailan at anong pelikula ang gagawin nila, ito ang sagot ni Aga:



"Sana maulit muliā€”ang pelikula namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN