Boy Abunda on earning his Master's degree: "Kapag gusto mo, gagawin mo ang lahat para makuha mo."

IMAGE 0


"Hindi ko nga alam kung paano ko napagsabay, pero ang natutuhan ko talaga, kapag gusto mo, gagawin mo ang lahat para makuha mo. I manage 20 talents, I have four shows on TV, nag-aaral ako. Napakadaling sabihin na, 'Ay, wala akong oras, hindi ko kaya.' Pero hindi ko ininda ang puyat at pagod ko dahil gusto kong mag-aral. So, natapos ko ang aking Masteral degree," says Boy Abunda.


Sa kabila ng sobrang hectic na schedule bilang talent manager at TV host, natapos ni Boy Abunda ang kanyang Master's degree in International Relations in Public Diplomacy sa Philippine Women's University noong April 11, 2011.

Sinaksihan ng ilang malalapit na kaibigan at talents ni Boy sa industriya ang kanyang pagtatapos. Ilan sa mga dumalo sa kanyang graduation ay ang Aquino sisters na sina Ballsy Aquino-Cruz, Pinky Aquino-Abellada, at Viel Aquino-Dee; sina Gretchen Barretto, Governor Chavit Singson, Erik Santos, Arnold Reyes, Jobert Sucaldito, at ang lifetime partner niyang si Bong Quintana.

Naging very emotional si Boy nang tanggapin niya ang kanyang Master's degree.

"Masayang-masaya ako, medyo emosyonal lang. Sabi ko nga, dalawang paraan lang para mag-express ng kaligyahan—it's either umiiyak or tumatawa ka. But this is certainly... Yung luha ko kanina ay kaligayahan. I count my blessings, I'm so grateful to many people," sabi ni Boy sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Inisa-isa rin ni Boy ang mga malalapit na tao na naglaan ng panahon para saksihan ang espesyal na araw na yun para sa kanya.

"Lahat ng aking mga kaibigan sa labas at loob ng academe, sila'y nakikiisa sa aking selebrasyong ito. Ipinapangako ko sa abot ng aking makakaya na ipagpapatuloy ko ang aking pag-aaral. I will pursue my doctoral degree ngayong taong ito," sabi niya.

Sa kabila ng kanyang hectic schedule, nagawan pa rin ng paraan ni Boy na maisingit ang kanyang Master's degree na ayon nga sa kanya ay napakaimportante sa isang tao.

"Hindi ko nga alam kung paano ko napagsabay, pero ang natutuhan ko talaga, kapag gusto mo, gagawin mo ang lahat para makuha mo. I manage 20 talents, I have four shows on TV, nag-aaral ako.

"Napakadaling sabihin na, 'Ay, wala akong oras, hindi ko kaya.' Pero hindi ko ininda ang puyat at pagod ko dahil gusto kong mag-aral. So, natapos ko ang aking Masteral degree.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi nga ng isang Nobel Peace prize winner, 'As a country, if you want to move out of poverty, we have to work on our public school and public health system.' Gusto kong maging bahagi ng solusyon, kahit na maliit lamang na partisipasyon bilang guro.

"Itong kaalaman na aking nakuha dito sa unibersidad at sa aking karanasan bilang active broadcast practitioner, kahit na katiting lang akong kontribusyon, masaya na ako dun."

Sabi pa niya, malaking tulong din ang kanyang pagtatapos para maging isang mas mahusay na interviewer.

"Bahagi yun. I wanted to broaden my perspective as an in interviewer. I want to be a better talk show host, I wanted to be a better teacher.

"Alam mo yun, dumarating sa buhay ng tao yung urge to push yourself to the edge, you have to be better, you have to be fair to your audience.

"Of course, this isn't a perfect journey, may mga pagkakamali, pero hindi ako mapapagod. Gusto ko pa ring matuto, gusto ko pa ring mag-improve, mag-share at magturo," saad niya.

Isang mensahe rin ang ibinigay kay Boy ng kanyang ina na si Ma. Fe Abunda, 82 years old, na kahit may mild Parkinson's disease ay gumawa ng maikling sulat para sa TV host. Nakasaad sa sulat kung gaano ito kasaya at ka-proud sa natapos ng pinakamamahal na anak.

Emosyunal si Boy nang ikinukuwento ito kung saan hindi niya napigilan ang mapaluha at sabihing ang sulat ng ina ang pinakamahalaga na regalong natanggap niya noong araw na 'yon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN