Regine Velasquez confirms rumors: "Dumating na ang aming bundle of joy!"

IMAGE 0


"Ngayon po, parang clear na naman lahat, siguradong-sigurado na rin naman kami... it's true, Ogie and I might have a baby. And it's a happy birthday gift for me and for my husband," says Regine Velasquez confirming rumors that she's pregnant with her first child with Ogie Alcasid.


"Totoo po na Ogie and I are going to have a baby."

Ito ang naging kumpirmasyon ni Regine sa isang video message na ipinakita sa Party Pilipinas kanina, Abril 17.

"Marami na po kayong naririnig pero siyempre, mas maganda na sa amin na mismo manggaling kung ano na talaga ang nangyayari," dagdag pa ng Asia's Songbird.

Pagkatapos nito ay humingi ng paumanhin si Regine sa pananatiling tahimik nila ng kanyang asawang si Ogie Alcasid sa kabila ng malakas na bulung-bulungang nagdadalang-tao na siya.

Matatandaan na inilabas pa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang dalawang linggo na five weeks pregnant na si Regine.

"Nais ko pong humingi ng paumanhin sa aming mga kaibigan, sa press people. Pasensya na po kayo at hindi po namin agad sinabi. Hindi naman po sa nililihim namin, plus, I was always getting sick. Kaya minabuti po namin muna na huwag magsalita para maayos ko muna ang sarili ko at iba pang bagay na kailangang ayusin.

"Ngayon po, parang clear na naman lahat, siguradong-sigurado na rin naman kami... it's true, Ogie and I might have a baby. And it's a happy birthday gift for me and for my husband."

Magdiriwang ng kanyang ika-41 na kaarawan si Regine sa darating na April 22. At kasabay ng kanyang announcement ay isang birthday tribute ang inihanda ng mga kasama niya sa Party Pilipinas.

Sa video message pa ring ito, nagpasalamat si Regine sa TV executives ng GMA-7 sa pag-unawa sa kanyang kasalukuyang kalagayan.

"Maraming salamat po sa mga bosses namin na talagang inintindi po talaga ang aming sitwasyon. Kasi, ang plano nga po is to finish I Heart You Pare. Unfortunately, I was not able to do that kasi dumating na nga po ang aming bundle of joy.

"Maraming salamat po sa aking mga boss, sa aking ninong at sa aking ninang, na pinayuhan ako talaga na huwag na munang magtrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Importante ang kalagayan ko at kalagayan ng baby. It took me a while to finally decide na iwan na nga 'yong show. So ngayon, I'm at home. I'm supposed to be there to celebrate my birthday also but hindi ko po kayang gawin dahil in-advise po ako ng aming doctor to stay in bed for a while. Kasi, medyo hirap po ako sa pagbubuntis."

At para sa kanyang mga kasamahan sa Party Pilipinas, "Maraming salamat sa inyong pasensya kasi lagi na lang akong nag-a-absent.

"Thank you, thank you very much sa mga manonood na naging patient din sa aming desisyon na huwag na munang magsalita. Sa paghihintay ninyo, maraming-maraming salamat po. Patuloy niyo po sanang subaybayan ang Party Pilipinas and I Heart You Pare.

"Sa mga bumabati na sana buntis ako, well, buntis nga ako. Maraming-maraming salamat."

QUICK QUESTIONS. Pagkatapos ng isang commercial break, nakausap nina Ogie at Janno Gibbs si Regine sa pamamagitan ng telepono. Dito ay sinagot ni Regine ang ilan pang mga katanungan tungkol sa kanyang pagbubuntis.

"Ilang buwan na raw?" tanong ni Janno.

Sagot naman ni Regine, "I'm on my seventh week. Two months na."

Nagbiro naman si Ogie, "So, mga two weeks na lang manganganak na!"

Pagkatapos ay sumingit si Janno, "Gusto naming malaman, Reg, ano ang mga pinaglilihian mo?"

Sabi ni Regine, "Bukod sa asawa ko, kasi gwapong-gwapo ako sa asawa ko, hindi ko alam kung bakit, no particular food.

"I just crave for some particular type of food. But then, after I eat it, I don't like it anymore. Parang hindi ko na binabalikan.

"Pero 'yong taong pinaglilihian ako, parang pinaglilihian ko na si Dingdong Dantes at saka nagagwapuhan ako kay Richard [Gutierrez]."

Sabay sabad naman ni Ogie, "Tingnan mo, pare, Dingdong at Richard kapag pinagsama mo, ano ang labas?"

"Ogie Alcasid," nakangising sagot ni Janno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, hindi pa rin nila tiyak kung ano ang kasarian ng kanilang magiging anak.

Pero kung maging lalaki ito, sabi ni Regine, "Herminio Jr., wala akong choice!" Ito ang tunay na pangalan ng kanyang singer-composer na asawa.

At kung babae naman, nagbiro si Ogie, "Gusto ko Lupita o kaya Norma, Luzviminda..."

Si Regine naman ay hindi pa alam kung ano ang ipapangalan kung sakaling babae ang kanilang magiging anak. Aniya, "Naka-set na kasi ang mind ko na Herminio kasi alam ko lalaki, e."

Sa huli ay binati ng mga tao sa Party Pilipinas si Regine ng "Happy Birthday."

"I miss being there performing. But I think I'm too fat to be there right now," sabi ni Regine.

At muling nagpasalamat siya sa lahat sa pag-alala ng kanyang kaarawan.

"This is probably one of the happiest birthdays na nagkaroon ako. My wish is for my baby to be healthy. And kahit ano, kahit babae o lalaki, maganda sana kung twins, sana healthy lang siya."

Bago matapos ang segment na ito, humiling din si Ogie sa lahat na, "Sana ipagdasal po natin si Regine kasi hindi naman kaila sa inyo na kami ay matanda na. Medyo maselan po ang kanyang pagbubuntis. Alam niyo naman, first trimester."

Natatawang dagdag pa ni Ogie, "Ipagdasal niyo na rin ako na kayanin ko ang lahat ng demands ng aking asawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN