Rufa Mae Quinto says she's not afraid to love again, she's just tired: "Parang ayoko nang magka-effort."

IMAGE 0


Rufa Mae Quinto celebrated her birthday last Friday with a party at Seventh High in Bonifacio Global City. In attendance were her ex-boyfriend and Prince of Pop, Erik Santos, and her rumored new beau, Brapanese model/actor, Fabio Ide.


Mula pa raw sa kanyang lola ang suot na gypsy outfit nang ipagdiwang ni Rufa Mae Quinto last Friday night sa Seventh High sa Bonifacio Global City ang kanyang kaarawan. Sponsored ang naturang party ni Dr. Manny Calayan.

But more than her get-up (and her party), inialay ng aktres ang gabing iyon sa kanyang may sakit na lola.

"Itong birthday party ko, kasi pangatlong beses na to, e. Para sa kanya talaga ito, she's turning 86 sa June 21," pahayag ni Rufa Mae sa interview sa kanya ng Startalk TX during her party.

Tulad ng alam ng karamihan, may sakit ang lola ni Rufa Mae.

"Medyo matindi... [sa] colon. Pero hindi ko pa kinakausap ang doktor kasi parang hindi pa ako ready, ayoko munang malaman."

Kaya nga ang birthday wish ni Rufa Mae ay hindi para sa kanya kundi para sa lola niya.

"E sana good health or... kung anuman yun, huwag siyang masaktan, na huwag niyang maramdaman yung bonggang pain."

On a lighter note, wala pa raw siyang lovelife na kasamang isinelebra kasabay ng kanyang kaarawan.

"Parang wala."

Bumati naman raw lahat ng mga taong espesyal (at naging espesyal) sa buhay niya.

"Bumati naman lahat, hindi sila nagkulang doon."

But how about the much-talked about boyfriend na nagkukubli lang sa pangalang Mr. M?

"Past is past, di ba? Bago na, bagong buhay, bago."

Ayon pa kay Rufa Mae...

"Hindi porke't ganito e, hindi na ako masaya. Darating din tayo diyan, hindi naman nagmamadali, di ba?

"Ang dami ko pang gustong gawin, gusto ko pang mag-travel...

"Hindi ko iniisip yung ligaw-ligawan, sa totoo lang, pero willing akong makipag-friends.

"Wala naman akong dine-date actually e, pero maraming mga nagpaparamdam, mga text-text."

Takot na ba siyang magmahal ulit?

"Hindi, siguro parang natamad na ako, yung ganun, napagod. Parang ayoko ng magka-effort.

"Open naman ako sa kahit kanino basta magiging serious, basta may puso, serious, hindi naman nanloloko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dumalo sa party ni Rufa Mae ang ex-boyfriend niya (at kaibigan hanggang ngayon), ang Prince of Pop na si Erik Santos, at ang nali-link kay Rufa Mae ngayon na si Fabio Ide, and Brapanese model/actor.

Samantala mas excited si Rufa Mae na pag-usapan ang naging bonding moments nila ng mga kasamahan niya sa remake ng Temptation Island na kinabibilangan nina Marian Rivera, Lovi Poe, Solenn Heussaff at Heart Evangelista.

"Experience ko? Hindi ko makakalimutan yung... bukod dun sa initan, siyempre yung naging bonding moments namin ng mga girls, parang nagkaroon ako ng mga bagong friends, bagong family.

"For the first time nawala lahat ng arte ko sa katawan."

Speaking of Temptation Island, nasa party ni Rufa Mae ang isa sa mga cast members ng original na Temptation Island movie na si Miss Azenith Briones. Si Marian ang gumaganap sa dating papel ni Miss Azenith.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN