Sunshine Dizon gives birth to healthy baby girl

IMAGE 0


Sunshine Dizon is now a mother! The actress gave birth to a healthy baby girl last night, April 18. This is her first child with husband Timothy Tan.


Nagsilang ng isang malusog na baby girl ang award-winning actress na si Sunshine Dizon bandang alas-siete ng gabi kahapon, April 18, sa isang malaking hospital sa Metro Manila, via caesarean section.

Ito ang unang anak ng aktres sa kanyang mister na si Timothy Tan.

Ang ina ni Sunshine na si Dorothy Laforteza ang nagkuwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng telepono tungkol sa panganganak ng aktres.

"Medyo nahirapan siya kasi first baby. Mga pasado seven p.m. siya nanganak. Sabi nga niya after niya manganak, ayaw na niya!" tawa ng ina ni Sunshine.

"Panay nga ang dasal ko na sana huwag mahirapan si Sunshine sa panganganak, kasi nga first baby niya. Pero ganoon talaga kapag unang anak, mahirap talaga, lalo na't caesarean siya.

"Pero okey na siya ngayon, nagpapahinga na."

Proud na proud naman si Dorothy sa kanyang apo.

"Naku, ang cute cute ng apo ko!" bulalas niya. "Little Sunshine ang tawag ko sa kanya. Kamukhang-kamukha siya ng daddy at mommy niya, ang ganda-ganda!

"Proud na proud ako kasi ang ganda-ganda talaga ng apo ko! Ang ganda ng mga mata niya, ilong, labi... Malusog, tsaka malaki siyang bata. Kaya alam kong matangkad siya."

Ano ang reaksiyon ni Sunshine nung nakita nito ang kanyang baby girl?

"Hindi ko nakita yung reaksiyon niya kasi nasa labas ako ng operating room," sabi ni Dorothy.

"Si Tim ang nakita ko. Sobrang saya niya at talaga namang kitang-kita ko yung kakaibang kasiyahan sa mukha ni Tim.

"Pero alam ko na sobrang happy si Sunshine kasi gusto na niya talagang magkaanak.

"Kaya nga tumigil muna siya sa pag-aartista dahil gusto niya talagang maalagaan nang mabuti ang kanyang pagbubuntis."

May naisip na bang pangalan sina Sunshine at Timothy sa kanilang baby?

"Alam ko meron na, pero mas magandang sina Sunshine at Tim na lang ang magsabi kung anong name ng kanilang baby. Basta ako, Little Sunshine ang tawag ko sa kanya," sabi ni Dorothy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ba ng ilang buwang pagpapahinga ay babalik na si Sunshine sa pag-arte?

"Ang alam ko, gusto ni Sunshine na alagaan muna niya ang kanyang baby. Pag medyo malaki-laki na, tsaka babalik sa pag-arte si Sunshine.

"Yun naman kasi ang alam kong plano niya—na babalik siya sa pag-arte. Pero wala pang definite na date kung kailan.

"Siguro magpapapayat muna si Sunshine, kasi medyo nanaba siya nang magbuntis. Mas maganda kasi na sa kanyang pagbabalik-showbiz ay payat na siya," saad ni Dorothy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN