Sunshine Dizon's newborn baby gets brand new car from her doting lola

IMAGE 0


Sunshine Dizon gave birth last April 18 to a healthy baby girl—Doreen Isabel. Just a week after her birth, Doreen already has a brand new car, courtesy of her grandmother Dorothy Laforteza.


Hindi pa man naglalakad o nakakapagsalita ang bagong silang na anak ni Sunshine Dizon sa mister nitong si Timothy Tan—si Doreen Isabel—ay mayroon na siyang sariling sasakyan.

Isang brand new Toyota Super Grandia Hi-Ace—na nagkakahalaga diumano ng P1.8 million—ang regalo kay Doreen ng kanyang lola na si Dorothy Laforteza.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Mommy Dorothy sa telepono, sinabi niyang espesyal at blessing sa kanilang pamilya ang kanyang apo kaya niregaluhan niya ito ng sasakyan.

Aniya, "Natural, espesyal at mahal na mahal ko ang apo ko kaya naman expensive car ang regalo ko sa kanya.

"Ganun naman talaga, di ba, pag mahal mo yung tao? Gusto mo espesyal yung magiging regalo mo sa kanya.

"Katulad nung bata si Sunshine, gusto ko lahat ng gamit niya, mahal, lahat maganda.

"Yung tipong kung anong magandang bagay na puwede mong ibigay sa kanya, ibibigay mo sa abot ng makakaya mo.

"Ganun kasi ako sa mga anak at apo ko," patuloy ni Mommy Dorothy. "Kaya naman ganun din ang ginagawa ko kay Doreen.

"Kung ano yung ginawa ko noon kay Sunshine, pareho lang ng kay Doreen. Siya na ngayon ang little Sunshine ko!

"Sabi nga nila, proud lola daw ako. Sabi ko naman, oo naman. Di lang proud, sobra-sobrang proud!

"Kasi ang ganda-ganda ng apo ko, kamukhang-kamukha ng daddy at mommy niya."

Bakit hindi gamit pang-baby ang iniregalo niya sa kanyang apo?

"Ewan ko, yun kasi yung una kong naisip," sagot ni Mommy Dorothy.

"Gusto ko kasi talaga na kapag puwede na ibiyahe si Doreen, mas maganda yung malaki talagang sasakyan para kumportable siya."

Dagdag pa ng ina ni Sunshine, umpisa pa lang ito ng expensive gifts na ibibigay niya sa kanyang apo.

"Natural, yung the best gift lang yung ibibigay ko kay Doreen. This time, sa apo ko naman ako naka-focus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, after sasakyan, marami pa akong bagay na gustong ibigay sa maganda kong apo," sabi niya.

Katulad ba ni Sunshine, pag-aartistahin din ba nila si Doreen?

"Why not?" sagot ni Mommy Dorothy.

"Artista naman ang mommy niya. Kumbaga, nasa sa dugo niya ang pagiging artista.

"Pero this time, bahala nang magdesisyon si Sunshine at Tim kung papayagan nila si Doreen na mag-artista kasi sila naman ang magulang.

"Pag pinayagan nila, todo-suporta talaga ako katulad ng ginawa kong suporta kay Sunshine noong nag-aartista na siya.

"Noong bata pa si Sunshine, may say ako kasi ako ang mommy. Pero ngayon, si Sunshine ang mommy niya, kaya si Sunshine naman at ang Daddy Tim niya ang dapat mag-decide.

"At kapag nagkataong nag-artista si Doreen, handa ko ring ipag-produce ng pelikula ang apo ko na siya ang bida, at gagawin ko ang lahat para sumikat siya.

"Pero matagal pa yun dahil masyado pang baby si Doreen. At katulad ng sinabi ko, depende pa rin sa magulang niya."

Napag-usapan na ba kung kailan at saan gagawin ang binyagan at sinu-sino ang magiging ninang at ninong?

"Sa ngayon kasi, hindi pa 'yan nababanggit sa akin nina Sunshine at Tim.

"Caesarean kasi si Sunshine kaya medyo matagal-tagal na pahinga ang kailangan niya.

"Wala pa rin namang napag-uusapan kung saang simbahan bibinyagan si Doreen, at hindi ko rin alam ang lineup ng mga ninong at ninang niya.

"Pero panigurado na yung mga malalapit na kaibigan nina Sunshine at Tim ang karamihan sa magiging ninong at ninang ni Doreen," sabi ni Mommy Dorothy.

Isinilang ni Sunshine si Dorothy noong April 18.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN