Kim Chiu flattered that Jolo Revilla has a crush on her

IMAGE 0


"Sobrang gentleman niya. Nung storycon namin ng Binondo Girl, kinukuhanan niya ako ng chair, kinukuhanan niya ako ng mainit na tubig, binubuksan niya yung iinumin ko," says Kim Chiu about Jolo Revilla.


Nang mabalita ang breakup nina Kim Chui at Gerald Anderson last year, agad na lumabas ang pangalan ng mga lalaking interesado raw na manligaw sa young actress.

Isa sa lumabas ang pangalan ay si Simon Atkins, varsity player ng De La Salle University.

Pursigido raw ang basketbolista na mapasagot si Kim at, tulad ni Phil Younghusband, ginamit din niya ang Twitter para maiparating ang kanyang paghanga sa aktres.

Ngayon naman ay si Jolo Revilla ang inuugnay kay Kim.

Sinabi kasi ng Paparazzi co-host na si Dolly Anne Carvajal, inamin daw sa kanya ni Jolo na "crush na crush" nito si Kim, nang magkausap ang host at aktor sa Boracay last Holy Week.

Bagay na ikinagulat ni Kim nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last week pagdating niya mula sa Star Magic U.S. tour.

"Ano?!" natatawa niyang sabi.

"Hindi ko alam 'yan. Pero, siyempre, kung totoo nga 'yan, siyempre flattered ako.

"Nakakatuwa na humahanga pala siya sa akin... Kaibigan ko si Jolo."

May communication ba silang dalawa ngayon?

"Dati, may communication kami," sagot ni Kim.

"Kaya lang, yung BBM ko... Di ba, nanakaw yung phone ko?

"Ayun, nawala. Na-cut yung BBM ko, so hindi na niya alam yung bagong BBM [number] ko."

Ano ba ang masasabi niya kay Jolo as a person?

"Sobrang gentleman niya.

"Nung storycon namin ng Binondo Girl, kinukuhanan niya ako ng chair, kinukuhanan niya ako ng mainit na tubig, binubuksan niya yung iinumin ko.

"Sabi ko nga sa kanya, 'Ano ka ba? Anong ginagawa mo?'"

May pag-asa kaya kung manliligaw sa kanya si Jolo?

"Ano ba 'yan, si Jolo?!" tawa niyang muli.

"Nakakagulat talaga, nainitan tuloy ako! Hindi ko alam, bahala na."


KIM'S BIRTHDAY. Nag-celebrate si Kim ng kanyang 21st birthday last April 19 sa Star Magic tour.

Kuwento niya, "Masaya yung birthday ko. Kasama ko ang buong Star Magic family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-celebrate kami dun, tapos lumabas kami nung gabi.

"Ang saya, ang dami namin! Treat siya ng Papa P [Piolo Pascual]. Ang saya, kasi magkakasama naming sine-celebrate ang birthday ko.

"Saka parang gabi-gabi birthday ko! Lagi kasi pag kumakain kami sa labas, may kumkanta lagi ng 'Happy Birthday,' tapos nagbo-blow ako ng cake."

May regalo ba sa kanya si Gerald Anderson?

"Nag-dinner lang kami ni Gerald," banggit ni Kim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN