Jolo Revilla admits crush on Kim Chiu, but denies he wants to court her or any other girl

IMAGE 0


"Humahanga lang tayo, hindi naman yung crush na crush or gusto ko nang ligawan... Nagagandahan at nababaitan ako sa kanya," says Jolo Revilla about Kim Chiu.


Ibinuko ni Dolly Anne Carvajal sa Paparazzi noong nakaraang Linggo, April 24, na "crush na cruh" at gusto raw ligawan ni Jolo Revila ang Kapamilya young actress na si Kim Chiu.

Ayon kay Dolly Anne, sinabi raw ito ni Jolo sa kanya nang makausap niya ang binatang ama sa Boracay noong nakaraang Holy Week.

Sa Bora nagbakasyon si Jolo kasama ang kanyang buong pamilya. (CLICK HERE to read related story.)

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jolo sa telepono last Wednesday, April 27, tinanong namin ang batang actor-politician kung talaga bang balak niyang ligawan si Kim.

"Humahanga lang tayo, hindi naman yung crush na crush or gusto ko nang ligawan," paglilinaw niya.

"Humahanga lang ako. Sino ba naman ang hindi hahanga sa kanya?

"Ako, matagal na akong humahanga kay Kim. Nagagandahan at nababaitan ako sa kanya."

Ayon pa kay Jolo, bukod sa wala pa talaga sa isip niya ngayon ang manligaw dahil sa dami ng trabaho niya as barangay captain sa Bacoor, Cavite, gusto niya muna talagang kilalanin mabuti ang young actress.

"Hindi lang naman ako sa showbiz naka-focus, nagseserbisyo-publiko din ako sa mga kababayan ko sa Cavite.

"Saka sa akin kasi, mas maganda na makilala ko muna siyang mabuti bago ko sabihing gusto ko siyang ligawan.

"Pero sa ngayon, wala pa talaga sa isip ko 'yan," diin niya.

THE OTHER GUYS. Nilinaw rin ni Jolo na hindi pa sila lumalabas ni Kim, at ang komunikasyon lang nila ay through BBM (Blackberry messaging).

"Nakakapag-usap lang kami before sa BBM lang, pero dun lang. Puro tungkol lang sa work," sabi niya.

Hindi kaya tila alangan siyang ligawan si Kim dahil kay Gerald Anderson, na balitang balak balikan ang aktres, at kay Simon Atkins na pursigido raw talagang mapasagot ang aktres?

"Nagkasama kami ni Gerald sa Agimat, nagkasama kami sa ibang mga promos, but I can say na magkaibigan naman kaming dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Simon naman, ka-batch ko siya sa La Salle Zobel before. Tapos nagba-basketball kami nung high school.

"Bakit naman tayo mati-threaten?

"Gaya ng sinabi ko, wala pa talaga sa isip ko ang manligaw. Mas maganda na kilalanin muna yung tao."

KIM'S REACTION. Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Kim, gulat na gulat siya nang hingan ng reaksiyon sa balitang balak siyang ligawan ni Jolo.

Pero puro papuri naman ang sinabi nito patungkol sa batang aktor dahil sobrang gentleman daw nito at maasikaso.

Ano ang reaksiyon dito ni Jolo?

"Siyempre nakaka-flatter, pero siyempre ginagawa ko lang naman ang dapat na ginagawa ng kahit na sinong lalake.

"Actuallly, kahit naman kanino, gentleman tayo.

"Alam naman ng lahat ng naging ka-partner ko 'yan sa ibang mga shows, katulad ni Mel [Melissa Ricks]."

Magkasama sina Kim at Jolo sa upcoming primetime series ng ABS-CBN na Binondo Girl.

Handa na kaya si Jolo kung sakaling maparatangan siya na baka ginagamit lang niya ang nasabing issue para may mapag-usapang bago sa kanya?

"Sa akin naman, masasabi ko na humahanga ako kay Kim—may show man o wala.

"Sino ba naman ang hindi hahanga sa kanya?" ulit niya.

MELISSA RICKS. Minsan ding na-link si Jolo kay Melissa Ricks.

Ngayong balitang break na raw ang young actress at si Jake Cuenca, marami ang nag-iisip na baka ligawan daw uli ni Jolo si Melissa.

Ano ang masasabi ni Jolo dito?

"Wala pa talaga sa isip ko 'yan," diin niya.

"I hardly have time for myself. Sana nga may oras ako sa pag-ibig, pero wala talaga, e.

"Basta ako, bilang kaibigan, nandito ako para sumuporta kahit kanino.

"Masasabi ko na pag kailangan niya ng kaibigan, nandito lang ako."

JODI STA. MARIA. Naging malaking issue rin ang pagkakaugnay ng pangalan ni Jolo kay Jodi Sta. Maria.

Nang tanungin namin si Jolo tungkol kay Jodi ay iwas na ring magbigay ng komento ang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa totoo lang, ayoko ng pag-usapan ang tungkol sa issue na 'yan, kasi siyempre alam naman natin ang pinagdadaaan nung tao ngayon.

"Kumbaga, ayoko ng dumagdag pa sa iniisip niya."

Hiwalay na si Jodi sa mister nito na si Pampi Lacson. May isa silang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN