Kristoffer Martin has no more "tampo" about GMA-7 pulling him out of Amaya

Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25445/kristoffer-martin-has-no-more-tampo-about-gma-7-pulling-him-out-of-amaya" data-desc="Kristoffer says he and Joshua Dionisio are "okay"; prefers non-showbiz girlfriend." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a76ca145d.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25445/kristoffer-martin-has-no-more-tampo-about-gma-7-pulling-him-out-of-amaya" data-desc="Kristoffer says he and Joshua Dionisio are "okay"; prefers non-showbiz girlfriend." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a76ca145d.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25445/kristoffer-martin-has-no-more-tampo-about-gma-7-pulling-him-out-of-amaya" data-desc="Kristoffer says he and Joshua Dionisio are "okay"; prefers non-showbiz girlfriend." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a76ca145d.jpg">

Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25445/kristoffer-martin-has-no-more-tampo-about-gma-7-pulling-him-out-of-amaya" data-desc="Kristoffer says he and Joshua Dionisio are "okay"; prefers non-showbiz girlfriend." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a76ca145d.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25445/kristoffer-martin-has-no-more-tampo-about-gma-7-pulling-him-out-of-amaya" data-desc="Kristoffer says he and Joshua Dionisio are "okay"; prefers non-showbiz girlfriend." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a76ca145d.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25445/kristoffer-martin-has-no-more-tampo-about-gma-7-pulling-him-out-of-amaya" data-desc="Kristoffer says he and Joshua Dionisio are "okay"; prefers non-showbiz girlfriend." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a76ca145d.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25445/kristoffer-martin-has-no-more-tampo-about-gma-7-pulling-him-out-of-amaya" data-desc="Kristoffer says he and Joshua Dionisio are "okay"; prefers non-showbiz girlfriend." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a76ca145d.jpg">

IMAGE 0


"Nawawalan man ng trabaho, at least may kapalit. Nililipat lang nila ako. Kaya hindi ko masyadong iniisip na tinatanggal ako... Ang masaklap, sinasabi sa akin ang trabaho, tapos tinanggal ako nang walang kapalit," says Kristoffer Martin.


Nawala na raw ang tampo ng tween star na si Kristoffer Martin sa GMA Network.

Natanggal man siya sa cast ng epicserye na Amaya, nabiyayaan naman ang young actor ng magandang role sa bagong primetime drama series na Munting Heredera.

"Sobrang saya ko na ngayon dahil edge ko na ito. Nadadalian ako kapag drama," sabi ng 16-year-old actor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng Munting Heredera kagabi, May 3, sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Natatanggal man sa mga projects, sinabi ni Kristoffer na masaya siya bilang Kapuso.

"Sobra!" bulalas niya. "Kasi hindi nila ako pinababayaan.

"Nawawalan man ng trabaho, at least may kapalit. Nililipat lang nila ako.

"Kaya hindi ko masyadong iniisip na tinatanggal ako. Nililipat lang ako.

"Ang masaklap, sinasabi sa akin ang trabaho, tapos tinanggal ako nang walang kapalit.

"Ang iniisip ko lang, nilalagay ako sa show na magsa-shine ako.

"Yun ang lagi kong tinatatak sa ulo ko."

Bukod sa Munting Heredera, na magsisimula na sa May 9, kasama rin si Kristoffer sa cast ng Tween Hearts The Movie, ang movie version ng kanilang toprating youth-oriented show sa Kapuso network.

ISSUE WITH JOSHUA. Speaking of Tween Hearts, may balita noon na may isyu raw sa kanila ng co-star niya na si Joshua Dionisio.

Ito raw ang naging dahilan kaya natanggal si Kristoffer sa afternoon soap na Nita Negrita. (CLICK HERE to read related story.)

Tanong ng PEP, kumusta na ang samahan nila?

"Okey naman po. Wala naman po kaming ganun ni Joshua," paglilinaw ni Kristoffer.

Nagkikibuan ba sila?

"Okey naman po kami ni Joshua. As in, okay," diin niya.

"Kung paano kami ni Joshua before yung issue, ganoon pa rin kami.

"Nagkukulitan kami. Kasi, wala namang problema sa amin.

"Ang sinasabi po nila kasi, ang nag-ano raw is yung parents ni Josh.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Walang problema kay Joshua. Sobrang... Ang tingin ko kay Joshua, kapatid."

DRAMA ACTOR. Pang-drama actor man ang hitsura ni Kristoffer, hindi ang genre na ito ang talagang gusto niya.

"Actually, mas preferred ko yung comedy. Mga sitcom. Light lang," pagtatapat niya.

"Mas gusto kong nagpapasaya kesa nagpapaiyak!" aniya pa.

Pero marami ang nagsasabing mas bagay raw ang mukha niya sa drama. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Kaya nga sabi ni Direk Maryo [de los Reyes, director ng Munting Heredera], expressive daw ang mukha ko.

"Sobrang perfect sa role ni TJ [his character's name]. Masipag. Mahirap, pero may tiwala sa sarili," saad niya.

FUTURE HUNK? Sa nakaraang summer episode ng Tween Hearts na kinunan sa Boracay, maraming nakapansin sa magandang hubog ng katawan ni Kristoffer.

"Pinaghandaan ko talaga yung Boracay. Nag-gym ako for two weeks.

"Yes, hindi pa nga ganoon kalaki 'yon. Mas malaki pa ngayon [ang katawan ko]!" tawa ng binata.

Dagdag pa niya, "Dati, sobrang payat ko nung Endless Love. Nakita ko yung DVD.

"E, maraming nakakita ng katawan ko [sa Tween Hearts] kaya natuwa rin ako sa feedback."

Swimmer sa kanilang school sa Olongapo si Kristoffer.

Pero dahil limitado lang ang mga parte ng katawan niya na lalaki sa naturang sport, nagdyi-gym siya upang ma-develop pa ang ibang parte ng kanyang katawan.

Biro ng PEP, baka naman maging sex symbol na siya pagtagal?

"Ow? Ayoko!" natatawa niyang sabi.

"Ayokong maging sexy... Ayokong pumunta doon!"

Bakit naman ayaw niyang magpaseksi?

"Hindi talaga! Sobrang hindi ako kumportable doon.

"Iniisip ko pa lang pag sinasabi ng iba... Ayoko!" diin ni Kristoffer.


NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND. Pati manligaw sa co-stars niya, umaayaw si Kristoffer.

"Ayoko ng isyu!" tawa niya.

"Nagkaro'n na ako ng girlfriend. Pero as much as possible, ayoko ng showbiz.

"Kung magkakaroon ako ng girlfriend, siguro sa amin sa Olongapo."

May itinatago ba siyang girlfriend sa Olongapo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ha? Wala akong itinatagong girlfriend sa Olongapo!" tanggi ni Kristoffer.

Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25445/kristoffer-martin-has-no-more-tampo-about-gma-7-pulling-him-out-of-amaya" data-desc="Kristoffer says he and Joshua Dionisio are "okay"; prefers non-showbiz girlfriend." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a76ca145d.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25445/kristoffer-martin-has-no-more-tampo-about-gma-7-pulling-him-out-of-amaya" data-desc="Kristoffer says he and Joshua Dionisio are "okay"; prefers non-showbiz girlfriend." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a76ca145d.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25445/kristoffer-martin-has-no-more-tampo-about-gma-7-pulling-him-out-of-amaya" data-desc="Kristoffer says he and Joshua Dionisio are "okay"; prefers non-showbiz girlfriend." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a76ca145d.jpg">


Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25445/kristoffer-martin-has-no-more-tampo-about-gma-7-pulling-him-out-of-amaya" data-desc="Kristoffer says he and Joshua Dionisio are "okay"; prefers non-showbiz girlfriend." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a76ca145d.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25445/kristoffer-martin-has-no-more-tampo-about-gma-7-pulling-him-out-of-amaya" data-desc="Kristoffer says he and Joshua Dionisio are "okay"; prefers non-showbiz girlfriend." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a76ca145d.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25445/kristoffer-martin-has-no-more-tampo-about-gma-7-pulling-him-out-of-amaya" data-desc="Kristoffer says he and Joshua Dionisio are "okay"; prefers non-showbiz girlfriend." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a76ca145d.jpg"> Amaya" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25445/kristoffer-martin-has-no-more-tampo-about-gma-7-pulling-him-out-of-amaya" data-desc="Kristoffer says he and Joshua Dionisio are "okay"; prefers non-showbiz girlfriend." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a76ca145d.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN