LJ Reyes is now ready to "leave" her baby to resume work as an actress

IMAGE 0


"After ng storycon, talagang sobrang na-excite ako. Kasi parang ini-expect ko, magte-taping na agad since ang tagal ko rin na nawala. So, nakaka-miss. Kaya yun, noong hindi pa, medyo may inip. Pero okay lang din naman kasi mas nakakapag-prepare pa ako," says LJ Reyes (right, with boyfriend Paulo Avelino) about her comeback project, Sisid.


Ilang buwan pagkatapos niyang magsilang ng anak nila ni Paulo Avelino ay handa nang sumabak muli sa harap ng camera ang young actress na si LJ Reyes.

Kasama siya sa cast ng afternoon soap ng GMA-7 na Sisid, na magsisimula ngayong buwan ng Mayo. Gaganap siya rito bilang kontrabida ng bidang si Jackie Rice.

Pero nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ sa telepono, sinabi niyang hindi pa siya nakakapag-taping bagamat nakaka-ilang taping days na ang ibang cast members.

"Wala pa kasi ang character ko sa first few episodes kunsaan nasa province pa sila. Papasok ako kapag nagpunta na raw yata sa Manila si Jackie.

"Kontrabida yung role kasi ako yung first girlfriend ni Dominic [Roco] bago sila. So, yun," paliwanag niya.

Excited na raw mag-taping si LJ, although mas excited siya noong sabihin sa kanya na may gagawin siyang bagong project sa Kapuso network.

"After ng storycon, talagang sobrang na-excite ako.

"Kasi parang ini-expect ko, magte-taping na agad since ang tagal ko rin na nawala. So, nakaka-miss.

"Kaya yun, noong hindi pa, medyo may inip. Pero okay lang din naman kasi mas nakakapag-prepare pa ako."

Ang huling project ni LJ bago siya manganak ay ang Ina, Kasusuklaman Ba Kita? noong 2010.

READY TO GO SEXY. Nakahanda naman na raw si LJ kung anumang sexy scene ang gagawin niya sa Sisid.

"Actually, wala pa nga akong idea kung ano talaga ang gagawin ko. Basta ang sabi sa amin, the story itself is sexy talaga.

"So, ine-expect ko na meron and sinabi rin naman nila. Hindi ko alam kung ano talaga.

"Siguro love scene, which is okay lang naman. Artista naman ako," sabi ng StarStruck 2 alumna.

MOMMY LJ. Wala na rin daw problema kay LJ kahit na simula nang ipanganak niya ang baby nila ni Paulo Avelino na si Ethan Akio, or Aki, ay siya na talaga ang naging hands-on sa pag-aalaga rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya na raw niyang iwan ang anak na hindi masyadong mag-aalala.

"Naiiwan ko na siya. Pero I make sure pa rin na kapag nasa bahay, naiiwan ko siya na may relatives kami na puwedeng nandoon.

"Kapag wala, iniiwan namin siya sa relatives namin, dinadala namin sa house nila.

"Mahirap din kasi kung si Aki lang at saka ang yaya sa bahay na sila lang maiiwan," sabi ni LJ.

Mas masarap daw kasama ang baby nila ngayon na nine months old na dahil nakakausap na raw nila ito.

"Madaldal na rin siya. Nasasabi na niya 'Mama' at saka 'Dada' minsan.

"At saka, grabe, sobrang likot! Minsan nga, tinitingnan ko na lang kasi sobrang likot talaga kahit hawak namin.

"Mas masarap ngayon kasi nakakalaro na namin."

Ayon kay LJ, hindi sila natuloy na magpunta ng Baguio, ang hometown ni Paolo, noong Holy Week dahil nagkasakit ng pneumonia at na-confine ang Kapuso actor.

"Sa bahay lang kami," banggit ni LJ.

"Yun nga, nagkasakit si Pau. Three days din siyang na-confine.

"Pero noong feeling niya, okay na siya, siya na rin ang nagpa-release sa hospital at sa bahay na lang nagpagaling.

"Ngayon, okay na siya. Magaling na."

Yun nga lang, dahil sa pagkakasakit ni Paulo ay pinalitan siya sa cast ng remake ng Temptation Island. Si Mikael Daez ang pumalit sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN