Angel Locsin on dating Phil Younghusband: "Wala naman kaming itinatago."

IMAGE 0


Angel Locsin arrived at the block screening of her movie In the Name of Love last May 11 at Podium Cinema together with Azkals player Phil Younghusband.


Isang blooming at masayang Angel Locsin ang humarap sa press matapos niyang mapanood ng ikalawang beses and kanyang pelikulang In the Name of Love. Katambal niya rito sina Aga Muhlach at Jake Cuenca.

Noong Miyerkules, May 11, ay kasamang dumating ni Angel ang kanyang "suitor" na si Phil Younghusband upang dumalo ng block screening ng In the Name of Love sa Podium Cinema.

Sa naunang panayam kay Phil, inamin nito na unang beses niyang manood ng Tagalog film, at masaya siyang kasama niya si Angel. (CLICK HERE for related article.)

Ano naman kaya ang reaksiyon ni Angel tungkol dito?

"Actually, hindi naman niya naiintindihan yung pelikula namin, [pero] nanood siya," ang nakangiting sagot ng Kapamilya actress.

"Hindi niya talaga maintindihan yung sinasabi namin, yung mga dialogue namin.

"[Pero] pumapalakpak din siya, nakakatuwa siya."

Kuwento pa ni Angel, sinadya niya raw na late sila dumating ni Phil.

"Kalahati pa kami nang manood kasi ayaw kong makita niya yung pole dance. Pero hindi niya alam yun!" tawa niya.

OUT IN THE OPEN. Matatandaan na bago mag-Valentine's Day ng taong kasalukuyan ay inaya ni Phil si Angel na mag-date sa pamamagitan ng Twitter. (CLICK HERE for related article.)

Matapos nun ay naging usap-usapan na ang madalas na pagkikita nila. Ngunit sa block screening ng pelikula ni Angel lang nakita ng publiko na magkasama ang dalawa.

Patago nga ba ang kanilang mga pagkikita?

"Wala naman kaming itinatago," tanggi ni Angel.

"Hindi siya first time [na lumabas kami]. Pero siguro, yung with camera."

Mas ginusto raw ni Angel na sa block screening na lang isama si Phil dahil ayaw niya raw na maging agaw-eksena sa premiere night ng pelikula niya sa Star Cinema.

"Pag-usapan muna natin yung In the Name of Love, wag yung lovelife ko," sabi niya.

"Ayaw ko naman kasi na kakasimula pa lang ng pelikula, mada-divert yung attention, kung gaano kaganda yung pelikula, iba yung mapag-usapan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagdating sa tunay na estado ng kanilang relasyon, naging mailap si Phil sa pagsagot tungkol dito, at sinabi pang si Angel na lang ang tanungin.

Pero katulad ni Phil, hindi rin direktang sumagot ang dalaga nang tanungin tungkol dito.

Ani Angel, "I'm thankful na ganito kami, masaya kami, sa ngayon, masaya kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN