Katrina Halili's bar, co-owned with other celebrities, closed down without her knowledge

IMAGE 0


"Most of the money na naipon ko mula sa pag-aartista ko, at sa mga naging endorsements ko noon, nai-invest ko sa Barracks," says Katrina Halili about the bar she co-owns with other celebrities.


Walang kaalam-alam si Katrina Halili na nagsara na pala ang bar kunsaan isa siya sa mga investors—ang Barracks na matatagpuan sa Tomas Morato, Quezon City.

Isa si Katrina sa labindalawang celebrity investors ng naturang bar nang magbukas ito noong 2007.

Kasama ni Katrina na nag-invest sa Barracks sina Allan K, Dennis Trillo, Diana Zubiri, Jaya, JC de Vera, Alfred Vargas, Wesley Gonzalez, at iba pa.

Kuwento ni Katrina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa press launch ng Munting Heredera, last May 3, sa Studio 7 ng GMA Annex Studio, may nagsabi lang daw sa kanya na sarado na ang naturang bar.

Hindi naniwala agad si Katrina dahil kailan lang daw ay napadaan siya doon at bukas pa ito.

"Noong sinabi nga sa akin 'yon, nagtaka naman ako. Kasi kapag napapadaan ako doon kapag wala akong trabaho, marami namang tao.

"Pero noong sinabi nga sa akin na nagsara na, gusto kong makita kung totoo.

"Noong dumaan nga ako, nakita ko nga na madilim yung lugar, tapos closed nga siya.

"Kaya tinawagan ko ang mga dapat tawagan, di ba? Kasi nga, nag-invest ako ng malaking pera sa bar na 'yan.

"Hindi lang naman ako, marami kami. Kaya gusto kong malaman kung ano ang mangyayari," sabi ni Katrina.

Ang ama na raw ni Katrina ang mag-aasikaso ng tungkol sa nilagay niyang investment sa naturang bar. Ito na rin daw ang makikipag-usap kung ano ang kalalabasan ng na-invest niyang pera.

Ayaw naman i-disclose ni Katrina kung magkano ang pinasok niyang pera sa Barracks.

"Confidential na lang po. Pero malaki po siyang halaga," nakangiting sabi ni Katrina.

"Most of the money na naipon ko mula sa pag-aartista ko, at sa mga naging endorsements ko noon, nai-invest ko sa Barracks.

"Tinawagan naman ako ni Mama Lito [Alejandria] at magkakaroon kami ng meeting with the other investors."

Si Lito raw ang isa sa nag-engganyo kay Katrina at sa iba pang celebrities na mag-invest sa bar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ng sexy star, "Hindi lang naman kasi kaming mga artista ang naglagay ng pera sa Barracks, may mga non-showbiz people din.

"Kaya pag-uusapan daw namin kung ano ang mangyayari sa perang nilagay namin sa bar."

Hindi na raw inalam ni Katrina kung bakit biglang nagsara ang Barracks dahil pinapaubaya na lang daw niya iyon sa kanyang ama at sa kukunin nilang abogado.

Inamin naman ni Katrina na wala siyang alam sa resto and bar business, pero nag-invest siya dahil maganda naman daw ang paliwanag sa kanila.

"Sa totoo lang, wala talaga akong alam sa ganyang business.

"Pero dahil nga kaibigan ko si Mama Lito, tapos yung ibang nag-invest ay mga friends ko rin, naglagay na rin ako ng investment ko.

"May mga sinabi kasi sa amin na maganda ang return of investment.

"Wala naman daw kaming ibang gagawin kundi ang pumunta lang sa bar para maka-attract ng mga tao.

"In fairness, parati naman akong nandoon before. Lalo na noong hindi pa ako masyadong busy. Inaalam ko rin yung business na pinasok ko.

"Hanggang sa nagsunud-sunod na ang mga nangyari sa akin, paminsan-minsan na lang ako nakakapunta doon.

"Hanggang sa heto na nga, nagsara na.

"Dasal ko naman na maayos ito. Magkakaibigan naman kaming lahat at alam ko na may magandang mangyayari."

Sa tanong kung may natanggap na ba siya kahit magkano bilang isa sa investors mula nang nagbukas ang bar noong 2007, sinabi ni Katrina na ang ama na lang daw niya ang makakasagot nito.

"Magkakaroon nga kami ng meeting. Baka ang daddy ko na ang a-attend doon. Sa kanya ko malalaman ang lahat," sabi niya.

HOLY WEEK IN PALAWAN. Fresh na fresh nga si Katrina ngayon dahil noong nakaraang Holy Week ay nakapagpahinga siya.

Umuwi raw siya sa kanila sa El Nido, Palawan, at nakapagbakasyon.

Nabitin nga lang ang bakasyon niya dahil kinailangan niyang makabalik ng Manila dahil sa taping ng Munting Heredera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After kasi ng Beauty Queen, nag-show ako for GMA Pinoy TV sa U.S. Ilang shows din iyon, kaya pagbalik sa Manila, nakaplano na ang bakasyon ko for Holy Week.

"Hindi ko kasi alam na magsisimula na kami agad for Munting Heredera kaya na-cut short ang bakasyon ko.

"Pero okey naman ang naging pahinga ko kahit bitin. Maganda naman ang kapalit kasi may trabaho na ulit tayo," ngiti niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN