Pokwang finally returns to noontime slot; joins Happy Yipee Yehey!

IMAGE 0


"Bonggang nakakapagod, pero nakakatuwa kasi mainit naman ang naging pagtanggap sa akin. At saka siguro, sobrang na-miss ko," says Pokwang about joining the hosts of Happy Yipee Yehey!.


Naging bongga at masaya ang pag-welcome sa comedienne na si Pokwang bilang bagong dagdag na host sa ABS-CBN noontime show na Happy Yipee Yehey! kaninang hapon, May 7.

Sakay ng isang arko ay sumayaw si Pokwang ng '80s dance music na "Shake Body Dancer."

Sa pamamagitan nito ay muli niyang ipinadama sa mga manonood ang trademark niya, na unang nasilayan noon sa Wowowee na nagbibigay-aliw sa maraming manonood.

Dahil Mother's Day bukas, May 8, ay sinorpresa rin si Pokwang ng kanyang anak na si Rie Mae nang live itong bumati sa kanya sa show.

BACK TO NOONTIME. Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Pokwang kaninang tanghali sa studio ng Happy Yipee Yehey!, sinabi nitong masayang-masaya siya sa naging pag-welcome sa kanya at sa pagbabalik niyang muli sa noontime show.

"Seryoso, masaya," nakangiti niyang sabi.

"Bonggang nakakapagod, pero nakakatuwa kasi mainit naman ang naging pagtanggap sa akin. At saka siguro, sobrang na-miss ko."

Hindi naman itinanggi ni Pokwang na noon pa sana siya makakasama sa Happy Yipee Yehey!.

Yun nga lang, kinailangan pa raw ayusin ang schedule niya, tulad ng movies at shows abroad na mga ginawa niya.

Hindi rin daw siya naapektuhan kahit naiintriga siya noon sa hindi niya pagkakasama nang unang umere ang Happy Yipee Yehey! noong February 12, 2011.

Ani Pokwang, "Hindi na. Hindi ko na lang inintindi.

"Nagpaka-busy na lang ako sa mga trabaho, sa trabaho ko abroad, at nagbilang ng blessings."

WORKING WITH BOSSING VIC. Sinasabi na kaya raw hindi siya naisama noong una sa Happy Yipee Yehey! ay dahil sa pelikulang ginawa nila ni Vic Sotto, ang Pak! Pak! My Dr. Kwak!, na kasalukuyan pa ring palabas ngayon.

Baka raw kasi magkaroon ng conflict kung nagkataong magkatapat pa rin ang noontime shows nila, bilang si Vic ay isa sa mga hosts ng Eat Bulaga! sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo," kumpirma naman ni Pokwang.

"Nalaman ko rin na may offer na movie with Bossing Vic, sino ba naman ang tatanggi ro'n, di ba? At least ngayon, nakabuo kami ng friendship."

Ayon kay Pokwang, pagkatapos nilang magkasama sa pelikula ni Vic at ngayon na magkatapat na naman ang kanilang noontime show, mas humanga pa raw siya rito.

"Mas dumoble ang paghanga ko sa kanya kasi walang kumpetisyon na nangyayari. Bagkus ay sinusuportahan pa niya ako sa kanyang mga mensahe.

"Sabi niya, 'Trabaho 'yan, blessing 'yan.' At sinabi niya na walang makakasira sa friendship na nabuo namin."

FALSE RUMOR. Nilinaw rin muli ni Pokwang ang naging isyu noon na kesyo nagwala raw siya sa Star Magic office dahil sa hindi niya pagkakasama sa Happy Yipee Yehey!.

"Nalinaw ko na rin naman po 'yang isyung 'yan.

"At, in fairness sa Star Magic, 'pinagtanggol naman po nila ako, at hindi ko nga raw po magagawa yun.

"May respeto po ako kay Mr. M," pagtukoy ni Pokwang sa direktor ng Happy Yipee Yehey! na si Johnny Manahan.

Wala raw problema sa kanya kung hindi man siya nakasama noong una sa show.

"Okay lang po at saka ipinaliwanag naman nila sa akin na, 'Ganito, mag-movie ka muna. Mag-teleserye.'

"May pelikula rin kasi akong ginagawa ngayon abroad, TFC po ang nag-produce. Isa akong OFW na nanay.

"Pero hindi siya iri-release rito, sa abroad talaga.

"Meron na lang kaming kukuhanang eksena sa Pilipinas, pero tinapos ko na lahat ng eksena sa U.S. "


MARIEL RODRIGUEZ. Itinanggi naman ni Pokwang ang lumabas na isyu na kesyo kaya siya hindi nakapasok sa Happy Yipee Yehey! noon ay dahil daw kay Mariel Rodriguez.

"Hindi po totoo yun," sabi niya.

"Tinanong ko rin po si Mariel tungkol diyan. Actually, si Mariel po ang unang-unang excited noong malaman niya na babalik ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, yun nga... At saka, buo na naman kaming dalawa. Yung mga kulitan namin, di ba?"

Dating magkasama sina Pokwang at Mariel sa Wowowee at sa pumalit ditong Pilipinas Win Na Win.

THE PRESSURE. May pressure ba siyang nararamdaman na parang kailangan niyang mapatunayan na kaya niyang mapaangat nang husto ang Happy Yipee Yehey! sa pagpasok niya rito?

"May pressure," pag-amin niya.

"Pero yung mga sinasabi na rin ng mga co-host na kasama ko, sabi nila, 'Hindi, enjoy na lang natin. Huwag na nating intindihin ang mga ratings. Basta tayo, nag-e-enjoy. Kasi, kapag nag-enjoy tayo, madadamay na rin ang mga manonood.'

"Totoo yun, di ba?"

WILLIE REVILLAME. May nagbiro naman kay Pokwang na mas nauna pa raw siyang nakabalik sa telebisyon kaysa kay Willie Revillame.

Ang tinutukoy ay ang suspension na ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa programa ni Willie sa TV5 na Willing Willie.

Pero sabi ng komedyana, "Babalik din 'yan. Hintayin na lang po natin.

"Pasasaan ba at maayos din kung anuman ang hinaharap niya ngayon."

Aminado naman si Pokwang na wala pa rin silang communication ni Willie hanggang ngayon.

Ano ang naging reaction niya sa isyung kinasangkutan ni Willie?

"Quiet...quiet na lang po ako. Hindi naman ako makakatulong sa isyu. Baka lalo lang akong maka...

"At saka, noong time na yun, naka-focus ako sa trabaho. Nasa U.S. po ako.

"Wala akong alam sa mga nagaganap hanggang sa may nagkukuwento na lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN