John Estrada on his second marriage: "Masaya. Masarap. It's nice to be back!"

IMAGE 0


"Siguro next year. Pero, late next year. Nakaplano kasi, gusto niya muna akong i-enjoy!" replies John Estrada when asked if he and wife Priscilla Meirelles are now planning to have a baby.


Mararamdaman sa aura at sa mga pananalita ni John Estrada kung gaano siya kasaya at kakuntento sa pagpapakasal niya sa ikalawang pagkakataon.

Ikinasal si John sa Brazilian beauty queen na si Priscilla Meirelles noong February 26 sa Thunderbird Resorts, Poro Point, La Union.

Ano ang nakita niyang difference ng relationship nila ngayong kasal na sila?

"Ay, ang unang-una kong naramdaman na asawa ko siya ay sa lahat ng application niya, Priscilla Meirelles-Estrada na ang nilalagay niya," sabi ni John sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Wala pa raw silang plano na magkaroon ng baby sa ngayon.

"Siguro next year. Pero, late next year. Nakaplano kasi, gusto niya muna akong i-enjoy!" natatawang biro pa ni John.

Hindi pa raw sila nagha-honeymoon dahil na rin sa schedule.

"Gabi-gabi naman kaming nagha-honeymoon, so okay na!" biro niyang muli.

Paano niya ide-describe ang married life niya ngayon?

"Masaya. Masarap. It's nice to be back!" natatawa niyang sabi.

Unang asawa ni John si Janice de Belen. Apat ang anak nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN