Toni Gonzaga clarifies "no makeup-no interview" issue

IMAGE 0


"Palagi naman naming sinasabi, ang isang institusyon, kahit na anong gawin namin, institusyon. Lahat ng henerasyon, dumaan sa Eat Bulaga!. Kaya we can never see our show competing with them. We can only offer an alternative. That's just what we are offering," says Toni Gonzaga about their noontime show Happy Yipee Yehey!.


Isa si Toni Gonzaga sa natuwa nang malaman niyang makakasama na nila bilang regular host sa Happy Yipee Yehey! ang comedienne na si Pokwang.

Ayon kay Toni, kahit marami na raw silang hosts ng programa, wala raw sa kanila ang paistaran.

Hindi rin daw nakakadagdag ng challenge sa bawat isa na kailangan nilang pantayan ang energy ni Pokwang.

"Ako, personally, walang challenge sa amin. Hindi naman kami nagpapa-anuhan dito.

"Ang noontime [show] naman, ang bida rito, yung audience. Mga contestants.

"Lahat naman kami, may kanya-kanya kaming strength, contribution. May kanya-kanya kaming ino-offer sa show.

"Kung ano lang ang kaya namin, yun lang. Kung hindi naman namin kaya, hindi naman namin ibibigay."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Toni sa studio ng Happy Yipee Yehey! sa ABS-CBN compound last Saturday, May 7.

ALTERNATIVE VIEWING. Kahit halos three months pa lang umeere ang kanilang show, ano ang nakikita nilang edge ngayon over their rival show na for more than 30 years ay sinusubaybayan na ng mga manonood—ang Eat Bulaga!?

"Alam n'yo ang edge, hindi naman sa amin dapat manggaling 'yan," sabi ni Toni.

"Palagi naman naming sinasabi, ang isang institusyon, kahit na anong gawin namin, institusyon.

"Lahat ng henerasyon, dumaan sa Eat Bulaga!. Kaya we can never see our show competing with them.

"We can only offer an alternative. That's just we are offering.

"Yun lang din naman ang sinabi ng management, e.

"Mahirap namang walang noontime ang ABS kaya gumawa sila ng noontime, para may noontime ang mga loyalista ng ABS.

"Kung susuwertehin kami na magkalaban, magtapat, e, blessing na ni Lord yun.

"Pero sa ngayon, ang iniisip lang namin, e, kung ano lang ang puwede naming ibigay."

When it comes to rating game, aminado si Toni na conscious din sila rito noong una.

"Siyempre noong una, nakakaapekto sa amin yun. Pero kasi, naramdaman namin na sinusuportahan kami ng ABS, network...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Ms. Linggit Tan [ABS-CBN business unit head], palaging nakatutok sa amin.

"Tapos, every week, nire-rest assure nila kami na pinapaganda ang show. Kaya nakakampante kami."

REST DAY. Kung tutuusin, isa si Toni sa pinaka-busy among the hosts of Happy Yipee Yehey! dahil araw-araw ang live show niya.

Bukod kasi sa daily noontime show niya ay meron pa siyang The Buzz tuwing Linggo.

Hindi ba siya napapagod?

"Maraming time magpahinga. Darating ang time na magpapahinga rin ako," sabi niya.

"Pero hangga't merong trabaho, go lang nang go.

"Hindi naman puwedeng araw-araw Pasko sa buhay ng artista. Minsan lang 'to.

"Hangga't okay pa, meron pang opportunities, meron pang break."

NO MAKEUP, NO INTERVIEW? Muling nilinaw ni Toni ang isyu sa kanya sa The Buzz na kesyo nag-inarte raw siya nang kukuhanan sana siya ng VTR para sa birthday ng co-host niya sa programa na si Charlene Gonzalez.

Kesyo hindi raw siya pumayag magpa-interview dahil wala siyang makeup.

"Hindi naman ako nag-inarte," paglilinaw ni Toni.

"Noong dumating ang The Buzz, hulas na hulas pa ako. Galing kami ng team building at nawala kami ng limang oras. Tapos, ini-interview ako for The Buzz.

"Tinanong ko, 'Sino ang mga babati?' Ang ganda ng lahat ng babati.

"E, hindi naman ako pinanganak na maganda! Kailangan kong mag-effort din naman.

"So, tinawag ko kay Ms. Nancy. Nagpaalam naman ako.

"Kung hindi ako pinayagan na hindi lalabas, e, lalabas ako. May go signal ako, e.

"Kung sinabi sa akin na, 'Hay naku, bahala ka kung ayaw mong gawin 'yan!' E, ginawan ng isyu.

"Pero huwag na lang nating gawan ng isyu. Mas maraming mabibigat na isyu na dapat harapin.

"Wala namang kasilbi-silbi naman ang isyung yun.

"Alam ko naman ang sasabihin do'n—maarte. E, artista kasi kaya maarte."

WEDDING. Dahil paparating na ang buwan ng Hunyo, napag-uusapan na naman ang tungkol sa mga kasalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

On Toni's part, may movie siyang ginagawa ngayon sa Star Cinema—ang Wedding Tayo, Wedding Hindi—with Eugene Domingo, Wendell Ramos, and Zanjoe Marudo.

Pero pagdating sa kanyang personal na buhay, wala pa rin ba talaga silang planong magpakasal ng kanyang longtime boyfriend na si Paul Soriano?

"Teka muna, wala pa nga akong singsing!" natatawa niyang biro.

Pero inamin naman ng actress-TV host na may dream wedding na siya.

"Maliit na wedding lang. Sa church namin, sa Taytay.

"Small church lang yun, pero doon ako lumaki. Doon ako nagsisimba.

"Yung reception, sa Taytay rin," sabi niya.

Okay naman ba kay Direk Paul na sa Taytay sila papakasal?

"Yun ang gusto niya...doon kami ikakasal. Sa church kung saan kami lumaki."

May plano na rin ba siya sa kung sino ang magkakasal sa kanila?

"Aba, wala pa nga akong ring!" tawa niya.

"Kapag nalaman ni Paul, aba, may magkakasal na, may simbahan na, may reception na, wala pa nga akong proposal!"

Four years na ang relasyon nina Toni at Direk Paul. Pero ayon kay Toni, baka tatlong taon pa raw bago sila magpalitan ng "I do."

"Mabilis na lang yun. Nakaabot nga kami ng four... Hindi namin alam."

Kinikilig pa rin siya sa boyfriend?

"Oo! Kapag nawala yun, tapos na," sagot ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN