Andi Eigenmann reportedly called a "cheater" by ex-boyfriend Albie Casiño; Andi furious, saying all she ever did was "make sure he's happy and he doesn't get hurt"

IMAGE 0


Ex-couple Andi Eigenmann (left) and Albie Casiño are now embroiled in a controversy after the young actor reportedly accused the young actress of cheating on him when they were still together.


Parehong tikom ang bibig ngayon ng Kapamilya young stars na sina Andi Eigenmann at Albie Casiño tungkol sa pinag-uusapang away nila.

Dating magkasintahan sina Andi at Albie bago pa sila kapwa pumasok sa showbiz. Umabot ng dalawang taon ang kanilang relasyon.

Si Albie ay kasalukuyang napapanood sa Mara Clara at si Andi naman ay napapanood ngayon sa Minsan Lang Kita Iibigin.

Si Andi ay 20 years old, samantalang si Albie naman ay 18.

Apparently, nagsimula ang away sa pagitan nina Andi at Albie sa tweet ng kaibigan ng young actress na si Saab Magalona noong May 6.

Ayon sa tweet ni Saab: "Thinking about a young actor who slapped my friend (his ex gf) makes me so angry. I hope his career goes nowhere!!"

Dahil dito, may isang fan ang nagtanong sa isang "Albie," sa social networking site na formspring, kung siya ang tinutukoy ni Saab na nanampal diumano sa kaibigan nito.

"albie!!!!!!!! sinabe ni andi to all her friends na sinampal mo daw cya. sa twitter ni saab parang ikaw yung young actor.nanamapl daw. kaw ba talaga yun?"

Ito ang naging sagot nung "Albie": "So much bullshit. I never hit her. Maybe one of her many boys did. Andi’s a cheater kasi she has maybe 10 guys. Ao yeah nope not me."

Agad na nakarating kay Andi Eigenmann ang sagot na iyon ni "Albie."

Bilang pagtatanggol sa kanyang sarili ay sumagot si Andi sa pamamagitan ng kanyang Twitter account (andieigengirl).

Narito ang mga sunod-sunod na tweet ni Andi noong May 9:

“That’s it. I don’t care who people believes but it has gone way overboard. Check out albie’s formspring (albiewhoshedid)<—"

“Question is why he had to have the reason to answer that question. So maybe it was him. Why would my friend, someone who just cares…"

“Go about and tweet something out of disappointment if it were a lie."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The issue is not what he’s done but how he’s trying to ruin my life and let him be wo defending myself. All I ver did for 2yrs was sty by hm."

"“Make sure he’s happy and he doesn’t get hurt. Cus I care. A lot. And why do I get this inn return? No one knows."

“I don’t do this out of pity. Heck I even told myself not to stoop down to his level cus there’s no need. At least I know the truth."

“But I think it has gone overboard. This guy knows me and knows the truth, yet has the guts to say such lies to save himself from NO danger"

"“No one could ever imagine how badly I’ve been hurt, but did anyone ever hear anything from me? No. Cus I care for him and I love him and..."

“Amidst what he’s done, I’d always wish the best for him. Another question is, so why wont he just stop and let me be?"

“To the readers, he made himself hate me and did everything he can for me to stay out of his life."

“When all I ever did was love him as much as I could."

“What did I ever do to deserve this?"

"“To the judgmental ones, I don’t need your replies. Haters, I got enough of you already, built by my everbeloved ex. I don’t need more of it"

“I believe I have enough class to not stoop down to his level and actually do such a thing as this. But for once, I just need to defend myslf"

“And to people who’s heard stories, rumors, issues, before u spread, make sure they’re true."

“To his fans, I know there are a lot, don’t mind this if you can’t believe it. Its nt an intention to take u against him at all. Thanks"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I know ill regret doing this cus I’m not the kind of person, but what’s done is done."

“again, people, don’t say things unless you’re sure its true! If u dnt know anything, dnt say anything. Thanks"

“I’m using twitter not for fans to dwell on, dont worry. Its to get help on getting facts straight."

Pagkatapos nito ay sinubukang kunan ng pahayag ng press sina Andi at Albie, ngunit wala silang nakuhang sagot mula sa dalawa.

SILENCE FROM BOTH. May mga naririnig sa ABS-CBN circles na napagsabihan na ang dalawa ng mga namamahala sa kanilang careers na huwag nang sumagot, nang mamatay na ang isyu.

Si Albie at si Andi ay parehong nasa ilalim ng Star Magic, ang ABS-CBN talent-management arm.

Alam kasi sa industriya na ang mga ganitong kontrobersiya sa personal na buhay ng mga artista ay hindi gusto ng mga kumpanyang maaaring kumuha na sa kanila bilang celebrity endorsers at lalong hindi gusto ng mga maaaring kumuha pa sa kanila bilang endorsers.

Sa ngayon, bagamat nasabi na ni Andi ang kanyang saloobin tungkol sa naging pahayag ng ex-boyfriend, hindi pa kumpirmado kung si Albie nga ang sumagot sa formspring.

Samantala, labis namang nasaktan ang ina ni Andi, ang veteran actress na si Jaclyn Jose, sa naging paratang sa kanyang anak.

Kilala raw niya ang kanyang anak at naging maayos daw ang pagpapalaki niya rito.

Sabi pa ni Jaclyn, inalagaan niya ang reputasyon nito kaya hindi siya papayag na sirain ito ng kahit sino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN