Jennylyn Mercado admits breakup with Dennis Trillo was most painful

IMAGE 0


Jennylyn Mercado staged a pre-birthday concert last May 7 at Zirkoh Tomas Morato titled Coming From The Rain. Most of her repertoire were sentimental songs, which she admits speak about her feelings after her breakup with Dennis Trillo.


Naging matagumpay ang birthday concert ni Jennylyn Mercado na Coming From The Rain noong Sabado, May 7, sa Zirkoh Tomas Morato.

Pagkatapos ng concert ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Jennylyn sa kanyang dressing room.

Masaya si Jennylyn dahil sa tagumpay ng kanyang birthday concert.

"Nakakatuwa po, napakasaya ko dahil marami pa ring sumusuporta sa kabila ng mga pinagdaanan ko, lahat-lahat ng mga nangyari.

"Nandyan pa rin sila at hindi nila ko iniiwan, so nakakatuwa," sabi ng actress-singer.

Sa May 15 ang actual 24th birthday ni Jennylyn.

Kapansin-pansin na karamihan ng repertoire ni Jennylyn ay senti songs, gaya ng “Tell Me,” “Till My Heartaches End,” “I Remember the Boy,” “Even If,” at “Let The Pain Remain.”

Ito ba ay dahil sa naging breakup nila ng dati niyang boyfriend na si Dennis Trillo?

"Well, kasi para lang maka-relate lang din yung mga tao.

"Hindi naman maganda yung kakanta ka ng mga masasayang kanta na wala namang koneksiyon sa buhay mo.

"Parang ang ganda lang na related sa nangyayari sa buhay mo ngayon ang iyong aawitin.

"Saka ang sarap lang makinig ng songs, lalo na kung galing sa puso yung kanta," paliwanag niya.

Sa isang bahagi ng concert ay sinabi ni Jennylyn na pinili muna niyang maging single. Kaya ang tanong sa kanya ngayon ay kung hanggang kailan siya magiging single.

"Walang oras, walang panahon," sagot niya.

"Darating na lang 'yan in God's Time. Saka kung kailan ako handa.

"Ayaw kong maghanap."

Naniniwala ba siya sa reconciliation, at balang-araw ay magkakabati rin sila ni Dennis?

"Oo naman," mabilis na tugon ni Jennylyn.

"Nakita n'yo naman yung reconciliation namin ni Patrick [Garcia]. Naging maganda naman yung kinalabasan.

"Yun lang yung sa akin—huwag kailangang pilitin.

"Kailangang hintayin natin kung kailan ready ang mga puso at pagkatao. Darating din yun"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano siya nagmu-move on kapag natatapos ang isang relasyon?

"Sa tulong ng mga kaibigan ko, ng mommy ko, ng baby ko," sabi ni Jennylyn.

"Siyempre, sila yung inspirasyon ko. Sila yung tumutulong sa akin.

"Naka-backup talaga sila sa akin na nagsasabing, 'Kaya mo 'yan! Andito lang kami at di ka namin iiwan.'"

Masasabi ba ni Jennylyn na ang breakup nila ni Dennis ang pinakamasakit sa lahat?

"A, yes," pag-amin niya.

Pero nang tanungin kung bakit ay tumanggi na siyang magsalita.

LUIS MANZANO. Samantala, nagtaka naman si Jennylyn nang tanungin tungkol sa balitang nakita raw silang magkasama ni Luis Manzano sa isang grocery.

"Ngek! Hindi ko alam 'yan!

"Sino pa gusto n'yo i-link sa akin? Ako na!

"Sige, lahat na!" natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN