Gerald Anderson on his lovelife: "Huwag nating hanapin o madaliin."

IMAGE 0


"Para sa akin, gusto ko na lang muna mag-focus sa trabaho. Siyempre, kung may lovelife, kung darating man 'yon, darating 'yon at the right time," says Gerald Anderson about his decision to stay single for now.


Nakiusap si Gerald Anderson sa entertainment press na kung maaari ay huwag na siyang tanungin tungkol sa anumang namamagitan sa kanila ngayon ng kanyang dating onscreen partner na si Kim Chiu.

Matatandaan na muling napag-usapan ang pagbabalikan umano nila dahil sa paglabas nila noong birthday ni Kim habang nasa Amerika sila para sa annual Star Magic Tour. (CLICK HERE to read related article.)

Para kay Gerald, tama na ang sinabi niya noong una na nanatili pa rin silang magkaibigan ni Kim sa kabila ng mga negatibong nangyari noong nakaraan taon.

"Sinagot ko na 'yon. Kumbaga, friends naman kami ni Kim.

"Masaya kami ngayon. Hindi naman nawala [ang friendship]," sabi ni Gerald press sa "Meet and Greet" event na inihanda ng Chowking para sa kanya at mga fans niya kaninang tanghali, Mayo 9, sa Robinsons Galleria, Ortigas, Pasig City.

Dagdag pa ng binatang Kapamilya actor, "Tama na po 'yan. Kumbaga, huwag na nating balikan.

"Tapos na 'yan. Friends po kami ni Kim, we're good friends."

Sa ngayon, ine-enjoy raw ni Gerald ang pagiging unattached niya sa anumang romantic relationship.

"Para sa akin, gusto ko na lang muna mag-focus sa trabaho.

"Siyempre, kung may lovelife, kung darating man 'yon, darating 'yon at the right time.

"Huwag nating hanapin o madaliin.

"Kapag nandiyan na, siyempre, masaya ako.

"But sa ngayon, focus muna ako sa trabaho," saad niya.

HIS FRIENDSHIP WITH SARAH. Tila seryoso si Gerald sa pagsabing magko-concentrate muna siya sa trabaho. Kahit ang katatapos lamang niyang pakikipagtambalan kay Sarah Geronimo ay ayaw niyang bigyan ng anumang kulay.

Sabi ni Gerald, "Pareho naman kaming pumasok doon to be professional, trabaho lang.

"Sa amin ni Sarah, trabaho lang ang ginawa namin sa movie."

Kuntento na rin daw si Gerald sa pagkakaibigang nasimulan nilang dalawa habang ginagawa ang pelikula.

"Kung may part two, sana meron, para mas maging bonded ang friendship namin," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, nakilala ko siya doon sa movie. 'Yon ang first time naming magkasama ever.

"So, 'yong friendship na ibinigay niya, okay na 'yon. Sana magtuluy-tuloy."

PREPARING FOR A NEW TELESERYE. Bagamat hindi makulay ang lovelife ng 22-year-old actor sa ngayon, nagpapasalamat naman siya dahil abala siya sa kanyang trabaho.

"Sobrang happy sa lahat ng blessings na binibigay sa akin ni God, sa lahat ng success—the movie [Catch Me, I'm In Love] and Star Magic Tour," sabi ni Gerald.

Naghahanda na rin si Gerald sa susunod pa niyang TV project, isang teleserye para sa primetime slot ng ABS-CBN.

Hindi pa makapagbigay ng eksaktong detalye si Gerald tungkol sa bagong proyektong ito.

Subalit sabi niya, "Exciting siya and kakaiba kaya excited din ako para doon.

"Drama siya for primetime. May konting action din 'yon.

"Tingnan natin kasi inaayos pa namin."

Nabanggit din niya na kakaibang Gerald ang makikita ng publiko rito.

"Dito sa bagong show, actually, sobrang iba, e. Sobrang malaking show siya.

"Iba lahat. Pati 'yong casting, iba," aniya.

Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Gerald kung sino ang makakatambal niya sa proyekto.

Pero kung siya ang tatanungin, marami naman daw magagaling na leading ladies sa kanyang home network.

"Maraming leading ladies ngayon na gusto ko rin makasama.

"Marami tayong leading ladies, like sila Anne [Curtis], Angel Locsin.

"May mga new and upcoming like sina Jessy Mendiola, si Lauren Young...maraming leading ladies sa ABS-CBN."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN