John "Sweet" Lapus to wear seven gowns by seven fashion designers in Sweet@18

Sweet@18" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25510/john-sweet-lapus-to-wear-seven-gowns-by-seven-fashion-designers-in-sweet18" data-desc="Sweet will have 18 showbiz hunks as his "18 roses."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5c5a8de36.jpg"> Sweet@18" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25510/john-sweet-lapus-to-wear-seven-gowns-by-seven-fashion-designers-in-sweet18" data-desc="Sweet will have 18 showbiz hunks as his "18 roses."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5c5a8de36.jpg"> Sweet@18" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25510/john-sweet-lapus-to-wear-seven-gowns-by-seven-fashion-designers-in-sweet18" data-desc="Sweet will have 18 showbiz hunks as his "18 roses."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5c5a8de36.jpg">

Sweet@18" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25510/john-sweet-lapus-to-wear-seven-gowns-by-seven-fashion-designers-in-sweet18" data-desc="Sweet will have 18 showbiz hunks as his "18 roses."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5c5a8de36.jpg"> Sweet@18" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25510/john-sweet-lapus-to-wear-seven-gowns-by-seven-fashion-designers-in-sweet18" data-desc="Sweet will have 18 showbiz hunks as his "18 roses."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5c5a8de36.jpg"> Sweet@18" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25510/john-sweet-lapus-to-wear-seven-gowns-by-seven-fashion-designers-in-sweet18" data-desc="Sweet will have 18 showbiz hunks as his "18 roses."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5c5a8de36.jpg"> Sweet@18" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25510/john-sweet-lapus-to-wear-seven-gowns-by-seven-fashion-designers-in-sweet18" data-desc="Sweet will have 18 showbiz hunks as his "18 roses."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5c5a8de36.jpg">

IMAGE 0


John "Sweet" Lapus is set to stage his showbiz anniversary show titled Sweet@18 on Saturday, May 14, at the Music Museum. "Buwis-buhay kung buwis-buhay talaga ang mapapanood nila kaya hindi nila dapat ma-miss. Kung anu't anuman, naka-insure naman ako para walang sisihan!" says Sweet about his "death-defying" production numbers.


Sobra-sobra ang pagiging abala ngayon ni John "Sweet" Lapus.

Kung busy siya sa shooting ng remake ng Temptation Island ng Regal Entertainment at GMA Films, at sa dalawa niyang shows sa GMA-7 na Showbiz Central at Show Me Da Manny—nagagawa pa rin niyang isingit ang kanyang madugong rehearsals para sa upcoming anniversary concert niya na Sweet@18.

Gaganapin ang Sweet@ 18 sa Music Museum on Saturday, May 14.

Bukod sa kanyang mga "buwis-buhay" na production numbers, magkakaroon din siya ng duet kasama ang kanyang special guest na si Julie Ann San Jose.

Haharanahin din siya ni Dennis Trillo at magkakaroon sila ng showdown ng kanyang kaibigang si Vice Ganda.

"Sobrang pag-aabala talaga ito," sambit ni Sweet sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Ganito pala ang magde-debut. Nakakaloka!

"Pero masaya ako kasi nga pinaghandaanan namin nang sobrang bongga ang 18th year ko sa showbiz.

"Tiyak na sulit ang ibabayad nila dahil sobra silang mae-entertain."

BUWIS-BUHAY PRODUCTION NUMBERS. Dahil dibdiban ang rehearsals ni Sweet para sa kanyang anniversary concert, muntik na siyang himatayin dahil sa matitinding dance choreography na kanyang gagawin.

"Naku, dala kasi 'yan ng sobrang init ng panahon. First rehearsal ko pa naman yun para sa dance number ko.

"Talagang nahirapan ako sa choreography ni Randi Meneses na dating taga-Adrenalin Dancers.

"O, di ba? Papatayin ko ang sarili ko para lang makagalaw ako na parang Adrenalin Dancer?

"Sa sobrang init nga noong araw na 'yon, tapos stressed pa ako because nagsu-shooting ako, may taping pa.

"Tapos heto, nag-rehearsal pa, kaya napagod ang buong sistema ng katawan ko.

"Pero noong makapag-adjust na ako, okey na at nakuha ko na ang mga steps.

"Buwis-buhay kung buwis-buhay talaga ang mapapanood nila kaya hindi nila dapat ma-miss.

"Kung anu't anuman, naka-insure naman ako para walang sisihan!" sabay tawa ni Sweet.

18 ROSES. Dahil nga 18th year na ito ni Sweet sa showbiz, may 18 female stars ang magbibigay ng mensahe sa kanya sa isang video presentation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At abangan daw kung sino ang magiging 18 roses ni Sweet sa gabi ng kanyang anniversary concert.

"Nakunan na namin ang 18 roses sa napakagandang Grand Villa Resort sa Los Baños, Laguna.

"Magulat na lang sila kung sino ang mga magbibigay ng roses sa akin.

"Tulad nga ng sinabi ko, debut kung debut ito kaya may cotillion ako.

"Basta ang mga 18 roses ko ay mga guwapo, macho, at pinagpapantasyahan ngayon ng mga babae at mga confused pang mga lalake sa kanilang seksuwalidad.

"Halos lahat sila ay nakatrabaho ko sa TV at pelikula."

SEVEN GOWNS. Pitong gowns ang isusuot ni Sweet sa kanyang anniversary concert.

Nagpapasalamat nga siya at pinagbigyan siya ng designers na suportahan siya sa kanyang 18th year sa showbiz.

"Bongga ang mga gowns na isusuot ko, sa totoo lang.

"Hitsura ni Anne Hathaway sa Oscar Awards na pito rin ang isinuot na gown!" tawa pa ni Sweet.

Pero aniya, "Sobra ang pasasalamat ko sa mga designers na ito na nagbigay ng oras at panahon nila para pagkaabalahan ako."

Ang fashion designers na gumawa ng gowns ni Sweet para sa concert ay sina Frederick Peralta (na gagawa ng pang-opening number ni Sweet na inspired sa "Material Girl" music video ni Madonna); Pepsi Herrera (na isang black gown ang ginawa para sa showdown nila ni Vice Ganda); JC Buendia (na isang mala-Imelda Marcos gown ang ginawa para sa isang spoof segment ni Sweet); Maxi Cinco (ang gumawa ng violet serpentina gown para sa 18 roses ni Sweet).

Nandiyan din si Tata Galias (na gagawin ang isusuot ni Sweet sa duet nito with Julie Ann San Jose); Veejay Floresca (na gagawin ang gown na pang-Kris Anino spoof); at Bing Cristobal (na isang mala-Lady Gaga outfit ang ginawa).

KRIS ANINO. Ibabalik din ni Sweet ang character niyang si "Kris Anino" na spoof niya sa kaibigan niyang si Kris Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami ang naghahanap sa pag-spoof ko kay Kris," sabi niya.

"Wala namang problema kay Kris dahil gustung-gusto niya na ginagaya ko siya.

"This time, ipapakita ni Kris Anino kung paano niya gamitin araw-araw ang mga ini-endorse niyang mga produkto, at ano kaya ang mangyayari kung bigla siyang tumakbo bilang presidente ng bansa.

"Abangan din nila ang bago kong character na si Hermana Mayor. Pinaghalong Imelda Marcos at Madam Auring si Hermana na isang bokal sa barangay.

"Hindi n'yo siya kakayanin!"

Mula sa direksyon ni Philip Lazaro ang Sweet@18.

Hatid ito ng GMA-7, Calayan Surgicenter, Junnes, Grand Villa Resort, APT Entertainment, Bench, Hairwatch Salon, Kulay Express Printing, Cleo's Flowershop, RFM, Noel Abelardo Photography, Zayra Carreon Editing House, at Showbiz Central.

Media partners naman ang RX 93.1, Magic 89.9, Asian Star Express Balita, at PEP.ph.

Mabibili ang tickets for Sweet@18 sa TicketWorld (891-9999).

Sweet@18" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25510/john-sweet-lapus-to-wear-seven-gowns-by-seven-fashion-designers-in-sweet18" data-desc="Sweet will have 18 showbiz hunks as his "18 roses."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5c5a8de36.jpg"> Sweet@18" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25510/john-sweet-lapus-to-wear-seven-gowns-by-seven-fashion-designers-in-sweet18" data-desc="Sweet will have 18 showbiz hunks as his "18 roses."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5c5a8de36.jpg"> Sweet@18" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25510/john-sweet-lapus-to-wear-seven-gowns-by-seven-fashion-designers-in-sweet18" data-desc="Sweet will have 18 showbiz hunks as his "18 roses."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5c5a8de36.jpg">


Sweet@18" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25510/john-sweet-lapus-to-wear-seven-gowns-by-seven-fashion-designers-in-sweet18" data-desc="Sweet will have 18 showbiz hunks as his "18 roses."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5c5a8de36.jpg"> Sweet@18" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25510/john-sweet-lapus-to-wear-seven-gowns-by-seven-fashion-designers-in-sweet18" data-desc="Sweet will have 18 showbiz hunks as his "18 roses."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5c5a8de36.jpg"> Sweet@18" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25510/john-sweet-lapus-to-wear-seven-gowns-by-seven-fashion-designers-in-sweet18" data-desc="Sweet will have 18 showbiz hunks as his "18 roses."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5c5a8de36.jpg"> Sweet@18" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/25510/john-sweet-lapus-to-wear-seven-gowns-by-seven-fashion-designers-in-sweet18" data-desc="Sweet will have 18 showbiz hunks as his "18 roses."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/5c5a8de36.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN