Ara Mina is back with Viva Entertainment

IMAGE 0


"So, pagbabalik after 16 years I'm back here sa Viva." Ara Mina signed a 5-year contract with Viva Entertainment on her birthday, May 9 at Viva Entertainment office.


Matapos ang ilang taon niya sa management ni Dondon Monteverde, muling nagbabalik si Ara Mina sa Viva Entertainment.

Sa mismong kaarawan ni Ara Mina, May 9, ay pumirma ulit siya ng kontrata under ng Viva. Matatandaang unang pinamahalaan ng Viva si Ara bago ito lumipat kay Dondon Monteverde.

Ayon kay Ara, wala naman daw kaso ang pagbabalik niya sa Viva dahil wala na siyang kontrata sa kanyang dating manager.

"Nagka-contract ako before, kasi 10 years na din kaming walang contract, more of verbal na lang. Kasi nga sobrang tagal namin, parang pamilya na, hindi na yung [may] kontrata.

"So pagbabalik after 16 years I'm back here sa Viva."

Career move. Sa ilalim ng management ni Dondon, nagkamit si Ara ng ilang Best Actress awards, tulad na lamang sa kanyang pelikula na Huling Birhen sa Lupa.

Naging mahirap para kay Ara ang desisyon na bumalik sa Viva sapagkat 16 years na siyang hawak ng kanyang dating manager. Dagdag pa rito ang matagal na nilang hindi paguusap.

"Mahirap. Hindi pa kami nagusap ng personal, but I texted him."

Ang kapatid ni Ara na si Cristine Reyes ay under din ng Viva. Kaya naman sa bawat pagsama niya sa kapatid niya, di maiwasan tanungin siya kung kailan siya muling babalik dito.

"Kasi lagi ko sila nakikita pag nag-meeting kami, pag sinasamahan ko si Cristine.

"Parang, 'hello, oh kelan ka gagawa uli sa amin?' So parang nag-isip-isip ako, parang na-miss ko sila, di ba kung baga dito ako nag-start," kuwento ng aktres.

Kinuwento rin ni Boss Vic na matagal din bago niya napapayag si Ara na bumalik sa Viva kung saan siya nagsimula.

"Parang alangan siya, e," banggit ni Boss Vic.

"She's been with Dondon Monteverde for 14 or 15 years. Napaka-loyal niyang tao so talagang nahirapan siya."

Pero matapos ang mahabang usapan ay napapayag na din niya si Ara na pumirma ng 5-year contract under ng Viva Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Finally sabi niya, siguro puwede na ngayon dahil madami nang inaasikaso si Dondon [Monteverde], so sabi ko, game!"

"Binigyan ko siya ng offer na hindi siya makaka-hindi!" Biro pa ni Boss Vic.

Matatandaang ang huling pelikula ni Ara ay ang Anak ng Kumander, kung saan nakatambal niya si Manny Pacquiao. Ang huli niyang TV appearance ay sa Ilumina noong nakaraang taon sa GMA.

Bagamat walang kontrata sa anumang TV network noon, hindi naman daw ito nakaapekto sa career niya.

"Kasi I think hindi naman kailangan na magpatali ako sa isang network.

"Hindi na rin naman ako baguhan so parang katulad ko na lang yung iba na parang they can do sa GMA, they can do soap sa ABS," paliwanag ni Ara.

Ang desisyon niyang bumalik sa Viva ay dahil na-miss niya ang pag-arte.

"Na-miss ko yung pag-arte nang todo, like kasi nasanay tayo na laging nagwo-work, kasi workaholic ako, sanay ako trabaho nang trabaho."

Dagdag pa niya, "Kasi I'm not getting any younger, so parang may mga gusto pa kong gawin, gawing projects or gawin na role na hindi ko pa nagagawa before."

More new roles. Bago pumirma ng kontrata si Ara under ng Viva ay nasimulan na niya ang kanyang supporting role sa TV5 show na Ang Utol Kong Hoodlum.

At ngayon na nakapirma na siya ng kontrata sa Viva, inaasahan niya na mas maraming trabaho pa ang kanyang magagawa under new management.

"Ine-expect ko more work kasi nakita ko din naman sila paano sila mag-handle ng talents. I have a lot of friends na artist nila and nakita ko paano nila i-handle si Cristine."

Kilala man bilang isa sa mga sikat na sexy star, gusto daw muna ni Ara na sumubok ng iba pang mga roles na hindi pa niya nagawa noon.

"Challenging role. Ayaw ko yung, 'ay nagawa ko na yan, just for the sake of money'. Parang ang panget naman na one of those lang, basta may masabing pelikula ka lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung kailangan naman daw sa isang eksena na magpa-sexy siya, gagawin naman niya. Ang kahilingan ni Ara: "Kailangan challenging yung role, kailangan may acting."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN