Richard Gutierrez will take a much-needed breather in America before starting season 2 of Survivor Philippines: Celebrity Showdown

IMAGE 0


Richard Gutierrez will leave on Monday, July 25, for Los Angeles, California, for a much-needed vacation and bonding with friends and family — he is traveling with parents Eddie Gutierrez and Annabelle Rama.


Nabago ang schedule ng alis ni Richard Gutierrez for Los Angeles, California. Sa halip na ngayong gabi evening, July 24, ang kanyang flight, sa Monday morning na, July 25, ang alis niya with his parents, Eddie Gutierrez and Annabelle Rama.

Two-week-vacation at bonding sa kanyang family at friends sa America ang gagawin ng bida ng Captain Barbell.

Medyo pumayat nga si Richard nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment writers sa last taping day ng Captain Barbell, noong July 22, sa may Esplanade sa SM Mall of Asia.

Mahirap ba ang mga eksenang ginawa niya bago natapos ang taping?

"Yes, at lalong mahirap iyong mga eksenang masyadong mainit ang location namin at maraming tao. Mainit kasi ang costume ko," sagot ni Richard.

"Isa na rito iyong death scene ni Rhian [Ramos] na ang init-init ng araw at nasa gitna kami ng Rizal Park. Ganoon din iyong mga fight scenes at emotional scenes na nasa initan kami.

"But lahat ng hirap ay worth it naman kaya nagpapasalamat kami dahil sinubaybayan ang action series namin ng mga manonood gabi-gabi."

May mami-miss ba siya ngayong tapos na ang taping ng Captain Barbell?

"Marami akong mami-miss, ang nabuong friendship at bonding namin sa set, dahil lagi kaming magkakasama sa holding area tuwing may taping.

"It's an honor na nakatrabaho ko si Tito Boyet [Christopher de Leon], first time sa TV sina Lovi [Poe], Solenn [Heussaff], Akihiro [Sato], at iba pang members ng cast, sina TJ [Trinidad], Isabel [Oli], Michelle [Madrigal], Bea [Binene], Jhake [Vargas], Ellen [Adarna] at si Frencheska [Farr].

"At si Jillian [Ward] na napaka-bibo at naging parang little sister ko na.

"But, wala na rin ang tensiyon, lalo na kapag may mga eksena kaming kukunan na dapat ipalabas na kinagabihan!" natatawang wika ni Richard.

"Hindi kasi maiwasang maghabol ng eksena lalo na kung may mga request ang mga viewers na eksenang gusto nilang mapanood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang maganda, very cooperative naman ang lahat kahit na ang aga-aga ng call time tapos kinabukasan na matatapos. That's part ng aming work.

"Like ngayon, ang kukunan, iyong last fight scene namin ni Tito Boyet at ilang scenes sa chroma. Tiyak na tomorrow morning na kami matatapos."

ONE WEEK. Pero alam ba ni Richard na baka one week lamang siya puwedeng magbakasyon?

"Talaga? Wala pang sinasabi sa akin pero I don't mind, kasi nga may mga gagawin pa akong documentary na parang Planet Philippines, at hindi pa rin tapos ang episodes ko ng Anatomy of a Disaster."

Binati naman ng writer na ito si Richard sa katatapos na Telly Awards sa New York kung saan ang kanyang Planet Philippines ang nanalo ng Silver award kasama ng iba pang documentaries ng GMA Network na nakatanggap naman ng Bronze awards.

"Next year, isasali naman namin ang documentary namin na 'Wild Life For Sale,'" banggit niya.

"Kailangan ko kasing matapos lahat iyon bago ako umalis sa last week of August for Survivor Philippines: Celebrity Showdown 2.

SURVIVOR. May mga blind items nang nasusulat kung sino ang sasaling celebrity castaways. Nag-tweet noon ang Ate Ruffa niya asking kung kaya niya mag-join ng SP? Ang sabi daw ni Solenn, "Kaya ba ni Ruffa kumain ng grilled bat, boiled worms and crispy ipis?"

"Hindi makakasali iyon," natatawang wika ni Richard. "Mawawala ang mga sapatos niya at hindi na iyon maibabalik sa kanya.

"Saka bawal mag-join ang member ng family at yung nasa production.

"Pero may mga twists na mangyayari this time. May mga kinausap din akong mga celebrities like mga athletes, singers, artists, na interested mag-join.

"Dadaan pa rin sila sa audition and tests, kung kakayanin nila ang mag-stay sa isang island na hindi ko pa alam kung saan talaga, although may idea na ako, kaya lamang hindi pwedeng sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May bago rin kaming director, para maiba naman ang pagdidirek. Hindi ko pa rin pwedeng sabihin kung sino."

Hindi ba siya nahihirapang mag-host ng SP?

"Actually, sobrang excited nga akong mag-Survivor ulit. Kasi this time, alam ko na ang role na gagampanan ko.

"Gusto ko kasi ang adventure at iyong hindi ko matatapos na training dito, dahil kulang na ako sa time, doon ko na itutuloy.

"We promise na mas maganda ang second season ng celebrity showdown.

"Pinag-aaralan pa rin namin kung maggi-guest kami ng mga dating celebrity castaways dahil gusto raw nilang makita muli ang mga challenges."

RUFFA GUTIERREZ. Since, nasa news ngayon ang kanyang Ate Ruffa at ang dating husband nitong si Yilmaz Bektas, hiningi namin ang opinion ni Richard tungkol sa controversy.

"I don't really know the details, but we will support Ate kung anuman ang magiging desisyon niya.

"Alam namin na hindi naman makagagawa ng anuman si Yilmaz as long as narito sa Pilipinas ang mga pamangkin ko, sina Lorin at Venice."

MOVIE WITH ANGEL. Ayaw namang magsalita ni Richard sa napabalitang gagawa raw sila ng movie ni Angel Locsin at silang dalawa ang magpu-produce.

Wala pa raw silang napag-uusapan at kahit iyong horror movie na sabi'y pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos ay hindi pa rin niya alam kung kailan magagawa dahil matagal nga siyang mawawala.

"Siguro pagbalik ko na lamang from Survivor Celebrity Showdown 2, saka ko na haharapin ang bagong projects. Si Mommy naman, as my manager, ang makikipag-usap sa kanila."

Natawa si Richard nang may nagtanong tungkol sa lumabas sa Internet: Totoo bang P40 million (ewan kung monthly o yearly) ang kinikita niya sa GMA Network?

"Yari tayo niyan sa BIR! Ewan ko, si Mommy ang tanungin ninyo."

Nang tanungin namin si Annabelle, na dumating bago sila lumipat sa susunod na location, kung ganoon nga ang kinikita ni Richard, sagot niya: "Ang liit naman. No, hindi totoo, sino naman ang nagsabi noon?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN