Julia Montes admits going out with Enchong Dee, but always in a group

IMAGE 0


"Kami ni Enchong, friends lang kami. Lumalabas kami pero grupo kami sa Shoutout, kasi nagka-work kami sa Shoutout before... Never kaming umalis na kami lang, minimum na yung lima kami or anim. Grupo kami at walang special treatment kahit na kanino," says Julia Montes about Enchong Dee.


Pagkatapos ma-link kina Coco Martin at Sam Milby, bulung-bulungan naman ngayon ang balitang ang teen actress na si Julia Montes daw ang showbiz girl na binabanggit ni Enchong Dee na kanyang nililigawan.

Balitang madalas raw lumabas sina Julia at Enchong kasama ang ilan sa mga dating kasamahan sa defunct ABS-CBN youth-oriented show na Shoutout.

Kapansin-pansin din daw ang kakaibang closeness at sweetness na nakikita sa dalawa.

Ayaw mang kumpirmahin ng young actor na si Julia nga ang tinutukoy nito na nililigawan niya, very obvious naman daw ito sa kinikilos ni Enchong.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Julia last week, diresto naming tinanong ang young actress kung totoo bang nanliligaw sa kanya si Enchong.

"Napapanood ko sa mga interview niya na mayroon nga raw siyang nililigawan, pero wala naman akong right na sumagot dahil hindi ko kilala," sabi ng 16-year-old actress.

Hindi naman itinanggi ni Julia na totoong lumalabas sila ni Enchong, pero grupo naman daw sila.

May special treatment ba na ibinibigay sa kanya ang young actor?

"Kami ni Enchong, friends lang kami," diin ni Julia.

"Lumalabas kami pero grupo kami sa Shoutout, kasi nagka-work kami sa Shoutout before. Iba kasi talaga ang grupo namin dun, iba yung lalim ng friendship.

"Never kaming umalis na kami lang, minimum na yung lima kami or anim. Grupo kami at walang special treatment kahit na kanino.

"Kung text naman, nagkaka-text-an kami, pero hindi na text na talagang text.

"Siguro nagkakatanungan lang kami sa grupo, 'Nasaan na kayo? Nandito na kami.'"

Ayon kay Julia, wala pa sa isip niya ngayon ang magka-boyfriend.

Pero hindi raw siya nagsasara ng pinto, lalo't marami naman siyang nakikitang magagandang ugali kay Enchong.

"Magaling siyang aktor, guwapo si Enchong, mabait siya," paglalarawan niya sa young actor.

"Pag isa nagkaproblema sa amin, nagbibigay siya ng advice as a kuya. Para kaming magkakapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahirap sumagot ng oo at hindi, hindi ko talaga masasagot 'yan. Pero tingnan natin.

"As of now kasi, work talaga ang focus ko."

DREAM LEADING MEN. Tinanong din ng PEP si Julia kung open ba siyang makipagtambal sa mga na-link sa kanya, gaya nina Sam Milby, Coco Martin, at Enchong Dee. At kung bibigyan siya ng pagkakataon, sino ang gusto niyang makapareha na ka-age bracket niya?

"Parang dream na sa akin 'yan," sambit ni Julia.

"Masyadong malalaking artista na sila para hilingin ko sila na maging leading men ko.

"Sa akin naman, kung sino ang ibibigay nila sa akin, okey lang basta nakikita nila na magwo-work.

"Basta may nakikita sila na something na puwedeng itawid.

"As of now, marami talagang magagaling na actors, so hindi ko talaga masabi kung sino ang gusto ko.

"Sa age bracket namin, kaunti lang kaming magkaka-age bracket.

"Pero dun sa malapit sa age ko, puwedeng si Sam Concepcion kasi wala na nga si AJ. "

AJ PEREZ. Dapat sana ay ang yumaong young actor na si AJ Perez ang magiging katambal ni Julia sa launching movie nila ni Kathryn Bernardo sa Star Cinema.

Pero hindi na nga ito natuloy dahil sa nangyaring aksidente sa young actor na naging dahilan ng maagang pagkamatay nito.

Aminado si Julia na pinanghinayanagan niya ang hindi pagkakatuloy ng pagtatambal nila ni AJ.

"Malungkot, kasi aminin natin, magaling naman talaga na aktor si AJ. Nakita natin 'yan sa MMK [Maalaala Mo Kaya] episode niya.

"Nakakahinayang dahil hindi ko na siya makaka-loveteam.

"Pero siyempre, iba na itong project na gagawin namin sa Star Cinema. Iba na ang lahat, iba na ang director.

"Dumating talaga sa point na excited na kaming mag-shoot, kaso nga lang nangyari yung aksidente kay AJ.

"May plano sana kaming apat na mag-bonding kaya lang di nga natuloy dahil sa nangyari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kina Julia, Kathryn, at AJ, makakasama rin sana nila sa pelikula ang co-star ng dalawang young actresses sa Mara Clara na si Albie CasiƱo.

MARA CLARA. Speaking of Mara Clara, sinabi ni Julia na dapat na mas abangan ng mga manonood ang kanilang programa dahil mas marami pa raw magagandang kaganapan ang mangyayari rito.

"Marami pa silang dapat abangan, maraming eksena na hindi nila inaasahan ang mangyayari.

"So, sana patuloy pa rin nilang nilang tutukan ang Mara Clara."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN