Raymond Bagatsing to start restaurant business with Mexican-American girlfriend

IMAGE 0


"Gustung-gusto niya rito. Parang it reminds her of Mexico," says Raymond Bagatsing about his girlfriend, Mexican-American singer-songwriter Vanessa Ilka Rodriguez.


Isang magandang role ang ibinigay ng GMA-7 sa nagbabalik-showbiz na si Raymond Bagatsing.

Gaganap siyang Datu Bugna, ang ama ng character ni Marian Rivera sa epic-serye na Amaya na nakatakdang mag-pilot episode sa May 30.

Naka-costume na nga ito nang makausap ng PEP.ph (Philippine Enertainment Portal) at iba pang entertainment press nang magkaroon ng press visit sa set ng Amaya sa may Pagsanjan, Laguna, kahapon, May 11.

Ikinuwento ni Raymond ang character na ginagampanan sa sinasabing pinaka-ginastusang serye ng GMA-7 sa ngayon.

"Si Datu Bugna, kumbaga... Si Raha Mangubat [Gardo Versoza] ang presidente noong panahon na yun. Si Raha Mangubat, siya si 'mystical' Raha Mangubat.

"Mystical kasi siya, at siya ang namumuno, kumbaga, ng buong Pilipinas. Ako, datu...it's like a mayor in one town. Hari ng maliit na bayan."

Ang tawag naman daw noong Pre-Hispanic time sa isang town ay banwa.

Dagdag na kuwento pa ni Raymond, "Anak ko ang maliit na Amaya. So, ganito ang costume ko noon, at noong tumanda naman ako, nilagyan na ako ng puting buhok.

"Ang nanay naman ni Amaya, si Lani Mercado.

"Kasi, hindi ko ganoon kamahal si Gina Alajar. Naging datu ako dahil sa ama ni Gina.

"Malapit ako sa father niya kaya parang fixed nga noong mga panahon na yun [ang kasalan].

"Pero ang mahal ko si Lani, na isang alipin."

Aware si Raymond na mataas nga raw ang expectations sa kanilang epic-serye.

"Mataas, mataas. Pero sa tingin ko, mag-e-enjoy sila rito kasi, aside sa historical, panahon ito na wala pa ang mga Kastila.

"It's good to remember who we we're before the Spanish came.

"Imagine, ang pangalang Philippines, pinangalan lang tayo kay King Phillip [of Spain], e.

"Ang pangalan ng bansa natin noon, Maharlika, which means small but great. Ang ganda ng meaning.

"So, it's just good, historical, at the same time, makikita na para tayong American-Indian noong araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matatalino tayo in nature, mystical. It's good to understand them."

Tinanong naman ng PEP kung ano ang masasabi niya kay Marian Rivera.

"She's very charming, very pretty," sagot ni Raymond.

SHOCKED AT AJ PEREZ'S DEATH. Nanirahan ng ilang taon sa U.S. si Raymond at napabalita pa nga ang pagpapakasal niya sa isang Pinay journalist na halos doble ng edad niya.

Bago ang Amaya, ang ABS-CBN afternoon series na Sabel ang talagang naging comeback project niya.

Naikuwento ni Raymond ang shock na naramdaman niya sa biglaang pagpanaw sa isang aksidente ng Sabel co-star niyang si AJ Perez.

Aniya, "Shocked talaga ako noon. Grabe nga... Very sad.

"Nagpunta kami ng funeral... Ang sakit, e. Iyakan lahat ng tao.

"Close na close ako sa father niya, close din ako sa kanya. Tinuturuan ko ng workshop yun during our Sabel taping.

"So, may mga na-reveal din sa akin na masasakit na karanasan, dahil nga nagwo-workshop. About his father.

"Mahal na mahal niya ang tatay niya. Kasama sa workshop yun. To make them cry dahil minsan, nahihirapan silang umiyak.

"So, na-shock nga ako na nangyari sa kanya yun."

AJ'S LIVE FACEBOOK & TWITTER ACCOUNTS. Dahil sabi nga ni Raymond ay close siya sa ama ni AJ, hiningan na rin ng PEP ng reaksyon ang aktor—hinggil sa patuloy na pagme-maintain ng Facebook at Twitter account ng namayapang batang aktor.

May mga nagsasabi kasing dapat daw ay isara na lang ang mga nabanggit na social network accounts ni AJ.

"Well, kasi sabi niya [ama ni AJ], ayaw niyang kalimutan ng tao si AJ.

"Ang sa akin naman, noong nasa funeral kami, ang request niyang talaga, 'Huwag nyo sanang kakalimutan si AJ.'

"Kasi, napakabait niyang bata, napakabait na bata, magalang, masunurin. Yun lang ang request niya.

"Habang umiiyak siya, nagsasalita siya, 'Huwag niyo lang kakalimutan si AJ.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa akin, wala namang masama dun.

"Kung makakatulong sa kanya para dalhin niya ang sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ni AJ.

"Eventually, mawawala rin yun. Pakakawalan niya rin yun."

HOLLYWOOD CAREER. Kinumusta rin ng PEP ang plano niya noong maka-penetrate sa Hollywood.

"Well, pabalik-balik, dahil nandito na 'ko.

"Dati kasi umabot ako nang matagal because of my green card.

"Ngayon, kapag may mga audition time doon, which is like mga ilang months, aalis ako for three months and then mag-o-audition ako.

"After that, balik ulit dito."

May dalawang manager na raw siya sa Hollywood, sina Andi Rooney at Everet Woods.

MEXICAN-AMERICAN GIRLFRIEND. Noong bumalik sa Pilipinas si Raymond last year, sumunod sa kanya rito ang ipinakilala rin niyang girlfriend, ang Mexican-American na si Vanessa Ilka Rodriguez.

Isang singer/composer si Vanessa.

Nandito pa rin daw ito sa Pilipinas ang girlfriend niya, at inamin ni Raymond na nagli-live in sila.

"Nagtayo kami ng mga negosyo. We have a yoga studio sa bahay namin.

"May mga instructors kami, pero ako, instructor din ako.

"'Tapos, meron din kaming itatayong authentic Mexican restaurant dahil magaling siyang magluto."

Nagustuhan daw ng girlfriend niya ang Pilipinas.

"Gustung-gusto niya rito. Parang it reminds her of Mexico.

"With her career naman, ganoon din. We're putting up some things here.

"Actually ngayon, nagre-recording siya ng mga original niyang ginawang album. 'Tapos, iiikot namin sa U.S.

"Kasi, when she's in the U.S., she was from North Carolina. Nagkita kami sa Los Angeles. One year pa lang siya roon.

"Sa awa ng Diyos, she was able to sell one song to a Grammy-award winning group.

"Yung Ozomatli. They are the ambassador of [U.S. President Barack] Obama for music.

"So, nakapasok na siya ro'n. Kumbaga, nandoon na siya. Malaki ang chance niya eventually."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN