Iwa Moto and non-showbiz boyfriend Mickey Ablan make a scene on GMA-7 premises

IMAGE 0


Young actress Iwa Moto and non-showbiz boyfriend Mickey Ablan were involved in a real-life drama on the premises of the GMA Network Center. Iwa tried to retrieve her personal phone, which Mickey grabbed from her.


Parang eksena sa isang soap opera ang gulong nangyari kay Iwa Moto at ang non-showbiz boyfriend niyang si Mickey Ablan kahapon ng tanghali, May 12, sa premises ng GMA Network.

Nasa Studio 6 ng GMA-7 si Iwa para sa taping ng bagong sitcom na kinabibilangan niya, ang Andres de Saya.

Ayon sa kuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng ilang staff ng naturang sitcom, bago mag-lunch ay dumating daw si Mickey.

Tila masaya naman daw silang nag-uusap ni Iwa.

Nagulat na lang sila nang marinig nilang nagsisisigaw si Iwa at biglang hinablot daw ni Mickey ang cell phone ng Kapuso star.

Meron daw kasing lalaking pinagseselosan ni Mickey kaya gusto raw nitong makita ang telepono ni Iwa.

Naghabulan ang dalawa hanggang sa labas, pero mabilis na nakaalis si Mickey.

Marami ang nakasaksi na nagtatakbo si Iwa sa may GMA Network Drive na may hawak na bakal at nadapa pa ito.

Hinahanap daw nito si Mickey, pero hindi niya nakita.

Sumunod daw ay napagdiskitahan nito ang kotse ng boyfriend at binasag ang salamin sa likuran.

Nagkasugat-sugat ang kamay ni Iwa at duguan din ang kaliwang tuhod nito.

Nadaanan ng GMA News reporter na si Nelson Canlas si Iwa, na siyang nagdala sa aktres sa bahay ni Iwa na malapit lang sa GMA-7.

Para raw mapakalma ang aktres dahil nagwawala na raw ito sa kalye.

Nandun sa bahay ni Iwa ang housemate nitong si Justine Ferrer, ang dating Survivor castaway at ngayo'y showbiz reporter, at tumulong din itong mapahinahon ang StarStruck alumna.

Si Nelson na ang nag-drive sa kotse ni Iwa para ihatid ito sa Delgado Memorial Hospital sa Kamuning, Quezon City, nang maipagamot ang mga natamong sugat nito.

Pinuntahan ng PEP si Iwa sa ospital at naabutan na namin itong katatapos lang magamot ang mga sugat.

Tumanggi siyang magpa-interview.

Pero nagsumbong siya sa amin na matagal na raw niyang hiniwalayan si Mickey, pero nagpipilit daw itong magkabalikan sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"December pa lang, break na kami. Walang balikan.

"Ang sinabi ko lang, okay na kami, nagkaayos na kami dahil na lang kay Ysa 'yun," ani Iwa.

Ang Ysa na tinutukoy ni Iwa ay si Ysabel na anak ni Mickey, na napalapit na raw nang husto sa kanya.

Patuloy niya, "Pag nag-aaway kami ng ex ko, naawa ako sa bata kasi nanginginig na lang ito.

"Mahal ko yung bata kaya nakipag-ayos ako sa kanya. Pero hindi kami nagkabalikan," paglilinaw uli nito.

Sumama rin daw siya kay Mickey sa Boracay noong nakaraang Holy Week para pagbigyan lang daw ang pakiusap ni Ysabel na sumama siya.

Ayon kay Iwa, magkahiwalay daw sila ng hotel.

Gusto raw niya sanang maging magkaibigan na lang sila ni Mickey alang-alang na lang sa anak nito.

Ayaw na raw talaga niyang makipagbalikan dahil napuno na raw siya sa mga ginagawa ni Mickey.

Nakiusap si Iwa sa amin na huwag na munang sabihin kung ano ang tunay na dahilan kung bakit siya nakipag-break.

Iniisip pa rin daw kasi niya ang kapakanan ni Mickey, at may isang kilalang aktres pa na involved.

Pagkagaling ni Iwa ng hospital ay pinabalik pa muna siya sa taping ng Andres de Saya at doon na muna siya pinagpahinga.

Balak ipa-blotter ni Iwa si Mickey, at magpa-file daw siya ng TRO para hindi na ito makalapit sa kanya.

Kailangan na raw niya ng proteksiyon dahil bago pa nangyari ang gulong ito, madalas na raw siyang sinusugod ni Mickey sa bahay at ginugulo ito.

Tinitiyak ni Iwa na babalikan pa siya nito.

Narinig din naming tinawagan si Iwa ng mommy ni Mickey at matagal silang nagkausap.

Wala kaming paraan kung paano ma-contact si Mickey, ngunit bukas ang PEP sa anumang oras para sa kanyang panig.

CLICK HERE to view video.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN