A Day in the Life of Angeline Quinto

IMAGE 0


"Tulog lang. Basta makatulog lang po ako ng eight hours po, ok na sa akin 'yon," sambit ni Angeline Quinto tungkol sa kung paano siya nagre-relax.


Nabigyan ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) upang masundan ang buhay ng "Pop Superstar" na si Angeline Quinto kahit sa isang araw lang.

Siya ay nakilala sa ABS-CBN's Star Power: Search for the Next Female Pop Superstar hosted by Megastar Sharon Cuneta, kung saan siya ang kauna-unahang grand winner nito.

Sa isang buong araw noong Linggo, Agosto 21, inalam ng PEP kung ano ang ginagawa at nangyayari sa singer na si Angeline.

Nadatnan ng PEP si Angeline na nageensayo para sa kanyang unang number sa ASAP Rocks—kung saan tinuturuan siya ng kanyang voice coach na si Teacher Amy ng singing group na The Company, ng tamang intonation ng boses para sa unang kanta with Jovit Baldivino na "Alone."

Pagkatapos nitong magensayo ay kumain muna ito at nagkuwento.

Ano ang daily routine ng isang Angeline Quinto?

"Madalas po kasi paggising ko sa umaga, siyempre nagmumumog, hindi muna toothbrush, mumog lang.

"Kasi madalas kong almusal po sinangag at maling at saka itlog, kasi favorite ko 'yon," bulalas ni Angeline.

Dagdag pa niya, "'Tapos ayon, kasi kapag wala naman akong ginagawa minsan, lagi lang ako do'n sa tabi ng nanay ko, kaya lang minsan kasi medyo busy po kaya wala din sa bahay.

"Ano lang text lang, ayon tapos naglalaro lang sa cellphone minsan po, ayon.

"Bago naman matulog siyempre nagdadasal ako, 'tapos medyo kuwentuhan muna ng konti kay mama, ayon po.

"Naguunat [stretching] din, naguunat bago tumayo ng kama."

Pag typical days or weeks, what do you do, pag wala kang shows?

"Kapag walang ginagawa, madalas po talaga nagsisimba ako kasi minsan, minsan kahit Linggo po kasi talagang busy hanggang gabi.

"'Tapos minsan po kasi ang madalas ko pong parang bakanteng araw ay Lunes, pero hindi naman lagi.

"'Tapos kahit Lunes po nagpupunta ako ng Quiapo, alam niyo 'yon, basta makapag-ano lang ng misa, gano'n po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero pag wala naman talagang alis, nasa bahay lang ako, nanonood ng TV 'tapos makikinig ng mga kanta, gano'n."

How do you relax?

"Ako? Tulog lang. Basta makatulog lang po ako ng eight hours po, ok na sa akin 'yon," maikling tugon ng singer.

How about rainy days, what do you do?

"Kasi kapag umuulan kasama ko si Kuya Rein [personal road manager ni Angeline], charing!" sabay tawa ng dalaga at ng kanyang road manager.

"Hindi, madalas kasi kasama ko talaga siya lagi. 'Rain' kasi 'yong pangalan niya, e, no?!" tumawang muli.

"'Tapos ayon, kasi minsan pag-umuulan nalulungkot ako, e, hindi ko alam kung bakit, kasi parang ano, parang ayoko pong lumalabas ng umuulan, kasi, di ba, nababasa 'yong paa ko.

"Ayoko ng gano'n kasi minsan napapansin ko pagbago 'yong sapatos ko laging umuulan, parang may malas yata sa 'kin pagbago 'yong shoes, gano'n, pero ano oks lang, pero mas gusto ko na nasa bahay ako tuwing umuulan."

Ano naman 'yong bagay na hindi puwedeng mawalay sa 'yo pag umaalis ka?

"Si Kuya Rein! Joke!" tumawa na namang muli si Angeline at ang kanyang road manager na natawa din kasi hindi naman daw siya bagay.

"Hindi ahm…siyempre 'yong Louis Vuitton ko na bag, kasi d'yan po nakalagay 'yong rosary ko lagi.

"Kasi para sa 'kin po makalimutan ko na 'yong wallet, kahit ano, basta huwag lang po 'yong rosary ko."

Sino nagbigay no'n sa 'yo?

"Sa akin po 'yon. Pero tatlo kasi 'yong rosary na nandyan, pero 'yong isa po bigay po ng isang kaibigan, galing po ng Rome daw, pero 'yong dalawa talagang sa akin po matagal na."

Meron bang isang koleksyon ang isang Angeline? Ano ang mga ito?

"A, oo naman po. Ang koleksyon ko po, sa ngayon po ang koleksyon ko talaga 'yong pandikit sa ref [refrigerator], 'yong magnet, ayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"A, kasi hindi naman kasi ako mahilig sa mamahalin na bagay talaga. Kaya simula no'ng unang-unang pagsakay ko ng eroplano, no'ng pumunta kami ng Iloilo, 'yon 'yong unang sakay ko ng eroplano—bumili ako ng gano'n para maipakita ko sa nanay ko na, 'O Ma, nakapunta na ako sa ganitong lugar,' ganyan, ganyan.

"Kaya pag nakikita ko 'yon o nakikita ni Mama na dumadami, natutuwa din siya para sa akin."

May comfort food ka ba?

"Sinigang. E, hindi ko alam. Kasi paggano'n 'yong ulam ko parang hindi ako nabubusog.

"Hindi nga, seryoso. Pag sinigang na butu-buto, kahit ano pong sinigang, kahit isda, bangus, gano'n, kasi bata pa lang ako, 'yon na din ang paborito ko."

When it comes to fashion, what do you usually wear?

"Sinusuot? Madalas po maong, kasi comfortable ako sa maong. Pero ano po, minsan naman gusto ko rin mag-dress.

"Basta 'wag 'yong sobrang ikli naman na dress, kasi minsan gusto ko naman feeling Cinderella, mga gano'n.

"Pero kapag lalabas po ako, halimbawa magsisimba, pupunta ng mall, gano'n, mas gusto ko po 'yong medyo T-shirt lang na puti, 'tapos parang flats [shoes] lang po."

Ano 'yong pinagkaka-busyhan ng isang Angeline Quinto bukod sa ASAP Rocks?

"Madalas po kasi ako na mapasama din sa mall shows ng ASAP Rocks, sa out of town po 'yon, e."

Dagdag din ni Angeline, "'Tapos magkakaroon din po ako ng ibang shows sa ibang bansa. Pero ngayong September po, e, mapapasama po ulit ako kay Ma'am Sharon [Cuneta] para po sa, sa Europe tour niya naman—para po sa concert po ni Mega."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN