Piolo Pascual starts filming movie with Angelica Panganiban; also looks forward to doing a film for international release

IMAGE 0


"Mahirap siya. It requires a lot of action and takbuhan. This one is more action, drama, and comedy. So, I'm excited kasi hindi siya 'yong typical na rom-com [romantic-comedy film]," says Piolo Pascual about his upcoming movie with Angelica Panganiban.


Nagbago ng bahagya ang hitsura ng aktor na si Piolo Pascual.

Mula sa clean look, nagpahaba siya ng balbas at bigote para sa kanyang susunod na pelikula.

"Siguro para lang maiba from the last gig that I did, I grew my hair," sabi ni Piolo sa media event ng kanyang iniendorsong hair product na Clear, kaninang tanghali, Mayo 12, sa Midas Hotel, Roxas Boulevard, Pasay City.

Sabi pa ng actor, "Actually, pinahaba pa ito for a time. We did some test.

"They wanted it longer, they wanted it close, so may compromise. It's kinda hard kasi it's long, e."

Kailangan din daw ang bagong hitsura niya ngayon para mas mukhang "tough" ang kanyang dating sa pelikula.

"Mahirap siya. It requires a lot of action and takbuhan," paglalarawan ni Piolo sa pelikula.

"This one is more action, drama, and comedy.

"So, I'm excited kasi hindi siya 'yong typical na rom-com [romantic-comedy film]."

Bukod sa pagiging action-packed, susubukan din ni Piolo na magpatawa sa pelikula, na aminado siyang mahirap gawin.

Biro pa nga ni Piolo, "I'm still uncomfortable because mas magaling akong mag-comedy off-cam.

"Kapag on cam I get struck out. With Angel pa, e, napaka-natural sa kanya ang mag-comedy.

"So, I'm still uncomfortable. It's hard."

Gayunman, natutuwa pa rin si Piolo para sa pelikula dahil makakasama niya rito ang kapwa Star Magic talent na si Angelica Panganiban.

Sabi ni Piolo, "I'm excited because I've waited more than two years for this project.

"Finally, I'm doing another movie with Angelica.

"The last time I worked with her is a soap, Mangarap Ka [2004].

"This is my first movie with her, and director namin is from Catch Me I'm In Love.

"I'm excited. I love doing movies."

Kumusta naman si Angelica bilang kasama sa pelikula?

Sagot ni Piolo, "Makulit. She's really makulit.

"But what's nice about her is that she's really honest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi siya primadonna sa set and she's always accommodating.

"Ano siya, napaka-bubbly."

DOING AN INTERNATIONAL MOVIE. Natanong din ng media si Piolo sa napabalitang ginagawa niyang international movie.

Hindi pa raw makapagbibigay ng eksaktong detalye ang aktor tungkol dito. Pero nabanggit niyang pinaghahandaan na rin niya ito.

Kwento ni Piolo, "I did some training in acting and dialect coach for a month."

Kahit medyo nade-delay na ang pag-usad ng pelikula, mainam naman na raw ito para mas maganda ang resulta ng proyekto.

Sabi ni Piolo, "We're just still setting up for everything because maraming pumapasok na investors, maraming gustong maging involved doon sa project.

"I guess, I just wanna do it right.

"Sabi ko doon sa producer, 'We're only doing this once and we might as well do it right.'

"You know, we don't wanna compromise. This is my first and only international movie so, gusto ko talaga na everything is prepared."

GOING STRONG. Samantala, naging mailap naman ang aktor nang tanunging siya ng media tungkol sa kanila ng girlfriend niyang si KC Concepcion.

Ang maikling sagot ni Piolo, "Okay naman, I'm happy."

Pagkatapos sinabi niya na abala ngayon ang aktres sa paggawa ng kanyang pelikula kasama si Sam Milby, ang Forever and a Day.

Sabi ni Piolo, "They're almost done shooting. Almost every day ang trabaho nila.

"She came yesterday [from Davao], and she went straight to the airport. She has a concert in Switzerland.

"Then pagdating, shooting ulit, dubbing. Mas busy pa siya sa salitang busy."

Nang subukang hingan ng reaksyon si Piolo sa mga bali-balitang hiwalay na sila ni KC, nakangiti naman itong sumagot.

"Huwag naman nating pangunahan. Bago lang. Huwag naman."

Sinabi pa niya sa huli, "[Hindi totoo] hangga't hindi nanggagaling sa amin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN