JC Tiuseco today chooses to focus more on career than on love

IMAGE 0


"If you're looking for the right one, hindi ka dapat naghahanap sa bar o kung saan-saan. Hinihintay mo na lang kung kailan siya darating sa buhay mo. Dapat yung puwede mong iuwi sa bahay nyo at maipagmamalaki mong ipakilala sa magulang mo at sa buong pamilya nyo," says JC Tiuseco about finding his next girlfriend.


Nagsadya ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 11, sa studio ng kilalang showbiz photographer na si Edward dela Cuesta.

Pictorial kasi roon ng ilan sa mga pinakabagong miyembro ng male batch ng Regal Babies: JC Tiuseco, Fabio Ide, Daniel Matsunaga, Ervic Vijandre, at Ian Batherson.

Si JC ang katatapos lang sumalang sa nasabing pictorial.

Naka-jeans lang siya at walang pang-itaas.

Kapansin-pansing mas gumanda pa ang built ng kanyang katawan.

Kung sabagay, noon pa man ay kapanta-pantasya na ang datíng niya sa mga kababaihan, hindi lang dahil sa kanyang guwapong mukha kundi sa kanyang well-defined chest at abs.

Ngayong gabi pa lang, May 12, nakatakdang pumirma ng kontrata si JC at ang mga nabanggit na lalaki bilang mga bagong Regal Babies.

Kaya tuloy wala pang masabing detalye si JC hinggil sa mga plano sa kanila ng Regal Films ni Mother Lily Monteverde.

Pero excited daw si JC at umaasang malaki ang magagawa ng Regal para mas umangat ang kanyang career.

"I'm doing Sisid right now," aniya nang mausisa tungkol sa kanyang pinagkakaabalahan sa ngayon.

"It's a new afternoon series sa GMA-7 which will start airing on May 30.

"Isa ako sa leading man ni Jackie Rice.

"Kasama namin dito sina Dominic Rocco, Ian Batherson, Angelu de Leon, Maricar de Mesa, at marami pang iba.

"Pearl diver ang role namin ni Jackie na local kaya ganito ang kulay ng hair ko ngayon [medyo golden brown ito]. 'Tapos, fixed marriage kami.

"And then, na-meet niya si Dominic Rocco na mayaman naman. Na-in love siya kay Dominic at do'n na iikot ang istorya."

Dahil diver nga ang kanyang role, maraming eksena ang nakahubad lang daw siya.

And why not? Mas sexy pa ngang lalo ang pangangatawan niya ngayon.

"Mas nagdyi-gym kasi ako ngayon.

"Actually kasi, before kami mag-taping ng Sisid, siguro nakapag-prepare kami ng mga one month.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So... 'yong one month na iyon, talagang nag-prepare ako. Nag-gym ako.

"'Tapos proper diet. Kasi dati, medyo payat pa ng konti.

"Maraming taping days na ang nagawa namin for Sisid.

"Siguro ang nakabangko na naming episodes, good for six weeks of airing na."

May mga matitinding intimate scenes ba sila ni Jackie?

"As of now, wala pa. Hindi ko pa alam.

"Pero merong parang rape scene ako kay Jackie.

"Kasi nga, dahil ipinagkasundo na kami ng mga magulang namin na ipapakasal, parang pinilit ko siya na may mangyari na agad sa amin."

And how does he find working with Jackie?

"Sobrang bait. Sobrang daling katrabaho.

"I've worked with her na rin kasi sa Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin. So okey naman.

"Mas okey ngayon, kasi nakapag-bonding na kami before. 'Tapos close naman kami ni Jackie, so... okey lang."

FOCUSED ON CAREER, NOT LOVE. From what he knows, single ba si Jackie ngayon?

"Hindi ko alam, e," natatawang sagot ni JC.

"Ako, single... pretty much! Matagal na. Mga more than a year na akong single."

Parang nawalan siya ng ganang manligaw at magka-lovelife?

"Focus muna ako sa career ngayon, e.

"Every time na may work kasi, after work, nando'n lang ako sa bahay or sa gym.

"Hindi na ako gumigimik, e. Siguro napagsawaan ko na rin yung paggimik.

"Minsan-minsan na lang siguro.

"Kapag may nagyaya sa akin na friends na matagal ko nang hindi nakasama, 'tapos nagyaya silang gumimik, okey lang. Pero yung lagi, hindi na."

Ano na lang ngayon ang parang form of relaxation and recreation niya?

"Gym. Do'n ako nagtatanggal ng stress.

"'Tapos magpapa-massage ako minsan.

"O di kaya watch a movie through DVD sa bahay. 'Yon lang."

Sa tingin niya, gaano pa katagal bago siya muling magkaroon ng interes for a relationship again?

"Actually, you can never tell, e. Parang siguro, kapag dumating na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na may makilala ako siguro na gustong-gusto ko.

"Kasi minsan naman, kahit na parang ang feeling mo gusto mo nang magkaroon ng girlfriend, pero wala pa naman yung nakikilala mo na gustung-gusto mo talaga.

"Huwag na lang muna, kung wala pa naman."

Hindi na showbiz ang gugustuhin niyang maging girlfriend?

"Malamang! Ha-ha-ha!

"Bakit? Mahirap 'pag showbiz, di ba?

"Kapag dalawa kayong showbiz na in a relationship, mas mahirap. Mas maraming... magulo.

"'Tapos hindi nagkakaintindihan nga minsan."

Ang huling napabalitang showbiz girlfriend niya ay si Maxene Magalona.

Dahil ayaw na nga niya ng showbiz, ibig sabihin ba nito'y malabong magkagusto at manligaw siya sa Sisid leading lady niyang si Jackie Rice?

"Malabo nga siguro. Kasi ano, e, magkaibigan na kami ngayon, e.

"Parang mas comfortable na friends lang kami. Trabaho lang talaga."

Nagsasalita na ba siya ng tapos sa pahayag niyang ito?

"Sana! Ha-ha-ha! Sana!"

Pero for sure, may mga katangian si Jackie na nagugustuhan nga niya.

"Ah... gusto ko yung pagiging simple lang niya. Walang arte. Madali talaga siyang katrabaho.

"Tapos... mabait siya sa mga co-actors niya."

HOW ARE HE AND MAXENE? Matapos niyang makipag-split sa dating girlfriend na si Maxene Magalona, ayaw na nila parehong mapag-usapan ang isa't isa.

Obvious na hindi naging maganda ang paghihiwalay nila. Pero kumusta na nga ba sila?

"Okey naman siguro. Pero, I haven't talked to her. I haven't seen her."

Paano kung by accident ay magkita nga sila't magkaharap? Iiwas ba siya?

"Sa akin wala na yun, e. Matagal na, di ba? Years na."

Kung sabagay, happy naman yata si Maxene sa lovelife nito ngayon, di ba?

"I think... yes," sang-ayon ni JC.

Biro ng PEP sa kanya, baka naman siya ang hindi maka-move on sa split-up nila ni Maxene dahil wala pa rin siyang bagong girlfriend.

"Hindi. Okey na ako," ani JC. "Mas pinili ko lang na mag-focus muna sa career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Happy naman ako ngayon with my life."

Kitang-kita nga sa mukha ng binata na masaya siya ngayon.

Hindi kaya meron talaga siyang lovelife at itinatago lang niya ito?

"Hindi. Loveless talaga ako."

Kahit fling o yung mga relasyon na "no commitment"?

"Wala rin. After work talaga, umuuwi na ako, e.

"Wala pa kasing ipinapakilala ang friends ko sa akin, e," biro pa niya.

Pero kung titingnan, hindi na rin kailangan pa ni JC ang kaibigang magpapakilala sa kanya ng bagong puwedeng makarelasyon.

Sa itsura at estado niya ngayon bilang isa sa bagong batch ng TV lead actors, madali na sa kanya ang makakilala ng bagong makakarelasyon.

Biro uli ng PEP, tumambay nga lang siya sa kahit saang bar ay may makikilala na agad siyang potential girlfriend.

"Hindi rin. Siyempre kasi... if you're looking for the right one, hindi ka dapat naghahanap sa bar o kung saan-saan.

"Hinihintay mo na lang kung kailan siya darating sa buhay mo.

"Dapat yung puwede mong iuwi sa bahay n'yo, at maipagmamalaki mong ipakilala sa magulang mo at sa buong pamilya nyo," katuwiran ni JC.

SHORT-SHORTS. Sa lahat daw ng nagawa na niyang proyekto, ang Sisid ang pinaka-sexy niya.

"Kasi most of the time, wala akong shirt.

"'Tapos yung maong shorts na suot ko, sobrang ikli.

"Kasi gano'n daw ang mga sinusuot ng mga maninisid sa province. Maong shorts na punit-punit pa.

"E, sa sobrang ikli nung maong shorts na suot ko, kailangang lagi akong naka-trunks o cycling [shorts] sa loob.

"Kasi maikli talaga. Kapag bumukaka ako, makikita na yung ano ko, ha-ha-ha!

"Pero okey naman ako during our shoot. Kumportable naman ako.

"Kasi halos every day gano'n ang suot ko.

"Nasa beach kami. Sa Nasugbu, Batangas, kami nagsu-shoot. Tapos may trunks naman nga ako sa loob.

"Yung mga kasama ko noong una, nagri-react sila, 'Uy, ano ba 'yang suot mo? Sobrang ikli! Ha-ha-ha!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinaiingitan nga ng ibang mga lalaki ang tikas ng katawan niya.

"Thank you!" nangiting reaksiyon na lang ni JC.

Dahil tungkol nga sa mga maninisid ang bagong teleserye niya, tinanong ng PEP kung magaling nga siyang sumisid.

"Marunong akong lumangoy. Pero for this one, kailangan pa naming mag-train.

"Kung paano yung proper swimming at diving. Kung paano mag-equalize sa ilalim ng water.

"Pinakamahirap yung underwater ka na.

"Sobrang nahirapan din dito si Jackie.

"Kaya kailangan talaga kaming i-train bago mag-shoot."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN