Chinggay Andrada trains contestants of Biggest Loser Pinoy Edition

IMAGE 0


"It's the most rewarding feeling that you'll get as a trainer." This is how Chinggay Andrada describes seeing progress in The Biggest Loser contestants.


Matapos niyang pumunta ng America para magpakasal, nagbabalik si Chinggay Andrada bilang isa sa mga trainer ng Biggest Loser Pinoy Edition.

"I'm the trainer in the Biggest Loser Pinoy Edition.

"Dalawa kami, one female trainer and one male trainer—[which is] the way it works in the U.S. edition."

Ang Biggest Loser ay palabas na nagsimula sa United States noong 2004. Ang mga kasali ay magpapababaan ng timbang para manalo ng cash prize.

Ilang bansa na rin ang nagsagawa ng sariling version nila ng palabas na ito, at ngayon ay isa na roon ang Pilipinas.

Ang host ng Philippine version ay si Megastar Sharon Cuneta.

On Traning. Hindi na bago si Chinggay sa industriyang ito. Naging host na siya noon sa Global Filipino, kasama si Bobby Yan sa ABS-CBN /TFC (The Filipino Channel) program.

May experience na si Chinggay sa pagsasagawa ng fitness training.

Nagturo na rin siya noon ng boxing sa Red Corner Boxing Gym dito sa Pilipinas.

At sa U.S. ay ito ang isa sa mga pinagkaabalahan niya.

Dahil dito, alam daw ni Chinggay kung paano iha-handle ang participants ng The Biggest Loser Pinoy Edition.

Hindi biro ang mag-train ng mga gustong pumayat. Pero para kay Chinggay, "You study them, just like what I've done with my clients in the past."

Dagdag pa niya, iba-ba naman daw ang pwedeng gamitin na motivation sa isang tao.

"Every person is different, meron silang sariling motivation.

"Merong tipo [ng] mga kliyente na they used to be active but decided they're gonna work a lot.

"Different priorities, different things in life come up."

Pero hindi lang daw dapat sa kanya manggaling ang pagmo-motivate, paliwanag niya.

"It's usually not someone to motivate somebody, kasi it's an individual thing."

Kahit pa man mahirap ang pinagdaraanang training ng mga contestants, nagagawa pa rin itong masaya nila Chinggay at ng co-trainer niyang si Jim Saret.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa paghahalo ng sayaw sa mga training nila, isa pa raw paraan ni Chinggay ang 'visualization'.

"It's just, how you make it fun, to make them realize that they do something that's leading to a better version of themselves.

"Parang visualization, that's what I usually do with my clients."

Mahalaga din daw na kusang manggaling sa mga contestants ang kagustuhang unahin ang kanilang kalusugan.

Isa raw itong paraan para maging parte ang healthy living ng lifestyle nila.

"So, kailangan talaga that one hour or two hours that we spend together is all from you because I want you to stick with it.

"You know, it's a long term goal, not short term, and that's always what I instill with my clients."

Hindi rin naman maiiwasan na kaakibat ng ganitong mga palabas ay ang emotional struggle ng bawat kalahok.

Pero alam na raw ni Chinggay na isa ito sa mga kakaharapin niya.

"It's a challenge I already knew I'll have. So you know, day to day yung mga tapings, yung mga work outs, we do it as a team."

Dagdag pa niya, challenge ito sa kanya at sa kanyang mga tine-train dahil na rin iba-iba ang kanilang mga dahilan ng pagsali sa Biggest Loser Pinoy Edition.

"Kasi they have their own different stories kung bakit sila nakapasok ng camp, and siguro naman we all know that there is a weight minimum.

"So all in all, every day is different. Every workout is different for them."

Kwento pa ni Chinggay, "Kasi yung ibang contestants, it's been years since they last moved their body, that they've done something physically challenging."

Kaya naman sinisiguro niya na todo ang suportang ibinibigay niya sa mga tine-train niya upang hindi sila panghinaan ng loob sa training camp.

"So, every day for them is a challenge. Every time we work out is a challenge also for me as a trainer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Medyo kailangan todo yung motivation, and to make them realize yung support system that they've been looking for ay dito na lahat sa loob ng camp."

The Success Stories. At kaakibat ng mga mabibigat at mahihirap na training ay ang unti-unting tagumpay na nakakamit ng mga contestants.

Para kay Chinggay, walang kapantay ang saya niya sa bawat tagumpay ng mga kalahok sa contest.

"It's the most rewarding feeling that you'll get as a trainer," pahayag niya.

Kwento pa ni Chinggay, "You were able to move bodies and at the same time you were able to make them realize that they can move mountains.

"That they can make anything happen."

Pero hindi lamang ang mga contestants ang nabago ng palabas na Biggest Loser Pinoy Edition.

Bagaman at hirap si Chinggay sa pagte-train ng mga kalahok sa contest, para sa kanya, "[This is] a life changing journey and I'm just really excited."

Tingin din niya, dumating ang pagkakataong ito na magbalik sa industriya sa tamang panahon at oras.

"When the show popped up, it was the right time for me to come back and do something that will probably be an exclamation point and exclamation mark of my career.

"This is it!

"I'm sure it will lead me to more opportunities," sambit pa ng very attractive trainer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN